PROLOGUE

1 0 0
                                    

Hadiya

Napalingon ako nang maramdaman kong parang may nakasunod sa'kin. Dali-dali akong pumunta sa gate ng school namin.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Sisigaw na sana ako pero agad na nagsalita si Rade.

"Wahhhh! Happy legality Hadiii!" she cheerfully said. Gusto ko siyang batukan sa panggu-gulat sa'kin. I sighed and smiled.

"Thank you," ani ko at naglakad na. Sinundan lamang niya ako at patuloy na nagsasalita.

"Anong thank you, 'di ko matatanggap ang thank you mo. Gusto ko ng invitation dzuhhh," aniya. Agad kong kinurot ang tagiliran niya. "Ouchh," she acted hurt.

"Wala kaming handa, and besides ayokong magpahanda dagdag gastos lang. Inuuna ko pa ang gamot ng kapatid ko," sabi ko.

"O sige ilibre na lang kita sa Jollibee pero babayaran mo'ko sa susunod ha," aniya. Ang babaeng 'to talaga.

"Ayoko, ililibre mo'ko tas magpapabayad ka? Ano yun?"

"Syempre birthday mo ngayon kaya di kita sisingilin, next time na kita sisingilin sa darating na utang mo mamaya," aniya. Napailing na lamang ako at mahinang natawa.

This is Rade, my best friend since elementary.

"Ayan tumawa ka na, ang lalim ng iniisip mo kanina."

"Huh?" nagtatakang napalingon ako sa kanya.

"Dzuhh ang lalim kaya ng iniisip mo kanina, aakalain ng mga tao na wala ka na sa sarili mo," aniya.

"Baliw," sabi ko.

"Pero di nga? Wala ka talagang handa kahit pansit?" tanong niya.

"Wala nga, ayoko maghanda," sabi ko.

Tumango na lamang siya at naglakad na kami patungo sa classroom namin.

Nasa senior high na kami ngayon, next month ay graduation na namin kaya ang daming projects at pinipiga kami ng teacher namin sa practical research.

Tinupad nga ni Rade ang sabi niya. Nang maglunch ay lumabas kami ng school at dinala niya ko sa Jollibee.

"Pasensya na ha, sa Jollibee lang ang kaya ko ngayon," aniya. "Pero hayaan mo pag nagbigay si Daddy sa Mcdo na tayo."

"Gaga, okay lang kahit nga wag na may baon naman ako e," sabi ko.

"Hindi pwede yun, once in a lifetime lang to kaya 'di ka pwedeng tumanggi," aniya.

Ngumiti ako dahil kahit papaano ay may nakaalala na birthday ko ngayon.

--

Nang matapos ang klase ay agad akong nagligpit para umuwi na, hindi ko na nakita si Rade dahil mabilis pa 'yun sa alas kwatro pag uwian na. Ewan ko ba kung bakit laging nagmamadali 'yun.

Nakalabas nako ng gate at andyan na naman yung feeling na parang may nakasunod sa'kin. Binilisan ko ang lakad ko ngunit huli na ang lahat. Nagpumiglas ako pero mas malakas talaga siya sa'kin.

Agad niyang tinakpan ang bibig ko ng panyo. Unti-unti ay nagdidilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na'kong mawalan ng malay.

--

Nagising akong may nakatakip sa aking mata, nakatali rin ang aking kamay at paa. Nagpupumiglas ako at humihingi ng tulong.

"Happy birthday Hadiya," he huskily said in my ears. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Tila narinig ko na ito dati.

"Sino ka?" sigaw ko. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa aking katawan ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking tiyan.

"Your future husband," aniya.

Napasigaw ako sa sakit. Parang tinatahi ang aking tagiliran. Tanging sigaw at hagulgol ko lamang ang maririnig sa buong silid.

"Shhh, malapit na," aniya. Napaiyak ulit ako sa sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa matapos ito. Gusto ko siyang sigawan at pagmumurahin pero nawalan ulit ako ng malay dahil sa itinurok nito sa balat ko.

--

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. Confusion swallowed me.

Nandito na'ko sa sarili kong kwarto. Agad kong tinaas ang damit ko. Napatingin ako sa tattoo sa aking tagiliran, namumula pa ito. Ngunit nakasulat ito sa ibang lengwahe.

Sino ang lalaking gumawa nito sa'kin?

Wala akong palatandaan sa lalaking 'yun, tanging boses niya lamang. Gusto ko siyang hanapin at tanungin kung bakit niya ako minarkahan.

Hindi niya pag-aari ang katawan ko na basta na lamang niya lalagyan ng kung ano.

Napatingin ako sa sulat na nakapatong sa mesa ko. Agad ko 'yung kinuha at binasa.

Nanginginig na binitawan ko ang sulat, nanindig ang mga balahibo sa aking katawan.

Did you like my birthday present?

When the right time comes, I will get back what's mine.

-ZC

-Aes

Unkept Secrets (Chavez Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon