Chapter 1
"Happy birthday, Isabel!" sigaw ng mga tao pagpasok ko sa opisina ng council.
Lumapit ako kay Elara na tagabitbit ng cake. Napangiti ako nang nabasa ko ang nakasulat sa whiteboard.
Happy Birthday, Miss Pressy! We love you!
- Your council fam
"Thank you!" sambit ko habang hinihipan ang kulay rosas na mga kandila. "Nag-abala pa kayo."
"Walang problema basta ikaw, Pres!" sabi ni Kean na kumakain na ng Hawaiian pizza.
"Kean, mahiya ka naman sa birthday girl," Jaden, the council's secretary said. "Mas nauna ka pa kumuha ng pagkain."
Nagtawanan naman silang lahat. I could already feel my cheeks hurting because of too much smiling. The council never failed to make me happy. There may be times that things get stressful, but I can't help but live for moments like this. Moments wherein we can forget for a while and just enjoy.. life.
All of them greeted and hugged me one by one and Elara was the last one to do so.
"Happy birthday, mahal!" She said before hugging me tightly. Elara is the council's vice president, and also my best friend.
"Thanks, Vielle ko!"
After all the greetings and hugs, the prayer began. We all bowed our heads as I started to say grace.
After the prayer, all of us enjoyed the food and talked about random chikas. We also bega to take some pictures. The time spent with the council was awesome, as always. I consider them as my family. We've worked together for almost six months and I can say that we all got closer as those months passed by.
Pagkatapos naming kumain, niligpit namin ang mga kalat at nilinisan ang buong kwarto para wala kaming marinig na reklamo galing kay Miss Flores. Naiwan kaming tatlo nina Annie at Elara dahil nauna nang umuwi ang iba naming kasamahan.
"Ba't parang ang lungkot ng mukha mo?" takang tanong ni Annie.
"Hindi ah," tanggi ko naman.
"Sus, kami pa niloko mo," sabi ni Elara. "Hindi bagay sayo 'yang pekeng ngiti mo."
"I'm not sad!"
"You are!"
"I'm not!"
"You so are!"
"Oo na!" inis na sabi ko.
"Na't malungkot ang bebe namin ngayon?" tila nang-aasar na tanong ni Elara.
Napairap naman ako at naghalukipkip nalang.
"Ah!" sigaw ni Annie na parang may nalaman. "Parang alam ko na!"
"Ano?" tanong ni Elara habang nakangisi.
"Mukhang hindi pa siya binati ni ano," Annie giggled.
"Sinetch itey?" sabi ni Elara.
"Sa letrang S at A, sino pa ba?"
"Edi si Saint Apollo!" sabay nilang sigaw at hinampas pa nila ang isa't-isa na tilang kinikilig pa.
"What if tumahimik na kayo?" sabi ko sa kanila habang nakasimangot.
Tinawanan naman nila akong dalawa. I rolled my eyes. Nakakainis ka naman kasi Saint eh! Birthday ng bestfriend mo tapos mag-aalas sais na ng hapon hind mo parin binabati!
"Malay mo may surprise," sabi ni Elara.
"Malay mo nakalimutan talaga," segunda naman ni Annie.
Pabiro ko siyang hinampas. Akmang sasagot pa ako ngunit naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Tiningnan ko kung sino.
From: Number 1 hater
Labas na po mhiss,, kanena p aqu naghehentai.,,
Napangiti naman ako sa nabasa. Hindi ko pinansin ang panunukso ng dalawa kong kabigan at nagsimula nang magtipa ng reply.
To: Number 1 hater
Okay.
"Ay iba! May pa period!" natatawang sambit ni Annie. "Tampo yern?"
"Tumahimik ka nga!"
Sabay na kaming lumabas ng kwarto. We parted ways dahil dederetso na sila sa main gate habang ako naman ay dumiretso sa parkingan.
Malayo pa ako pero natanaw ko na si Saint. Nakasandal siya sa kotse niya. Suot ang uniform at ang regalo kong wristwatch, hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawa 'yan.
Paano niya magawa maging pogi sa paningin ko.
Pero syempre, hindi na niya na kailangan malaman 'yon. Mahirap na at baka lumaki pa ang ulo. Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa kaniya habang bitbit ang box ng cake. Sana naman aware siya na birthday ko ngayon!
"Anong kailangan mo?" bungad ko sa kanya ng nakatayo na ako sa harap niya.
"Sungit mo naman," sabi niya at kinuha ang cake na bitbit ko. "Wow! may ano ngayon?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi mo alam?"
"Hindi?" he said. "Dapat ba alam ko? Wala akong matandaan ngayon eh."
Umirap ako at hindi siya pinansin. Binuksan ko nalang ang pintuan ng kotse niya at kaagad na pumasok. Ba't naman kasi hindi clear yung box ng cake!
Binuksan ni Saint ang pintuan sa may driver's seat at nilagay ang cake sa may backseat.
"Wala ka ba talagang natatandaan ngayon?" pangungulit ko sa kanya.
"Wala nga babe," he said.
Hindi ko na pinansin ang tawag niya sakin dahil mula ng nakatapak na kami sa highschool, kung ano na lang ang tinatawag niya sakin para daw wala ng magtatangka sa kanya na mga babae. Habulin pa naman siya. Hirap nga, dami kong kaagaw!
"Sure na 'yan?"
"Oo nga," he chuckled.
"Final answer?"
"Yes love. Hindi pa naman birthday ni Bubbles diba?"
Napairap ako at hindi na lang siya pinansin. Si Bubbles ay ang pusa ko na niregalo niya sakin nung mga bata pa kami. Buti pa birthday ni Bubbles natatandaan niya. Pero birthday ko hindi? Naku, nakakasakit ka naman ng damdamin!
Nagsimula na siyang magmaneho. Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring may nagsasalita sa amin.
Sana naman marealize mo na nagtatampo na ako!
Tiningnan ko siya ng may pagtataka ng napagtanto ko na mali ang dinadaanan namin na kanto.
"Nabagok mo ba ang ulo mo at hindi na matandaan ang daan pauwi?"
"Ako, mababagok ang ulo?!" he exclaimed exaggeratedly. "Gosh! The horror!"
Pilit na pinipigilan ko na lumabas ang ngiti ko. You really know how to capture my heart, huh.
He parked his car in front of a building. "Wait lang may kukunin lang ako."
I nodded and said nothing. Sorry, nagtatampo pa rin ako! Natatandaan mo na may kukunin ka dito pero birthday ko ay hindi mo man lang matandaan! Nagexpect pa naman ako na ikaw ang unang babati sakin ngayong araw!
Kinuha ko ang cellphone ko upang magpalipas ng oras. Nagpasalamat na rin ako sa mga bumati sakin sa social media ko. Napatawa pa ako sa post ng pinsan ko na si Isaiah. Litrato naming tatlo nina Saint ang pinost niya.
Happy birthday to my favorite cousin!
p.s.
pic po namin ito with hindi ko kilalaNapangiti ako sa caption niya at nagpasalamat na rin. Isaiah, pakisabihan nga itong kaibigan mo na batiin rin ako!
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ko. Akmang sisigawan ko na sana ang tao na bumukas ng pintuan ko ngunit napatigil ako sa nakita ko.
It was... Saint.
He stood in front of me with his usual boyish smile and in his hands were a bouquet of tulips and baby breath flowers.
"Surprise, love. Happy Birthday."

BINABASA MO ANG
Reminders of You
Fiksi RemajaIsabel Nicolette Ayala is the school's student council president. High grades, pretty face, and kind heart, she got it all. She has everything, except the patience for her best friend, Saint Apollo Villanueva. Saint Apollo Villanueva, the school's f...