SOMEONE'S POV;
"Boss, bumalik na sya" hingal na sabi ng secretary nito na tila tumakbo mula first-floor hanggang sa opisina ng amo nito.
Nagtataka namang tinignan ni Anthony ang sekretarya niya.
"Sinong sya?" tanong nya na may halong pagtataka.
"Si Krystal Dianne Rios sir,"
Napatayo naman ako sa gulat,
"Boss, tingin ko kailangan mo syang bantayan, maaring nasa panganib ang buhay ng babaeng yan" Suhestyon ng sekretarya nito.
Napahilot nalamang ng sintido ang lalaki dahil sa perwisyong alam nyang nakatakdang mangyari.
"Armando, nangako akong gagawin ko ang lahat para protektahan ang anak mo, kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko" ani nito sakanyang isip.
KRYSTAL'S POV;
"Ystal Welcome back, antagal mo ring hindi umuwi dito ah" bati saakin ni Jeremy, habang bitbit ang bagahe ko, dito kasi siya nagtatrabaho sa airpot.
"thank you, miss ko na rin ang hangin sa pinas HAHAHAHA, Kamusta ka?"tanong ko.
"Maayos naman, ikaw ba, anong nangyari sayo sa London?"
"Mahabang kwento eh"
"o sya dina kita pipilitin pang magkwento at paniguradong pagod ka." pagsuko nya.
"San ka nga pala titira nyan?" tanong nya.
"sa totoo lang hindi ko alam, nauna na dito yung butler ko, susunduin nya ako para mapuntahan na namin kung sang condo yung binili nya" saad ko, na nagpaliwanag ng mukha nya.
"Condo? sa condo ka titira?"
tumango lang ako bilang tugon.
maya may'ay dumating na rin si butler jay sakay ng mustang, dinala nya lahat ng bagahe ko at inilagay sa compartment at pinag buksan ako ng pinto,nagpaalam na ako kay Jeremy at sumakay na ng kotse.
"San nga pala banda ang condong nabili mo butler jay?" tanong ko.
"Hindi po condo ang binili ko ms. Krystal penthouse po, sa isang exclusive village po sa laguna."
napatingin naman ako dahil sa sinabi nya.
Penthouse?
Exclusive village?hindi na lamang ako sumagot.
hinayaan ko nalamang sya, masyado naman akong iniispoiled ng butler ko.
“nga pala, anong balita sa kumpanya ko sa london?” tanong ko.
Simula kasi ng umuwi ako ay ang vice president nalang muna ang pinag handle ko doon, well kung hindi man nya aayusin ang pagpapatakbo ay alam nya kung anong mangyayari sakanya kung sakali,
Rios Corp in london was the biggest company branch that i ever had.
Kaya ako umuwi dito sa pinas para makapag focus naman ako sa company namin dito, ng maka recieve kasi ako ng update na isa isang nag sisi pull out ang mga investors namin ay hindi ako nag dalawang isip na umuwi rito, hindi ko hahayaang ma bankcrupt to.
Our company here in the Philippines was our main company, dito nabuo lahat ng memories, dito nagsimula lahat, dito binuo lahat ni daddy hanggang sa lumago ng lumago, kaya dito muna ko pansamantala hanggat hindi nakakabawi ang company, aalamin ko rin ang dahilan ng pag pull out nila.
halos isang oras din ang ibinyahe namin, ng makarating na kami ay nauna nang lumabas ng kotse si butler jay at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
tahimik kong pinagmasdan kung gano kaganda at kaaliwalas sa village na ito, muka ring mayayaman ang mga nakatira dito dahil sa mga nag sisilakihang mga gusali, doon palang sa gate na pinasukan namin kanina ay alam mo nang mahigpit ang pagbabantay nila dahil may apat na guard na naka duty roon.
tinignan ko naman ang penthouse na nasa harap ko ngayon, may kalakihan rin ito hindi ko nga sure kung penthouse nga ba ito o masyon, bigla namang bumukas ang gate at may lumabas na apat na babae isang may edad na at tatlong nasa middle 20's i think, obvious namang mga maid ito dahil narin sa mga suot nila.
lumapit sila kay butler jay at iniabot nya ang mga bagahe ko, lumapit ako sa kanila.
“Ms. Krystal sila nga pala ang magiging katulong mo rito” sabi ni butler jay
bigla naman silang nag si yokuan.
“Ikinagagalak po naming makilala kayo ma'am,” bati nung medyo may katandaan na.
nginitian ko nalamang sila.
“Ako nga po pala si agnes,”pagpapakilala nung medyo may edad na,“Sila naman po ay sina Trisha,Mikaella at Irish” pagpapakilala nya doon sa tatlo.
niyaya na nila kong pumasok sa loob, at tulad ng inasahan ko napalaki talaga nito, may tatlong palapag ito, una nila akong dinala sa sala napansin ko na kumpleto na pala ko sa mga gamit, napakalaki rin ng sofa at mukang high quality, pagkatapos ay dinala naman nila ako sa dining area, formal kitchen at dirty kitchen, meron ding dalawang restroom dito sa first floor, meron ding study room at gym, sa second floor naman ay merong movie room, three guest room at masters bedroom bawat room ay may sari sariling comfort room at veranda,
sa third floor naman ay ang aking kwarto 2x bigger than masters bedroom may cr den at malawak na veranda, napahanga ako dahil lahat ng gusto ko sa isang kwarto ay narito, kilalang kilala na talaga ako si butler jay, nandito rin sa third floor yung office ko malaki laki rin ito,
bumaba na kami at pumunta naman sa likod ng bahay, pagkababa ko'y bumungad agad sakin yung napakalaking pool tapos pinakita rin nila yung garage at garden, sa likod din ng bahay may makikitang room, sabi nila maids room daw yon.
Pagkatapos nila akong i-tour ay nagpaalam na akong magpapahinga na, sobrang pagod at puyat ang nararamdaman ko ngayon dahil siguro sa jetlag.
umakyat nako ng kwarto ko at nag half bath lang ng mabilis para hindi malagkit sa pakiramdam, pagkatapos non ay natulog na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto ko, napaunat naman ako dahil satisfied na satisfied ako sa tulog ko, tinignan ko kung anong oras na at 7:00 pm na pala limang oras rin akong nakatulog, pagkababa ko nakita ko sila sa dining na naghahanda ng pagkain, niyaya ko na silang sumabay sakin dahil ayokong kumain mag isa, pagkatapos kong kumain ay napagdesisyonan kong lumabas muna at bisitahin ang kaibigan ko malapit lapit lang naman dito yung bar ng magulang nya na mina-manage nya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (On-Going)
Teen FictionRevenge is one of Krystal's priority, she will do everything to make them suffer from death, habang naghahanap sa taong pumatay sa pamilya nya bigla na lamang may lumitaw na lalaking walang kung ano ano'y mag iinvest sa kumpanya nya, pero simula ng...