Chapter 13

809 41 5
                                    

“So you want me to stop, Zyaire?” cold kong tanong sa kanya.

“Look at yourself, Lilah. You're willing to become a monster just to kill that person—”

“Because he deserved to die!” inis kong sigaw sa kanya. Napakuyom ako ng kamao. Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. “Kapag nakikita ko siyang masaya. Mas lalo akong nagdudusa! Hindi matatahimik ang kaluluwa ko! Hanggang sa hindi siya mamamatay!”

Nagulat ako ng agad niya ako niyakap.

“Please save yourself, Lilah. This is not right,” malungkot niyang sabi sa akin.

“Don't teach me!” Agad ko siya tinulak. “Kaya kong protektahan ang sarili ko. Love is your weakness, Zyaire.”

“Ayaw kong makitang unti-unti mong sinisira sarili mo” malungkot niyang sabi sa akin.

“Kalimutan mo na 'yong feelings mo para sa akin. Ikaw lang ang masasaktan,” seryoso kong saad sa kanya. Hindi pa siya nakapagsalita ay agad na ako umalis.

•••

Gaga ko talaga! Umalis ako pero saan na naman ako titira. Mas mabuti na 'to kaysa sa mapahamak pa siya. Ayaw kong may ibang taong mapahamak dahil lang sa makasarili kong gusto.

Napahinto ako ng may narinig akong yapak ng paa na nakasunod sa akin. Tumingin ako sa likod pero wala namang tao.

“Sino 'yan?! Mapagkita ka?!” sigaw ko.  Dahan-dahan siyang lumabas sa likod ng puno at napakunot ang noo ko.

“Rigel, what are you doing here?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Nabalitaan ko kasing hindi nakita 'yong bangkay mo sa bahay mo. So I hope na buhay ko.” Napangiti ito dahilan para taasan ko siya ng kilay. “And you're really alive, I'm so glad.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mukhang may silbe naman itong lalaking 'to.

“Pwede ba akong tumira sa bahay niyo?” tanong ko sa kanya dahilan para magulat siya. Napakamot naman ako sa batok ko. “Wala na kasi akong matitirahan pero kung hindi naman pwede okay lang—”

“Of course! Pwede kang tumira sa bahay ko!” masigla niyang sabi sa akin. 

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

•••

Pumasok na ako sa bahay niya. Maganda 'yong bahay niya at parang siya lang 'yong mag isa dito. First time ko pang pumunta sa bahay niya.

“Ikaw lang ba mag isa dito?” tanong ko sa kanya.

“Oo, may business trip kasi silang mom and dad kaya ako nalang naiwan mag isa,” mahinahon niyang sabi sa akin. Umupo siya sa sofa at ganun din ako. “Condolence pala, Lilah.”

Tumango lang ako at halatang nag alala ito sa akin dahil sa reaksyon ng mukha niya.

“Don't worry, I'm okay.”

“What happened, Lilah? Bakit nasunog 'yong bahay niyo?” alala niyang tanong sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. “Okay lang naman kung hindi mo sasabihin sa akin. Pagod ka na ba?”

“Oo, inaantok na ako. Pwede na ba akong matulog?” mahinahon kong tanong. Napatango ito.

•••

“Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako,” nakangiti niyang saad sa akin. Isasara na niya sana ang pinto pero agad ako nagsalita.

“Rigel!” Tumingin siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. “Thank you.”

Namula ang pisnge niya at isinara na ang pinto. Pinikit ko na ang mata ko at ramdam ko ang pagod sa aking katawan.

“You're enjoying yourself, Del.” Agad ako napaupo ng marinig ko ang boses na 'yon.

“Cohen?!” How? Paano niya ako nasundan dito?! Paano niya ako nahanap?!

“Miss me?” mapaglaro niyang tanong sa akin.

“Paano ka naka survive—” Nagulat ako ng tinapat niya sa akin ang kutsilyo at cold lang na nakatingin sa akin, pero mas lalo akong nagulat ng makitang may dugo ang kutsilyo. “Anong ginawa mo kay Rigel?”

Mukhang nainis siya sa tanong ko, “Ibang lalaki pa rin ang nasa isip mo kahit nandito ako sa harap mo.”

“Anong ginawa mo sa kanya?! Halimaw ka?!” Napatawa ito dahil sa sinabi ko dahilan para mas lalo akong magalit.

“Pinatay ko lamang siya para magsama na sila ng parents niya. I'm a good person, right?” proud niyang sabi sa akin. Lalapit na sana siya sa akin pero agad ko siya tinapunan ng tubig.

“Wag ka lumapit sa akin!” Tinapat ko sa kanya ang baril at blangko lang ang emosyon niyang nakatingin sa akin.

“Because of me... Wala kang pake kung maging mamamatay-tao ka, Lilah.” Hindi kita mapapatawad! Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon na makita ng anak natin ang mundo.

“Wala kang awa!”

“Please! can you forgive me? Give me a chance, Lilah. At itatama ko ang mga mali ko.”

“Nangyari na ang hindi dapat mangyari, Cohen! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Ang dami mong kasalanan sa akin! Pinatay mo ako at ang anak natin! Niloko mo ako! Ginamit mo ako dahil sa obsession mo kay Odessa! At ngayon—” Nagulat ako ng hinalikan niya. Ramdam ko ang dila niyang nilalaro ang dila ko. Agad ko siya tinulak at sinampal. “How dare you?!”

“Ang nakaharap mo ngayon ay ibang Cohen na. I really love you, Lilah. Sa'yo ko lang 'to naramdaman.” Hinawakan niya ang dalawang wrist ko para hindi ako makatakas.

“Wag mo akong hawakan!” sigaw ko.

“I have no choice! Kung ito lang ang paraan na mapapa sa akin ka. Gagawin ko.”

“Wag!” sigaw ko.

Nagulat ako ng hinila siya ni Zyaire at sinuntok ito dahilan para mapaupo siya sa sahig.

“You're selfish! Hindi mo man lang nirespeto si Lilah!” inis na sabi sa kanya ni Zyaire. Sumeryoso ang tingin ni Cohen kay Zyaire.

“Zyaire! Umalis na tayo dito!” taranta kong sabi sa kanya. Hindi siya dapat nandito. Mapapahamak lang siya.

“No! Dapat ako ang pumatay sa kanya. Ayaw kong madumihan 'yong kamay mo, Lilah.” Ano na namang kalokohan ang sinasabi ng lalaking 'to?!

“Wag ka mangialam dito—” Nagulat ako ng tinulak niya ako palabas ng kwarto.

Ngumiti ito bago sinara ang pinto.

“Run, my love.”

“Zyaire! Buksan mo ang pinto! Zyaire!” sigaw ko habang malakas na kinatok ang pinto.

Rinig ko nalang na may putok ng baril dahilan para magulat ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa tuwing nagpapatuloy ako, madaming namamatay.

Nang bumukas na ang pinto. I saw Cohen na may dugo sa mukha at katawan niya. Napangiti ito ng nakakaloko.

“You're finally mine, Del.”

Murderous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon