Chapter 6

994 45 0
                                    

“A-ano?”

Hinawakan niya ang wrist ko at ngumiti.

“Lilah, gusto kong ipakita 'to sa'yo!” masigla niyang sabi sa akin.

Agad niya ako hinila. Nararamdaman ko ngang may nakatingin sa akin. Nang makapunta na kami sa library ay umupo na kami.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya dahilan para matigilan siya. Namula ang pisnge niya pero hindi ko 'to pinansin.

“Nakasunod pa rin ba siya?” tanong ko sa kanya.

“I don't know. Hindi na 'yata.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hindi mo kilala?” irita kong tanong. Inosente lang itong napailing. “So paano mo nalamang may sumusunod sa akin? Tinatakot mo lang ba ako, Zyaire?”

“No, Last night bumisita ako sa bahay niyo kaso tulog ka na. Pumasok ako sa kwarto mo and I saw a shadow of a man in your window pero tumakbo na siya.” Sumeryoso ang tingin ko sa kanya.

I know hindi ko pwede siya pagkatiwalaan. Manipulative si Zyaire. Nagpapanggap siyang mabait para kontrolin ka.

Napapansin ko na ang mga kinikilos niya, simula palang pagkabata namin. So may posibility na niloloko niya lang ako pero may posibility din na nagsasabi siya ng totoo.

“So dapat na ba ako matakot niyan?” natatawa kong tanong sa kanya. He looked at me na parang hindi inaasahan ang reaskyon ko.

“Hindi ka takot?”

“Bakit naman? You're here to protect me.” Kumindat ako. Pinitik niya ang noo ko dahilan para mapapout ako. “Nagjojoke lang naman ako. Ang seryoso mo masyado.”

“Pwede ka niyang patayin, Lilah—”

“Unahan ko siya,” seryoso kong sabi sa kanya. Tumayo na ako. “Kaya wag ka na mag alala sa akin. I can protect myself.”

Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na ako pero ramdam ko pa rin na may nakatingin sa akin.

•••

Agad ko minulat ang mata ko at nagulat siya ng makitang gising ako.

“Who are you?!” Agad siya umatras. Hindi ko makilala 'yong mukha niya dahil naka mask siya. Tatakbo na sana siya pero agad ako nagsalita. “May nag utos ba sa'yo na patayin mo ako?!”

He looked at me na may lungkot sa kanyang dalawang mata dahilan para mapakunot ang noo ko. Tanging ang bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa amin. 

•••

“Tabi!” inis kong sabi kay Odessa. Agad naman siya dumistansya at malungkot na napaiwas ng tingin.

“Pfft! Anyare sa'yo? May umaway ba sa kapatid ko?” natatawang tanong sa akin ni Zyaire.

Ngumiti ako sa kanya dahilan para matigilan siya. Tinapik ko naman ang balikat niya parang natakot siya dahil sa inasta ko.

“Ang saya-saya mo ngayon ah. Mas bagay sa'yo maging malungkot habang buhay,” nakangiti kong sabi sa kanya. Umalis na ako bago pa sumabog utak ko dahil sa galit.

•••

Habang nagdi-discuss ang si sir ay dahan-dahan tumingin sa akin si Zyaire pero ng magtagpo ang aming mga mata ay agad siya umiwas.

Napailing na lamang ako.

“Miss Alcantara.” Tumayo ako at inosenteng tumingin kay sir.

“You and Suarez ang magkapartner para sa project niyo. Alam mo naman kung anong gagawin hindi ba?” Ha? Ano?

Napatingin ako kay Cohen na ngayon ay nakatingin na sa akin habang may nakakalokong ngiti sa labi niya.

•••

“Okay class dismiss, you can go home now.” Pagkatapos sabihin ni sir 'yon ay agad siya umalis. Bad mood 'yata iyon. Dinamay pa kami sa galit niya.

Lumabas na ako sa classroom. Hindi ko makasabay si Zyaire dahil agad siya tumakbo. Mukha ba akong halimaw para katakutan niya?

“Cohen.” Lumingon siya sa akin. “Hindi sa hindi ako nakikinig kay sir pero anong sabi niya?”

Ngumiti ito, “Walang klase bukas kasi pupunta tayo sa Sakura forest.”

“Sakura forest? You mean 'yong chismis na nangunguha daw ng gwapo na lalaki? Hala mag ingat ka.” Napatawa ito dahil sa sinabi ko dahilan para mapakunot ang noo ko. Anong nakakatawa?

“So inaamin mong gwapo ako?” natatawa niyang tanong sa akin.

Doon ko narealize ang sinabi ko. Tumikhim nalang ako at umuna ng maglakad. Tumawa pa rin ito habang sinusundan ako.

•••

“Aalis din ba kayo bukas?” tanong ni mama kay Odessa.

Mahiyang tumango si Odessa, “Kailangan kong pumili ng partner at si Cohen ang gusto ko maging partner.”

Tumingin ako kay Cohen habang ini-enjoy ang pagkain ko.

“I'm sorry .” Tumingin sa akin si Odessa na parang nadismaya ito.

Hindi ko nalang sila pinansin, “Sa pagkakaalam ko nagustuhan ka daw ng anak ng de leon?”

Tumingin ako kay papa at wala akong ideya kung ano ang pinagsasasabi niya.

“What?”

“De leon wants to marry you, anak,” sabi ni mama. Napahinto naman sa pagkain si Cohen. “But don't worry, hindi naman kami papayag na magpakasal ka sa kanya.”

“Ma, magpapakasal ako sa taong mamahalin ko ng sobra. Balang-araw makikita ko din 'yong tao na magpapatibok ng puso ko.” Tumayo na ako at umalis.

•••

“What do you mean by that?” he coldly asked.

“Mmh? What do you mean?” Tumingin ako kay Cohen na ngayon ay cold na nakatingin sa akin.

“You're giving me mixed signal, Lilah,” seryosong saad niya sa akin.

“Ah you mean 'yong sinabi kong magpapakasal ako sa taong mahal ko? Totoo 'yon,” inosente kong sabi sa kanya.

Nagulat ako ng inis niyang hinawakan ang wrist ko.

“Wala ka talagang alam?!” Napakunot ang noo ko. Iniinis ba ako ng lalaking 'to?

“Wala naman talaga akong alam sa'yo.” Binitawan na niya ako at inis lang akong nakatingin sa kanya. “Ano bang problema mo?”

“I—” Pinutol na niya ang sasabihin niya at napailing nalang ako.

“Kahit ikaw hindi mo alam kung anong sasabihin mo.” disappointed kong sabi.

Aalis na sana ako pero agad siya nagsalita.

“D-do you like Zyaire?” he asked.

“Paano kung sabihin kong oo? Lulubayan mo na ba ako?” cold kong tanong sa kanya.

“Bakit siya?”

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

Murderous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon