Chapter 1

1.7K 76 10
                                    

Ramdam ko ang sakit ng pagsaksak niya sa puso ko. He looked at me coldly. Bakit? Akala ko mahal mo na ako. Why are you doing this to me? I give you everything!

“Rest in peace, Del,” cold niyang sabi sa akin.

“C-cohen.” Nahihirapan na akong huminga. Nanlalabo na rin ang paningin ko. “I-isang malaking pagkakamali n-na m-minahal k-kita.”

That was my last word. If only I could change the past. I will never love you again, Cohen Suarez.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at napakunot ang noo ko.

“B-buhay ako?” Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok.

Pumasok si mama at papa kasama ang bata. Black hair and violet eyes. Iyung bata na 'yon, siya si Cohen Suarez ang taong pinakamamahal ko dati at ang pumatay sa akin. 

Nakikita lang kita gusto na kitang patayin. Pagkatapos ka alagaan ni mama at papa?! Pinatay mo lang sila and ang worst! You used me for my older sister.

“Anak, nais ko ipakilala sa'yo si Cohen Suarez, dito na siya titira.” Walang gana akong tumingin kay Cohen.

Ngumiti ako pero peke. Hindi ako pwede magalit. Baka magtaka sila? Una ko siyang nakilala dito, so dapat magpanggap akong normal. Kung pwede lang talaga?! Kanina ko pa 'to pinatay.

“Delilah Alcantara,” nakangiti kong pagpapakilala sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na parang inoobserbahan ako. “Ma, mag aayos pa ako. Doon muna kayo kay ate.”

“Sige anak, bumaba ka na rin dahil kakain na tayo mamaya,” nakangiting saad sa akin ni mama.

Napatango ako at lumabas na sila but I saw Cohen glance at me. I just stared at him with cold eyes. You don't deserve to be loved! You're a monster!

•••

Nandito ako sa garden namin. Nasa itaas ako ng puno. Nawawalan ako ng gana kumain kapag nakikita siya. Kailan ba siya aalis dito?

“Lilah.” Napatingin ako sa tumawag sa akin.

“What are you doing here?” cold kong tanong sa kanya.

“Hindi ka ba kakain? Kanina ka pa nila hinahanap.” Napabuga ako ng hangin.

“Hindi.” Tumalon ako at ng matapak ko na 'yong lupa ay seryoso akong tumingin sa kanya. “Listen, I know ayaw mo sa akin.”

Nagulat naman 'yata siya sa sinabi ko, “Anong ibig mo sabihin?”

“I know na kapag 18 year old na ako ikakasal tayo.” Sana masagasaan ka ng kotse mamaya. “Gagawa ako ng paraan para matigil ang kasal.”

“What are you talking about?” cold niyang tanong sa akin.

Ngumiti ako, “Now, I will excuse myself.”

“Why?” Natigilan ako sa paglakad. “Why do you hate me so much?”

Ako dapat ang magtatanong niyan. Ang ginawa ko lang ay mahalin ka pero wala kang ibang ginawa kundi kamuhian ako. Wala kang ibang ginawa sa aking buhay kundi tratuhin ako na parang manika.

Murderous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon