Chapter 01

45 2 0
                                    

-Ano ba talaga name mo?-

Sana naman sabihin niya na ngayon. Tagal na naming magkausap dito sa Facebook pero hinde ko pa din sya nakikilala. Lagi niyang sinasabi McFillet (yung username niya) or McDonald's Chicken Fillet. Halos kung paano ako iniri ng nanay ko alam niya pero ako wala. Kahit age lang nya hinde ko din alam. Tapos ang pinakasecret kong secret alam nya din- Yung crush ko. Natatakot nga ano kasi baka ipagkalat nya yun pero sabi nya mapagkakatiwalaan ko sya eh. Pero-Nagchat siya!

(Kapag nalaman mo baka mahiya ka kasi sakin eh)

-Bakit naman?-

Bakit kaya? Baka naman sya yung nerd samin or teacher pala namin sya. Sabi nya kasi parehas kami ng school 'tas yun lang alam ko. Pero sure akong student sya dahil feel ko lang. Hinde ko naman kasi talaga alam. Hinde naman ako mayaman para ipa-Background check sya eh. Sayang lang pero ko. Ayaw ko naman sya pilitin kasi baka magalit sya 'tas baka ibunyag nya ang name ng crush ko. Iniisip kopa lang kubg anong reaction ng mga classmates ko nahihiya na ako eh.

(Kamusta kayo ng crush mo?)

Change topic naman sya! Pero okay lang! About naman kay crush ehh!

-Si John? Ayun hinde padin ako kinakausap. Pero gwapo padin sya! Tsaka kapag nagsmasmile sya ang kyot kyot!-

Daldal ko ba? Ganyan talaga ako kapag sya yung ka chat ko. Gusto ko kasi ilabas lahat ng kilig ko mula kanina pang umaga nung nakita ko si John. Gwapo naman kasi nya eh!

(Bakit ka ba nagkacrush sa kanya? Diba lahat ng babae inaayawan sya?)

Sinisiraan nya ata sakin si John eh!

-Malay mo hinihintay lang nya ako. Hehe. Bakit? Di ko din alam eh. Basta nung simula nung nakatabi ko sya tapos nakapartner para sumayaw sa MAPEH dun nag simula ang lahat. Hinde ko pa ba magkwekwento sayo?!

Alam ko na nakwento ko na sakanya 'to eh. Baka nakalimutan na nya. Pero okay lang. Nakakakilig kaya balikan ang past naman. Yeah, may past kami! Nalipat sya nun dahil ang ingay ingay nya at dahil isa akong mabait at tahimik na student sakin sya pinatabi. Sabi pa ni Ma'am non sana tumahimik sya dahil tahimik daw ako. Ewan ko kung anong connect nun! Tahimik nga ako outside pero yung inside ko parang puputok na kapag tinitignan nya yung bintana sa gilid ko. Naisip ko kasi na akong tinitignan nya kasi si Ms. Heart nagboo boom. Then hanggang sa dumating na ang favorite kong day. Yung day na pinagroup kaming dalawa para sumayaw. Ang sinayaw pa namin nun yung "Thousand Years" kaya may part na - GOSH!! Kinikilig ako! May part kasi dun na may part na hahawakan yung bewang. Magkalapit kami, then holding hands. Buti nga naayos ko yung performance namin eh kasi sa totoo lang gusto ko nang bumigay dun at tumili kaso bawal. Bababa yung grades ko.

(Ang galing mong sumayaw non. Namumula pa nga yung pisngi mo kahit lipstick lang yung make up mo.)

Pano nya nalaman? Alam ko na mga classmate ko lang nakakita nun. So ibig sabihin classmate ko sya! Buti naman. Pero pano nya nalaman yung make up ko nun? Kung tinanggal ko din naman yung make up ko pagtapos namin sumayaw?! Naka-telescope!!? NEVER MIND!

-Thanks! Kaso mas maganda kung si John ang magsasabi sakin non! Haha!-

Hinde nya kasi ako sinabihan kung panget or magaling ba ako sumayaw nun.
Pero okay naman yun sa akin dahil naka holding hands ko sya.

(Pano kung ako sya?!)

Patawa naman si McFillet ehh! Ang nai imagine ko kasi ay isang parang nerdy na lalake kasi pag may problema ako puro words of wisdom ang sinabi nya. Galing nga nya eh.

-Haha! Edi kasalan na?! Kilala mo na ako eh! Haha!-

(Kasalan agad!? Tag-landi ka ngayon noh?!)

Loko loko naman tong lalaking toh! Biro lang naman eh!

-Hmmp. Bad ka! Joke lang naman yun eh! Pero sana ikasal ako sa kanya. Wish lang yan! Haha!-

Gusto ko kapag ikinasal ako hinde kalapate ang ipapalipad namin! Gusto ko eagle tas ang theme namin ay Black and Blue para unique tsaka cool!! Haha joke!
Pero sana lang naman ang mga yan.

(Kung papipiliin ka, sya o ako?)

Parang friend or love lang yan ah! Pero syempre si McFillet ang pipiliin ko! Mas kailangan kong nang kaibagan kaysa sa asawa.

"Syempre ikaw! Name mo kaya ang naiisip ko lagi kapag gutom ako or walang pera. Tsaka mas kailangan ko ng magaling na friend nagagabay sa akin sa future hinde yung tao na hinde ko alam kung makakasama ko sa future."

Waah!! Ang lalim nun ahh!! Nahahawa na ako sa mga words niya na mas malalim pa sa bangin.

(Kaiyak naman! Huhu! Joke! Pero thanks!)

Haha.iba talaga takbo ng itak ng lalaki nato. Siguro maging friends ko'to sa personal hindi ako lonely at baka lagi pa akong gabing matulog dahil madami kaming mapag-uusapan.

(Bye na muna! Sorry!)

Huh? Bye na agad siya eh ang aga pa!Tsaka two hours palang ang chat naming ay mga four hours kaya nga late minsan dahil lang sakanya eh.

-Kaka-sad naman McFillet! Huwag ka munang umalis! Huhuhu! Iiwan mo lang ba talaga ako dito mag-isa?-

Bad ko ba kung ayoko siyang paalisin? Kahit baka may emergency, or assignment or inaantok or basta madami pang reason. Kaso ang daya! Ayoko pang mag off ng FB ehh! Si McFillet lang naman ang dahilan kung bakit ako nag oopen ng Facebook.

(May prina-practixe kasi ako. Basta, punta ka nalang sa likod ng building niyo kapag nag breaktime.)

After niyang sabihin yan nag off na sya. Pero hinde ko padin maalis yung sinabi niya. Bukas mami-meet kami! Ano kaya itsura ni McFillet? Gwapo? Panget? Cute? Normal? Abnormal?!! Joke. Teacher ko ba sya na gusto ako kaya idinaan sa chat? Haha! Kung ganon edi sana hinde na ako mag aral sa subject niya. Edi magaling! Pero nakaka excite talaga na makita ang taong gusto mo makita.

Ano kayang mangyayari?!

The Unknown ChatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon