Part_31

10 2 0
                                    

***


Lunch break namin sinabi ko na lang sa mga ito na hihintayin ko na lang sila sa tambayan namin, pero dumeretso ako sa science club pag pasok ko sa naturang club ngunit umatras ako dahil napansin ko nandun yung Stephen.

Pag atras ko diko sinasadyang may maatrasan, " ouch! . . Ano ba?!!" Sigaw sa akin ng nabangga ko kaya dali-daling humarap ako dito saka nanghingi ng pasensya.

" Y-you!? . . ." Gigil na duro sa akin ni Charlotte  malakas ang boses nito kaya nakatawag ito ng pansin at naglapitan ang mga tao sa loob ng silid.

"What's happening here?" Tanong ni  Stephen lumapit naman dito si Charlotte at maarteng pinakita ang paa nito masakit daw iyun dahil tinapakan ko pero pag kakatanda ko nabangga ko lang sya hindi na lang ako umimik.

"Ian . . What are you doing here? " Nakangiting tanong ni Stephen sa akin hindi man lang pinansin ang girlfriend nito.

"Eh ano pa. . . Eh di mag papapansin sayo!" Mataray na wika ni Charlotte, hindi na lang nya pinansin ng akmang lalabas na ako pinigilan ako ng isang babae na naka lab coat.

" kaya ka ba nandito? Sasali ka saamin? " Nakangiting tanong nung babae sa akin kaya nginitian ko ito.

" Nagkamali lang ako ng room na pinasukan, pasensya na next room yata ang cooking club " pagsisinungaling ko dito sa totoo lang mas gusto ko ang science club keysa sa cooking club.

Nag paalam na rin ako dito diko na pinansin ang mag jowa, pumasok ako sa kasunod na silid, Mabait naman ang leader binigyan nya ako ng form saka Pina sagutan iyun sa akin yun na yun pasok na ako sa club nila.

Siguro tama na yun may apat na club na akong confirmation na ipapasa sa Dean. Nag lakad na ako pabalik ng gusali upang ipasa na ang mga ito bigla na lang may humatak sa akin papasok sa isang silid.

Napakalawak ng silid may mga iba't ibang gamit sa pag taekwondo agad kung tinitigan ang lalaking nanghila sa akin.

" Michael . . . I'm the team captain in this club" Nakangiting pag papakilala nito hindi ko sya inimikan nakatingin lang ako dito,naiinis kasi ako sa panghihila nito kanina.

"Look! I'm sorry okay! Haha! Ganun talaga ako kaya please patawarin muna ako?!" Nahihiyang pagpaumanhin nito.

"What do you want?" Seryusong tanong ko dito.

"Pamangkin ako ng secretary, nabanggit nya na blackbelter ka sa taekwondo so. . . I want to ask you if you want to join my team?"  Kakamot-kamot sa ulong sabi nito, oo nga pala alam nga pala ni Miss Patty.

"Okay! . . . Need ko pa ba mag try out?"  Tanong ko dito umiling naman ito at ngumiti.

"Bibigyan na lang kita ng form para maipasa mo sa Dean, then attend ka ng meeting natin okay ?" Sabi pa nito at may kinuha ito dun sa nag iisang lamesa sa naturang silid.

"Salamat ah! " Nakangiting wika ko saka nag lakad na papalayo dito kumaway naman ito. Laking gulat ko pag bukas ko ng pinto mukha ng anim kung kaibigan na humahangus pawis na pawis ang mga ito na animo'y tumakbo ng ilang kilometro.

"Are you okay?" Si Jin na habul hiningang tanong sa akin.

"Did someone hurt you?" Si Tyler kitang kita ko sa kanila ang pag aalala.

" May nagsabi sa amin na nakita ka daw na hila hila!" Seryusong sabi ni Lincoln na inikut pa ako para siguro matiyak na okay lang talaga ako.

"Sino yun ian  . . . At babanatan ko!" Malakas na bulalas ni Axel.

"Oo nga! Aba! Hindi pwede galawin ang sino man sa kaibigan ko! " sigaw din ni Wyatt na bahagyang nakatawa hindi talaga marunong mag seryuso ang isang to.

"Oy! Wag kayong ganyan isumbong na lang natin sa Dean?" Malumanay na wika ni Tyree ayun napaka bait talaga nito.

"Then. . . Sa labas natin abangan!"  Dagdag pa nitong sabi, na binabawi ko na ang sinabi kong mabait ito.

"I'm okay guys!. . . . Let's go na baka Dina tayo makakain okay!"  Nasabi ko na lang sa kanila saka humakbang na paalis, pansin ko din na maraming nakikiusyusong studyante.

"Are you sure? Your okay?" Paniniguro ni Lincoln.

"Opo tatay! " Sabi ko dito at inakbayan sila ni Jin kasabay ko kasi sa pag lalakad, nasa huli naman yung tatlo na nagtawanan dahil sa tinawag ko kay Lincoln pati si Jin natawa narin binatukan naman ako ni Lincoln  saka inakbayan narin.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon