Just One Day ◆HunHan◆

842 50 3
                                    


"Katangahan mo Luhan!! Itigil mo na!" Napasimangot nalang si Luhan dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Baek.

"Ayaw" sagot nito na may kasabay pang pout.

Nanlaki naman ang butas ng ilong ni Baek tsaka binatukan si Luhan, "alam mo Luhan! May sakit ka na nga sa puso, lalo mo pa yang sinasaktan!!" Sabi ni Baek tsaka padabog na umalis ng kwarto ni Luhan.

Dumapa si Luhan sa kama nya habang mukha ng mahal nya ang iniisip. Way ng pagngiti ni Sehun. Way ng pagtawa nito. Way ng pagpout at lahat ng way.

"Magiging akin ka rin Sehun"

-----

"Sehun!! Sige na please!!" Pagmamakaawa ni Luhan habang sinusundan NANAMAN si Sehun pauwi ng bahay nito.

"Ano ba Luhan!! Tumigil ka na nga! Diba sabi ko sayong, DI KITA GUSTO!! HINDI KITA MAHAL!!! NAINTINDIHAN MO" sigaw nito kay Luhan tsaka tumakbo ng mabilis. Sinundan lang ito ni Luhan ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin.

"Magiging akin ka rin Sehun"

-----

Nasa basketball court si Sehun habang nagpapractise magisa nang di namalayang may nakasilip pala sakanya. Si Luhan.

"Sehun...." tawag nito kay Sehun.

Napairap nalang si Sehun dahil narinig nanaman nya ang boses na kinabebwesitan nya.

"Ano nanaman?" Inis na tanong nya dito. Yumuko naman si Luhan tsaka nagsalita.

"Pwedeng manghingi ng favor? Promise, pagkatapos nito, di na kita guguluhin, di na ako magpapakita, di na ako lalapit, di mo na ako masisilayan at magiging masaya ka na" malungkot na sabi ni Luhan dito.

"Ano ba yun" masungit na sabi ni Sehun.

"Just one day, be mine"

-------

"ANO?! GINAWA MO YUN?! gulat na tanong ni Baek sa kaibigan habang may biscuit pa sa bibig.

"Ano naman meron dun? Baekhyun, stage 3 na ang sakit ko kaya mas mabuti pang maging akin muna sya kahit... one day lang"

"Pero Luhan...."

"Just one day Baek. Hayaan mo kong maging masaya"

-----

"Sehun, anong gusto mo?" Tanong ni Luhan kay Sehun.

Ngayon ang ISANG ARAW na sinasabi ni Luhan na maging sakanya si Sehun. Just one day....
"Chocolate" walang ekspresyong sabi ni Sehun habang may katext sa phone. Bumuntong hininga nalang si Luhan tsaka kinausap ang casier.

"Miss, isang chocolate nga tsaka Taro" sabi ni Luhan habang ngumiti ng pilit sa babae. Binigay naman agad ng babae ang dalawang bubble tea kay Luhan kaya agad na silang umalis.

Pumunta sila sa playground at umupo sa dalawang swing. Katext parin ni Sehun ang katext nya habang nakatingin lang si Luhan sakanya.

"3:00 pm na.. 9 hours nalang, matatapos na to. Magiging masaya ka na :) Habang ako.... mawawala na" huminga ng malalim si Luhan tsaka umiwas ng tingin para itago ang kanyang tumutulong luha. Pero, nakita yun ni Sehun.

"Babe, bilhan mo nga ako ng ice cream!! Tss, ayoko ng drama" kahit binubulong lang yun ni Sehun, dinig na dinig yun sa mga tenga ni Luhan.

[✔] EXO OTP Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon