Mistaken ◆Sebaek◆

981 31 9
                                    

Naglalakad ngayun sa corridor si Baekhyun habang tinitingnan ang bawat sulok ng school. First day of school nya ngayun at nagtransfer sya sa EXOL HIGH dahil, sabi lang ng mama nya.

Habang naglalakad, napahinto sya sa harap ng isang puting pinto. Nakabukas ito ng kunti at kitang kita ang dilim sa loob.

'Anmeron dito?'

Tanong nya sakanyang isip tsaka tinulak ng mahina ang pinto gamit ang kanyang magagandang daliri.

*creeeek*

---

Napahinto si Sehun sakanyang pagsesenti nang narinig nya ang pagbukas ng pinto.

'Andyan na si Luhan'

Sabi nya sa isip at dali-daling tumayo tsaka lumapit kay 'Luhan' daw.

Si Luhan ang kanyang naging crush simula nung nagtransfer sya sa EXOL at hanggang ngayun, di parin nagbabago ang kanyang nararamdaman para dito. Kaya ngayun, kating kati na syang nagconfess sa binata.

"Luhan, dumating ka" Pinadalhan kasi ni Sehun si Luhan ng isang letter na nagsasabing pumunta sya sa storage room.

"H-huh?" Ngumiti si Sehun at hinila si 'Luhan' tsaka sinandal sa pader. Di sigurado si Sehun na si Luhan talaga yun kasi madilim pero feeling nya kasi, siya yun. Medyo pandak, puti at blonde ang buhok.

"Luhan, pakinggan mo muna ako please. Wag ka munang magsalita" bulong nya dito. "Luhan, simula nung nagtransfer ako dito, naging crush kita. Ewan ko pero pagising ko, mahal na kita. Sorry at naging torpe ako tsaka duwag narin. Mahal na mahal kita Luhan. Pwede ba manligaw?"

"S--Si--"

Pero bago pa makasagot si 'Luhan' ay hinalikan na nya ito na wala man lang pasabi or permission!! Pero maya-maya, bigla syang tinulak ni 'Luhan' at sinampal.

"Ako naman ang pasasalitain mo please!! Unang una, hindi ako si Luhan" tangina, "pangalawa, sino ba sya?" Crush nya malamang, "pangatlo, sino ka?" Secret, "pangapat!! Ang corny ng confession mo!!" Tama! "At panghuli, ang kapal ng mukha mo para halikan ako!!" Boom panis! "At may additional pa... PAKYU SAGAD!!" sigaw nito tsaka umalis ng Room at iniwan si Sehun dun na nakanganga.

---

"Haay!! First kiss ko yun tangina!" Bulong ni Baek at pinunasan ang labi nya gamit ang kanyang palad "subukan nyang magpakita sakin kundi, bubuhusan ko sya ng acido!" Dagdag pa nya "pasalamat sya di ko nakita ang pagmumukha nya!!"

Nasa canteen na ngayun si Baek habang pinaglalaruan ang kanyang biniling spaghetti.

"Hey! Badtrip ka ata" napatinghala si Baekhyun dahil may tao sa harap nya. Maganda ito pero halatang lalaki dahil sa buhok at uniform. Isali mo pa ang dibdib nyang flat.

"Huh? Oo"

"Alam mo, wag mo nalang yang isipin dahil baka magkakawrinkles ka pa nyan" sabi ng lalaki tsaka umupo sa harap ni Baek, "ako nga pala si Luhan"

Napantig ang tenga ni Baekhyun sa pangalan na yun. Naalala nanaman kasi nya yung nangyare kanina.

"Okay ka lang?" Tanong nito kay Baek.

"Okay lang ako. Medyo bad mood lang" sabi nito at tinapos ang spaghetti nya. "Ako si Byun Baekhyun. Transferee ako dito sa EXOL" pakilala nito.

"Talaga? Kaya pala di ka familiar. Pwedeng makipagkaibigan?" Sabi nito nang nakalahad ang kamay. Inabot naman ito ni Baekhyun.

"Sure" sabi nya.

[✔] EXO OTP Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon