Akala ◆HunHan◆

745 43 5
                                    


"Baek? May problema ka ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Luhan sa kanyang bff na si Baekhyun.

"*sniff* Nagbreak kami ni Daehyun *sniff* Nalaman ko nalang na pinaglaruan nya lang pala ako tsaka pineperahan" sumbong ni Baekhyun dito na parang bata, "kaya ikaw Luhan, ibreak mo na yang si Sehun bago ka pa nya saktan!" Sabi nya tsaka hinawakan ang dalawang kamay nito.

"P-pero Baek, di naman ata ganun si Sehun" sabi ni Luhan.

"Luhan, ang lalaki ay para sa mga babae, lamang! Kaya lang naman jinowa ng mga lalaki ang mga baklang tulad natin ay dahil PINEPERAHAN LANG NILA TAYO OR DI KAYA PINAGLARUAN!!!" sigaw ni Baekhyun sakanya. Napaatras naman si Luhan at napaisip.

'Mahal ako ni Sehun. Hindi nya ako lolokohin'

"Mahal ako ni Sehun baek! Iba sya sa naging jowa mo" pagtatanggol si Luhan sa boyfriend nya. "Hindi nya ako iiwan"

Tumawa ng mahina si Baekhyun habang kalat parin ang eyeliner sa mata nito, "ganyan naman Daehyun eh. Hindi daw nya ako iiwan. Bakit? KASI PALAGI KO SYANG NILILIBRE KAYA AYAW NYANG LUMAYO SAKIN KAHIT SA KALOOB LOOBAN NYA, NANDIDIRI NA SYA!!" iyak ni Baekhyun habang pinaghahampas ang dibdib ni Luhan.

"Baekkie" tawag nya sa bespren nya.
"Masasaktan ka rin sa huli Luhan"

----

"Babe?"

"Luhan?"

"Hannie-ah!"

"Baby ko~"

Natauhan naman si Luhan. Kanina pa pala lambing ng lambing si Sehun sa tabi nya.

"Ahh.. Ano yun?" Tanong ni Luhan.

"Bili tayo ng bubble tea?" Pagpacute ni Sehun dito.

'Tigilan mo na ang panglilibre mo sakanya! Baka masanay yan, ikaw ang kawawa' naalala naman ni Luhan ang sinabi ni Baek sakanya.

"Ahmm.. Ikaw nalang ang manlilibre Sehun" sabi ni Luhan habang umiiwas ng tingin.

"Ahmm.. Wala akong pera Lulu" sagot naman ni Sehun.

'Kung wala syang pera, it means, alam nyang di sya gagastos kasi nageexpect yan na ikaw ang manlilibre' napailing si Luhan dahil bigla nalang nyang narinig ang boses ni Baek sa isip nya.

"Uwi na tayo Sehunnie" sabi ni Luhan atsaka tumayo at naglakad paalis ng park.

"Luhan!! Teka lang!!" Nang maabutan ni Sehun si Luhan ay agad nya itong iniharap. "Anong problema mo?" Nagaalalang tanong nito.

"S--Sehun... Kung mahal mo nga ako!! Isigaw mo dito! Isigaw mo!!" Sabi ni Luhan.

"H-huh? Ang weird mo naman ata!" Sabi ni Sehun. "Sure ka bang okay ka lang?" Tanong nito sabay hawak sa mukha ni Luhan.

"Gawin mo nalang" sabi ni Luhan at inalis ang mga kamay ni Sehun dun.

Ngumisi si Sehun tsaka lumapit sa tenga ni Luhan.

"I love you Luhan" bulong nito.

"B-bakit mo binulong? Diba sabi ko, isigaw mo! Isigaw mo sa buong mundo!! As in malakas na sigaw!!" Sabi ni Luhan.

"Luhan, ikaw ang mundo ko kaya sinabi ko lang sayo" sabi nito.

'Nagpapaniwala ka jan? Luhan, walang kwenta yan! Kelan ka pa naging mundo nya? Tao ka, hindi ka mundo!! Ang sabihin nya'y nahihiya lang syang isigaw na mahal ka nya kasi ang totoo nyan, di ka nya mahal!!' At dun umiyak si Luhan. Confirm na bang, di sya mahal ni Sehun?

"Ayoko na Sehun. Break na tayo" sabi ni Luhan sakanya. Halata ang pagkagulat ni Sehun dahil sa sinabi nito. Para bang gumuho ang mundo nya.

"L-luhan.. W-wag ka namang ganyan" utal na sabi ni Sehun na parang di makapaniwala.

"Bakit?! Ayaw mo kong breakin kasi wala ka nang mapeperahan?" Sabi ni Luhan sakanya. "Sehun, ayoko na. Ayoko nang umasang mamahalin mo ako kasi alam kong wala kang nararamdaman sakin!! Ginamit mo lang ako diba? Kung ganun, ayoko na!! Maghanap ka nalang ng iba. Babae naman ang gusto mo diba?!" Sabi ni Luhan na ngayuy pinaghahampas ang dibdib ni Sehun, "Kasi ang totoo, diring diri ka na sakin!! Diba? Sehun, bakla ako oo!! Pero di ako gaya ng iba na kagwapuhan at katawan lang ang habol sa mga lalaki. Ang gusto ko lang naman ay pagmamahal!! Pagmamahal na galing sayo!"

Huminga muna ng malalim si Sehun atsaka nya hinawakan ang dalawang pisngi ni Luhan.

"Luhan, nagpapaniwala ka nanaman ba sa iba? Mas papaniwalaan mo pa ba ang ibang tao kesa sakin? Iba ako sakanila Luhan at yung mga pinagsasabi mo? Di naman yun totoo"

"Bakit ayaw mong maniwalang minahal kita? Kasi ba, pareho tayong lalaki? Gender doesn't matter unless you love each other. Mahal na mahal kita Luhan na sa puntong gusto na kitang pakasalan. Ikaw ang naging lakas ko nung mga panahong weak ako. Wala akong sinabing ilibre mo ko! Kasi, bahala nang walang pera basta andyan ka"

Yumuko si Luhan.

"Sehun, tama na--"

"MAKINIG KAYO!!!! NAKITA NYO TONG LALAKI SA GILID KO? ITONG LALAKING TO?? SYA ANG PINAKAMAMAHAL KONG TAO AT NAPAKAHALAGANG TAO SA BUONG BUHAY KO!! MAHAL NA MAHAL KO SYA HIGIT PA SA BUHAY KO AT KAHIT KELAN, DI KO SYA IIWANAN!! DI KO SYA PAGSASAWAAN!! AT DI KO SYA SASAKTAN!!! XI LU HAN!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA! I LOVE YOU 1MILLION TIMES!! AT KAHIT KELAN, HINDI KITA IKAKAHIYA" sigaw ni Sehun sa buong park.

Napatinghala si Luhan at di nakapaniwala sa narinig at nakita nya. Yun! Yun lang ang pinakahihintay nya. Ang masigaw ni Sehun ang pagmamahal nya kay Luhan. At sign na rin yun na hindi nya ito ikinahiya. Mahal nga talaga sya ni Sehun.

"Sehun, I love you too" bulong ni Luhan kay Sehun at niyakap ito.

Humiwalay bigla si Sehun na ikinagulat ni Luhan.

"Wag yun" seryosong sabi ni Sehun.

"A-anong--"

Pero di nya inexpect ang ginawa ni Sehun. Bigla bigla nalang syang hinalikan. Oo!! As in hinalikan sa lips!!

"I love you Luhan"

"I love you t--"

Pero bago pa masabi ang 'TOO' ni Luhan ay hinalikan nanaman nya ito.

WITHOUT KNOWING NA NASA GITNA SILA NG PARK AT PINAGTINGINAN NG MGA TAO!!!!!!

YUN ANG LOVE!!! ♥

----

Yeay!! Hunhan :*


[✔] EXO OTP Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon