"Time of death 12:00 am," huling sambit ng doktor na umasikaso sa kaniyang mama sa mahabang panahon bago siya nito iwan sa bangkay na lamang na katawan ng kaniyang ina.
Dala ng halo-halong emosiyon na nararamdaman ay napasalampak na lamang siya sa sahig na kinaroroonan ng kwarto ng yumaong ina habang walang patid ang pagtulo ng mga luha sa mga pagod na mata. Pilit niya itong pinupunasan na para bang sa ganoong paraan ay mapapaniwala niya ang sariling hindi pa patay ang ina.
Hindi na halos niya mabilang kung ilang beses niya ng nakwestiyon ang Diyos sa utak niya, kung bakit agad binawi sa kaniya ang kanyang mama? Kung bakit hindi man lamang natikman ng mama niya ang lumabas ng ospital at mamasyal kasama niya at ng kaniyang papa? Kung bakit ang aga siya nito iniwan at mas pinili nang sumama sa liwanag?
Alam niya naman sa sarili na isa sa mga araw na ito ay kukuhanin na ng Diyos ang kaniyang mama pero hindi niya inaasahan na sa mismong kaarawan niya pa mangyayari ang trahedyang ito.
Ang kaniyang mama ay matagal ng na-diagnose ng stage four cancer at dalawang taon na silang nasa hospital, ang totoo ay mistulang naging bahay na niya ang hospital dahil minsan na lamang niyang mauwian ang kanilang bahay, ang ama naman niya ay pumasok bilang family driver at bodyguard sa pamilyang San Cuenco upang may maipambayad sa hospital bill ng kaniyang ina
Kahit na masakit, pinilit niya na lakasan ang loob para sa papa niya na siyang natitirang pamilya niya na lamang, alam niya sa sarili na mas lalong masakit sa papa niya ito dahil ang mama at papa niya ang may mas maraming matatamis na ala-alang binuo bago siya
dumating."Papa. . .," nahihirapang tawag ni Jeruzah sa papa nito sa kabilang linya at pilit itinatago ang pag-iyak para kahit papaano may mapagkuhanan ng lakas ang papa niya sa ibabalita niyang masakit na katotohanan.
"Anak may nangyari ba?" bakas ang pagkalito sa malalim ngunit malambing na boses ng kaniyang ama. Dinig niya pa ang tawanan sa backround ng kaniyang papa, kasama siguro nito ang amo niya ngayon.
"P-Papa, si mama. . . Wala na po si mama," kahit masakit sabihin ang mga katagang iyon ay pinilit pa rin niya ang sarili na ibalita sa papa niya ang nangyari.
"Jeruzah, anak hindi ito magandang biro," sa tingin ko ay biglang napatayo ang papa mula sa upuang bakal base sa naging langitngit nito sa kabilang linya.
"Papa punta ka na dito, hindi ko po alam ang gagawin ko."
"Hintayin mo ako ha anak? Magpapaalam lang ako sa boss ko."
"Papa bilisan mo ha?"
"Opo, basta anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng mama mo, sadyang kailangan na ng Panginoon ang kabutihan ng puso ng mama mo sa langit. Kahit wala na kami ng mama mo, lagi ka lang tumingin sa kalangitan at makikita mo kami agad, nakangiti at proud na proud sa kung gaano katapang ang anak namin," alam kong nakangiti si papa ngayon habang sinasambit niya ang taos puso nitong mensahe na para bang iyon na ang huli naming pagu-usap.
"Papa bakit parang nagpapaalam ka na, hindi mo naman ako iiwan hindi ba? Basta papa bilisan mo maghihintay kami ni mama dito sa ospital. Papa wag mong kakalimutan ang regalo ko ha?" kahit na may pagdududa isinantabi niya iyon at pilit na pinasisigla ang boses upang maipakita sa papa niya na kaya niya at matapang siya.
"Ikaw pa ba anak ko, kahit kailan hinding-hindi kalilimutan ni Papa ang anak niyang nakapabait, napakamasunurin, napakasipag, mapagmahal at higit sa lahat ay maunawain, basta anak hintayin mo si papa ha? Magkasama nating ihahatid ang mama sa huli niyang hatungan ng masaya," iyon ang huling sinabi ng kaniyang papa bago maputol ang linya ng tawag.
Matapos ang tawag ay iginayak niya ang mga binilin ng doktor tulad ng paga-ayos ng billing at ang death certificate ng kaniyang mama. Kahit na antok na antok dahil mula kagabi ay hindi pa siya nakakatulog dahil sa biglang pag-arrest ng mama niya, hindi niya ito ininda upang para sa pagpunta ng kaniyang papa ay aayusin na lang ang lamay.
BINABASA MO ANG
San Cuenco Series 1: Trapped Beneath A Dangerous Love {UNDER REVISION}
RomanceHow can a person love someone when your heart is clouded with hatred? How can you see someone's worth when you're blinded with anger? Jeruzah, a sweet and a loving kid but when her parents died her life definitely change real quick from an orphan to...