"Mukhang napasok tayo ng kalaban, Makas alalayan mo si Jeruzah at dalhin sa kwarto niya sa itaas, Kibou, Dillion, Kit at Raza ihanda niyo ang mga sandata niyo mukhang maraming tauhan ang ipinadala ng isa sa mga organisasyon."
"Copy," sabay-sabay na sabi ng lima na agad inilabas ang mga baril na nakaipit pala sa mga likuran nito.
Agad naman akong nilapitan ni Makas at hinila ang aking mga kamay para sumunod sa kaniya, habang sa kaliwang kamay nito ay isang baril. Mabilis ako nitong nadala sa aking kwarto at pina-upo sa aking kama.
"Kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis sa kwartong ito naiintindihan mo ba?" seryoso nitong utos sa akin na agad ko namang tinanguan.
"Ano bang nangyayari?!" wala talaga akong maintindihan sa mga pangyayari. One moment Makas and I are arguing then later on umuulan na ng bala!
"Saka na namin ipaliliwanag sa 'yo, sundin mo na lamang ang bilin ko."
Agad itong lumabas ng aking silid habang ako ay nanginginig sa takot, sunod-sunod na putok ang naririnig ko at hindi na rin ako mapakali sa pagkakaupo habang kagat-kagat ang daliri, naga-alala para sa sarili at para sa mga taong ngayon ay buwis buhay na nakikipaglaban sa labas.
Sino ba ang mga kasama ko dito at paano sila may hawak na mga baril?!
"Ahhh!"
Napaatras ako sa gulat at takot ng lingunin ko ang balcony kung saan nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng all black clothes at suot na maskara na may disenyong isang gagamba, pero mababanaag mo pa rin ang ngising nakakubli sa likod ng maskarang suot nito
Nanginginig ako habang pinipilit ang sariling umatras patungong pinto pero isa iyong pagakakamali dahil sa ginawa ko ay naalarma ang lalaki at mabilis hiniltak ang buhok ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.
"Saan ka pupunta ha? Tsk, tsk, tsk maganda at makinis ka bata, pagsawaan muna kaya kita bago kita dalhin kay boss?" nangilabot ako sa mga katagang binitawan nito. Bukod sa nakakasuklam ang ideyang iyon ay natatakot din ako para sa maaring mangyari, lalo pa at walang pwedeng magtaggol sa akin sa mga oras na ito.
"Bitiwan mo ako! Makas! Makas! Help me–" hindi ko na naituloy pa ang mga susunod na sasabihin ng walang habas nitong tinakpan ang bibig ko gamit ang mga kamay nito, buti sana kung mabango ang kaso amoy bulok ang kamay ng lalaking ito. Amoy wax pa putsa!
Kahit natatakot ay hindi ako nagdalawang-isip na kagatin ang kamay nito, agad kong inalala ang mga itinuro sa akin ni Papa noong maliit pa ako, hindi ko akalaing magagamit ko iyon lahat sa ganitong sitwasyon.
Matapos kagatin ang kamay nito na agad nakabitaw sa akin ay kinuha ko ang kamay nito na may hawak na baril saka ito pinilipit at sinipa sa tiyan at sa pribadong parte nito dahilan upang mabitawan niya ang baril na agad kong sinamantala upang makalabas ng kwarto ngunit pipihitin ko pa lang ang seradula ng pinto ay agad na naman ako nitong nahiklat sa buhok. Seriously paborito ba nito ang buhok ko at lagi na lang iyon ang hinihiltak niya?!
"Ahhh! Ano ba bitawan mo ako! Bitawan mo ako sabi eh!" walang tigil ako kakapumiglas para lamang makawala sa mga kamay nito. I will not lie, this stinky man was strong.
Nang makawala ulit sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit siyang sipain na ikinatagumpay ko naman ngunit agad din akong naestatwa ng paputukin nito ang hawak na baril na dumaplis sa aking pisngi. Nakita ko itong ngumisi at mabilis na itinutok sa akin ang baril, mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at iniintay na lang ang kamatayan ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril ngunit wala akong naramdamang tumama at masakit sa akin, dala ng pagtataka ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita sa gilid si Makas na seryoso habang hinihingal na tila minadali ang pagpunta dito, may mga pasa din ito sa mukha at ang maputing damit ay nabahiran ng kaunting dugo at dumi.
BINABASA MO ANG
San Cuenco Series 1: Trapped Beneath A Dangerous Love {UNDER REVISION}
RomanceHow can a person love someone when your heart is clouded with hatred? How can you see someone's worth when you're blinded with anger? Jeruzah, a sweet and a loving kid but when her parents died her life definitely change real quick from an orphan to...