"Jeruzah Dizon?"
Bagama't patanong ito subalit hindi maitatago ang nakakakilabot na boses ng matandang lalaki habang sinasambit ang buo kong pangalan. Kahit sino siguro ang makakarinig ng boses nito ay maninindig ang balahibo sa takot.
"Ikaw si Jeruzah hindi ba?" tanong nito habang nakapako sa direksiyon ko ang paningin nito.
"Opo," mahina kong saad dahil bukod sa mahapdi ang sugat ko sa mga braso ay ngayon ko lang din naramdaman ang sugat sa tagaliran ko na mukhang nakalawit sa kung saan man habang tinutulak ko si Tiya kanina. I wonder kung may malaki ba akong balat sa puwet at ang malas ko kainis!
"Kamukhang-kamukha mo si Cairus tila pinagbiyak kayong bunga," isang kiming tawa ang pinakawalan ng matandang lalaki.
"Kilala niyo po si papa?" bakas ang gulat sa aking mga mukha ng sambitin iyon ng matanda. Wala naman kasi akong nakilalang kaibigan ni papa eversince, kahit ang amo niya ay hindi ko pa din nakikita.
"Kilalalang-kilala," saad nito na tila may naalalang isang napakagandang alaala.
"Paano po?" panguusisa ko.
"I'm Julius San Cuenco, Cairus bestfriend and he's my one and only trusted bodyguard," may ngiti sa mga labi nito habang sinasabi iyon an tila ba isang magandang alaala ang mga araw na pinagsaluhan nila ni papa. Mukhang siya ang boss na tinutukoy ni papa.
At hindi naman pala ito nakakatakot, kung sa aura at panlabas na anyo mo siya mamasdan tiyak na matatakot ka talaga dahil ang mukha nito ay may pa-exis na peklat sa kaliwang pisnge. Ngunit sa oras na magsalita na ang matanda ang lahat ng pangamba at takot ay tila isang bulang maglalaho dahil pilyo itong kausap.
"Ano naman pong kailangan niyo sa akin?" walang habas kong tanong dito.
"Bago mamatay ang iyong ama isang kasulatan ang iniwan niya sa akin, na sa oras na mawala siya dito sa mundo sa pangangalaga ko ikaw maiiwan," seryosong ani nito habang humihila ng isang upuan na nakasandig sa may bintana malapit sa pinto ng bahay na para talaga sa mga bisita.
"Paano po ako makakasiguradong may katotohanan ang lahat ng mga katagang binitawan niyo?" mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon. Dahil sa panahon ngayon kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan mo ang siyang aahas sa iyo.
May inabot ito sa aking isang brown na papel at nang akin itong buksan bumungad sa akin ang handwritten ni papa.
Dear Julius,
Sa aking pagpanaw nais kong pangalagaan mo ang nagi-isa kong babaeng anak na si Jeruzah, pagkaingatan mo siya dahil mahal na mahal ko ang batang iyon, isang prinsesa kung aking ituring. Hindi ka mahihirapang hasain at palakihin siya dahil isang mabait na bata ang anak ko. Nais ko ring pag-aralin mo siya, hanggang siya ay makatapos ng pagaaral at matungtong ang tamang edad. Kalabisan mang maituturing ngunit sana ay maisakatuparan mo ang hiling ko, kapalit ng nais mo. Ituro mo sa kaniya lahat ng nararapat niyang malaman.
Ang iyong kaibigan,
CariusBakit? Papa, bakit parang alam mo na na may mangyayari hindi maganda sa iyo? Anong nais niya Papa? Anong kapalit?
"Alam kong maraming katanungang nabubuo ngayon sa isip mo ngunit wala na tayong oras magdesisyon ka na agad kung sasama ka o maiiwan ka dito," seryoso nito saad na tila ba isang panganib ang sa ami'y naghihintay kung magtatagal pa kami sa bahay na ito.
"Sasama po ako, alam kong mapagkakatiwalaan kayo dahil hindi ako ibibigay sa pangangalaga niyo kung walang tiwala si papa sa inyo," may paninindigan kong wika dito. Sawa na din ang katawan ko sa mga sugat, pambubugbog at masasakit na salitang binibitiwan ng Tiya sa akin, ang Tiyo lang naman ang dahilan kung bakit nagtitiis pa ako sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
San Cuenco Series 1: Trapped Beneath A Dangerous Love {UNDER REVISION}
RomanceHow can a person love someone when your heart is clouded with hatred? How can you see someone's worth when you're blinded with anger? Jeruzah, a sweet and a loving kid but when her parents died her life definitely change real quick from an orphan to...