Flownee's...
"Umuwi na daw si Kuya Reeve mo, 'di mo ba siya dadalawin?" salubong ni mama sa akin. Nanghaba ang nguso ko sa narinig. Alam ko na naman kasi 'yan eh. 'Di na kailangan pang sabihin.
Papupuntahin na naman nila ako do'n para utusang gisingin 'yong isang 'yon? I crossed my arms sa naiisip na isandaang porsiyentong alam kong mangyayari kung hindi ako tatanggi. Padaskol na umupo ako sa isa sa mga silya dito sa kusina na nakapaikot sa round marmol Table.
'Bitter ka na naman, 'di ka kase crush ng crush mo. Kawawa!' tumatawang pang-aasar ng inner wolf ko saken.
'leche! You shut up Femy! Hindi ko kailangan ang opinion mo rito!' saway ko sa Wolf kong pakealamera. Feeling laging kasali.
"No mom. Sorry, bussy ako ngayon sa mga deadlines ko sa school plus nagre-review ako for preperation sa finals. Bahala siya. Saka matanda na 'yon. Kaya na niya gumising mag-isa ..." sinungkit ako ng tinging mapangasar ni mudrakels kaya napanguso na lang ako. Para talagang bata.
Nakakainis. Ano bang problema nilang lahat? Bakit kailangang ako pa ang gumising sa isang 'yon?
"School deadlines nga lang ba? Bakit amoy bitter?" pang-aasar ni momy sa akin.
"Si papa nga pala?" pag-iiba ko ng paksa para hindi na siya mang-inis pa.
"Nakapasok na," maikling sagot ni momy habang patuloy na ginagayat ang ox meat. My favorite.
"Si papa talaga," sabi ko. "Hindi niya na naman ginamit ang restday niya. Kaya yumayaman ang Alabaya," sabi ko. Curious about papa? Wanna guess who he is?
Ang papa ko ay si Ivo, the Alpha King's Beta. Ako ang panganay nila and They have me first before they got married. Kaya Ang first baby nila ay ako. Babae. Ganoon kasi kung na una ang pagniniig bago ang kasal. Babae ang unang anak kapag nagbunga. Lalake naman ang unang anak kung nagpakasal muna bago bumuo ng anak. Tapos no'n pinangank si Flowbous who is 1 year younger than me. Prince Reeve is 5 years Older than me and 6 years Older than Flowbous. Ibig-sabihin, limang taon muna ang lumipas buhat nanh magka-anak ang hari, bago lumandi ang pogi kong ama.
Si Flowbous ang nakatakdang maging Beta sa sandaling hiranging ALPHA KING ang prinsipeng masungit.
Mayamaya pa ay nag-ring ang phone ni mom at lumitaw sa malaking screen ang mukha ni Luna Kiss, ang ina ng prinsipeng masungit.
Kamalasan ko naman ay sa akin pala nakatutok ang camera kung saan naka konekta ang cp niya at ako ang unang nabungaran ng reyna. Holly cow!
"Flownee hija! Mabuti at ikaw ang nariyan!" masiglang bati ng Reyna sa akin. Kinabahan ako bigla. Alam ko na kasi ang mangyayaring kasunod. Nakakainis talaga. Iwas ako nang iwas pero lalo naman kaming pinaglalapit.
Tumayo ako sa kina-uupuan ko at yumukod ng magalang sa Reyna and gave my sweetest smile to her. "Queen Luna, magandang umaga po!" sabi ko. Si mommy na naghihiwa ng karne ng OX ay tumigil muna sa ginagawa at bumati rin sa Luna.
"Itatanong ko sana sa Mama mo kung gising ka na. Hindi na pala kailangan! -Hi Youla! Hihiramin ko muna si Flownee okay lang ba? Hinahanap siya ni Reeve ehh ..." lie. Ang totoo kasi niyan, para kasing alergic sa akin 'yang si Reeve kaya ako ang inuutusang manggising sa kanya. Ang arte kasi ng baktol na bakulaw na 'yon. Akala mo naman nagagwapuhan ako sa kanya. Well, yeah, nerd man siya pero guwapo naman siya talaga. Isang nerd na nuknukan ng palikero. Gaya noon. Nahuli ko siyang ...tsk!
Pero kahit ganoon, gusto ko pa rin siya. Gustong gusto at ngayon parang mas mahal ko na siya kahit ang daming sakit ng kalooban ang binigay niya sa akin.
Na aalala ko pa ang sinabi niya no'ng mabisto niya ako.
"Pupy love lang 'yan Flownee. Eventually, magbabago rin 'yan pagdating ng tamang panahon," aniya at tumalikod na saka naglakad palayo pero bago siya tuluyang makalayo ay lumingon uli siya sa direksiyon ko at sinabing, "isa pa, I don't like Girls 5 years younger than me." bago ito tuluyang nawala sa paningin ko.
Ang daming first ang naranasan ko sa kanya. First crush, first love, first heart ache and more. Masyadong mapanakit. Akala mo naman kung sino.
At dahil nga anak ako ng Beta at mahal ng lahat ang Queen Luna, hindi ko siya mapahindian kahit alam ko na ang mangyayari kapagpumunta ako doon para gisingin ang prinsipeng palaging may dalaw.
Mayamaya nga ay nasa palasyo na ako. Naglalakad ako sa pasilyo nang salubungin ako ng Queen Luna at yakapin.
"Puntahan mo na siya hija ... Nagagalit siya sa mga katulong kapag ginigising siya eh. I guess ikaw lang talaga ang makakapagpatayo sa kanya sa higaan ..." tapos kumindat siya. Anak ng bumbay naman.
"Sige po mahal na Luna, ako na po 'ng bahala," nakangiti kong sabi kahit sa totoo lang eh gusto ko nang umuwi. Ang dami ko pa kasing gagawin at saka, ayaw ko naman talaga siyang makita na. Tatalikod na sana ako, nang tawagin niya uli ako. "At hija..." I stoped when I heared her calling me. Bakit naman Kaya?
"Po?" lingon ko.
"Happy 18th birthday ..." tapos kumindat siya at pinamulahan ako ng mukha. Birthday ko nga pala? Hindi ko naalala sa dami ng ginagawa ko.
Pagkasara ko ng pinto ay agad siyang hinanap ng mga mata ko. Nakita ko siyang nakahiga at hubad baro, habang naka boxer lang.
Juice colored. Knowing na may ibang tagapaglingkod na pumasok dito kanina, malamang sa alamang ay nakita nila ang nakahaying ula—este katawan ng masungit na pangit na 'to.
Ano ba namang tumatakbo sa isip ng reyna? Tang na juice talaga oh, haler? Dalaga na po ako at hindi na bata. Gusto ba nilang mahalay ang pa-virgin nilang anak? Pero kung sa bagay, pabor naman sa kanya 'yon. Sa hilig niya ba namang 'yan. Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala na hindi nga pala ako ang itinakdang luna. Hindi ako. At kung sino man siya, balang araw ay lalo na akong mawawalan ng pagkakataon na makalapit sa kanya kaya habang puwede pa, susulitin ko na.
Every year ko lang napapasok ang kuwartong ito. Tuwing umuuwi lang siya at papupuntahin ako rito para gisingin siya. Gaya ngayon.
Lumapit ako sa kanya at na upo sa gilid ng kama niya. Ilang sandali lang akong tumingin sa kanya. Napagdesisyonan ko na gisingin na siya nang bigla niyang imulat ang mga mata niya.
"Don't you know that staring is rude?" sabi niya na nakatitig na rin sa mga mata kong nandidilat sa gulat.
Pabigla siyang bumangon at instinc ko na lumayo sa kanya pero bago pa ako nakalayo ay mabilis niyang nahapit ang aking bewang at ...
Hinalikan ako sa mga labi...
Anong nangyayari?
Totoo ba ito?
Kung tunay ito, ayaw ko nang magising.
×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
Chapter 1
@HGBJ.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING [BOOK 2] THE NERD KISSER A L P H A
Werewolf@All Rights Reserved 2015 He is an Alpha, And he is a Nerd ... He is a Nerd, But he is a good Kisser. He is a good Kisser And his name is Kisser.. He is a nerd good kisser An Alabaya's Crown prince And his name is Kisser. Watch out for his existence...