Her thoughts ...
Flownee's ...
Ilan araw na rin buhat nga nang makabalik ako dito sa Alabaya. At simula noon, wala akong natatanggap na text galing kay Lohan.
"What happ---" -- naputol ang lahat ng sasabihin niya sa naratnan niya. Ang kuya niya na nasa masagwang posisyon kasama ang babae nito, at ako na naiiyak na sa nakikita ko ... "Ohhh my Ghhhaaadd!! Anong ka gaguhan 'yan kuya!? I told you not to bring viruses here! Ayoko mabahiran ng maduming ambiance ang Condo! Malas 'yan! Mala---" -- naputol ang sasabihin pa sana ni Lohan nang...
"LOHAN! Bullshit! Get out! You!" baling niya sa akin. "Makaka rating sa magulang mo ang pagpunta mo rito!" -- para akong tinakasan ng hininga sa sinabi niya. Napuno ng pag-aalala at takot ang buo kong pagkatao. Knowing mama and papa, grounded agad ako nito.
"Kuya, you can't tell it to them! You know naman Tito Ivo and tita Youla right? Kapag nalaman nila ang tungkol dito, mawawalan sila ng tiwala kay Flownee, sa akin ... At saka ..." may lungkot sa boses ni Lohan. Ako naman at natatakot. Alam ko ang mangyayari kapag nagsumbong si kuya Reeve at lagot talaga kami ni Lohan.
"At si Lohan ang mapuputukan kapag nalaman nila na nagpunta ako rito ng walang paalam. Ayaw mo naman siguro na mapahamak siya 'di ba?" sabi ko. Totoo iyon kahit na nga ba, ako talaga ang namilit ay damay pa rin siya. "And besides, ako ang may kasalanan pero kahit na ako lang ang may kasalanan damay pa rin si Lohan. Kaya please Kuya Reeve! 'Wag mo sabihin ito kahit kanino!" pangungumbinsi ko. Kilala ko kase siya. Kapag hindi mo pinigil, gagawin niya ang iniisip niya. Para siyang si Tito Rave. May matibay na desisyon at iisang salita. Kapag sinabi niya, sinabi niya, 'yun ang masusunod.
"This is all your fault dumy!" a niya habang hinihilot ang tungki ng ilong. "Bumalik ka sa atin! 'Wag kang pahamak! Kapag sinabing huwag kang pupunta rito, 'wag matigas ang ulo mo," malamig na sabi niya sa akin.
"Kuya stop it! Nakakssakit na 'yang sinasabi mo!" ma-iiyak na, na sabi ni Lohan. Humihikbi na siya. Ever since, matibay talaga ang loob nito but not in this situation. Kita sa kang gusto na niyang umiyak, pinigilan niya para lang hindi mo makita ang kahinaan niya. She is a though she wolf.
"How dare you!" naglandas na ang mga luha ko papunta sa mukha. Napamulat siya nang mabakas na umiiyak na ako. "Gusto ko lang naman na makita ang mundo ng mga tao. Gusto ko lang maranasan ang makarating dito. Gusto ko lang na ..." napatigil ako sa sasabihin ko kase, para nang sasabog ang dib-dib ko.. Bakit ba siya nagagalit sa akin? Dahil ba mapapahamak si Lohan kapag nalaman sa Alabaya na nagpunta ako dito ng walang paalam? Sa bagay nga naman.
Aminado naman ako na mali ako. Kaya siguro, tama nga siya. Tatanggapin ko na lang na talagang mali ako.
"Gusto ko lang na," pagpapatuloy ko. Bahala na. Kasi ito naman ang totoo, kung bakit ko siya pinuntahan.
Nakikinig lang si Lohan sa aming dalawa. Siguro nakakatunog na ito sa sasabihin ko.
"Na makita ka kase hindi ka umuwi sa atin. Miss na kase kita. Kase ..." suminghot ako dahil nagkakasipon na ako sa kakaiyak. Masama kasi talaga sa loob lalo na kung puro sakit na lang ng damdamin ang natatanggap ko sa kanya.
Ako namang si tanga, gustong gusto ko pa rin siya kahit na alam ko na ayaw niya sa akin. At araw-araw ay lumalala ang pagkamuhi niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.
"Kasi ... Mahal kita!" narinig ko ang pagsinghap niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Napa awang ang bibig ni Lohan sa sinabi ko. Naging mailap naman ang mga mata ni Kuya Reeve sa akin.
"Pupy love lang yan Flownee. Eventually, mag babago din yan pag dating ng tamang panahon." -- sabi niya. Tumalikod na siya at nag lakad palayo pero bago siya tuluyang maka layo, lumingo uli siya at.. "Isa pa, I don't like Girls 5 years younger than me.. Stupid.." -- sabi niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Naiwan kami ni Lohan sa Sala. Niyakap niya ako habang yumuyugyog ang balikat ko.
Ang sama niya..
Pagka tapos noon, hinatid ako ni Lohan dito at umalis na. Sabi niya, pasyensiya na daw ako sa kapatid niya. Sa inasal nito. She also cheers me up.
Sabi ko kasi, nagsisisi ako na sinabi ko ang nararamdaman ko. Lalo lang tuloy akong nasaktan sa mga sinabi niya.
Duman pa ang ilang buwan, bihira nalang sa isang taon siya kung umuwi. Isa O dalawang linggo.
At ang dati niyang malamig na trato sa akin, ay lalo lang naging malamig. May mga pagkaka taon pa na kapag umuuwi siya dito, nakikita ko siya sa ilan sa mga lugar. May kasamang babae. They are making out tapos pagnakikita niya ako, hihilahin niya ang babae pa alis ng lugar habang sinasamaan niya ako ng titig na kung nakaka matay lang, siguro matagal na akong patay.
Gustuhin ko man na malaman kung bakit ganoon siya sa akin. Hindi ko magawa..
Hanggang sa isang Araw, dumating sa Palasyo ang anak ni Manang Noim. Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan nila'ng tagapag silbi sa palasyo. Ayon sa mga ito, gusto na daw magtrabaho habang nag-aaral ang anak niya. Kasing Edad ko lang din siya. Eleven Years old lang din. Maganda siya para sa isa'ng Omega and Her name is ALORA.
Umpisa palang inis na ako sa kanya. Maybe this is called insecurities.
Kase siya, pinapansin ni Kuya Reeve. Close na nga sila Eh! Pero ako? Ever since na magkakilala kami, malamig na talaga siya makitungo sa akin. And worst, he is showing me na ayaw niya sa akin at hinding hindi niya ako magugustuhan.
Hayup lang. Ang Skit. Bakit ba kasi ang komplikado ng lahat para sa akin? Bakit ang unfair ng lahat sa akin? Bakit kailangan siya pa ang magustuhan ko?
Isang lalake na kahit ano ang gawin ko ay hindi ako magugustuhan ni mapapansin.
At kahit na magustuhan niya ako, hindi naman puwede dahil sa dalawang higanteng dahilan.
Mag pinsan kami sa papel at Hindi ako ang Mate niya..
Nakatulugan ko na ang sakit na kinikimkim ko sa dibdib. At hanggang sa Panaginip ay Sinasaktan niya pa rin ako.
×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
Chapter 4 edited
@HGBJ.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING [BOOK 2] THE NERD KISSER A L P H A
Werewolf@All Rights Reserved 2015 He is an Alpha, And he is a Nerd ... He is a Nerd, But he is a good Kisser. He is a good Kisser And his name is Kisser.. He is a nerd good kisser An Alabaya's Crown prince And his name is Kisser. Watch out for his existence...