NERD KISSER.3

1.5K 50 1
                                    

Seven Years Ago...

Flownee's...

"Hindi puwede Bes! Alam mo naman hindi payag si Tita!" bulalas ni Lohan sa akin. Hangganag ngayon kase kinukulit ko pa rin siya na isama ako sa Human World since do'n naman sila nag-aaral ni Kisser my loves..

"Tsss ... Alam mo bes, malalaman lang 'yon ni mama kapagsinabi mo! Just please ... Gusto ko lang naman makita kung ano ang itsura do'n," -- pag mamaka-awa ko pa. Lie ... lie ... Li... Last na pambato ko na, na sana tumalab. Oo totoong hindi lang ang ma experience ko ang makarating sa human world ang dahilan ko sa pagsama. Isa lang iyan sa mga dahilan ko.

"No way! Sabi naman sa 'yo parehas halos ang lahat ng bagay roon at dito. Wala naman exciting doon besh," sabi niya. Knowing her, alam ko naman na hindi ako pahihindian nito kung payag lang sina mom. Kaya lang, ayun nga, kontrabida si mommy. Wala naman problena kay Daddy eh. Sa kanya lang. Sabi kasi niya, bata pa ako at baka mapahamak ako. Tsss!! E bakit si Lohan at si Kuya Kisser okay lang sa Hari at Reyna? Ang Unfair!

"Di naman nila malalaman 'yun bes! Unless sasabihin mo nga!" I frowned at her.

"Hala hindi noh! Tss! Gusto mo lang maka Silay kay Kuya kaya mo gusto sumama ee! Bussy lang 'yun sa exam nila kaya 'di nakasama sa akin pag-uwi. Wag ka na sumama do'n. At saka ..." litanya niya tapos ibinitin niya sa huli ang sasabihin niya na para bang nagdadalawang isip sa sasabihin. Kumunot ang noo ko at kinutuban, "At saka ano?" salubong ko sa sasabihin niya. 'Di niya itinutuloy o baka hindi niya lang talaga kayang ituloy? May tinatago ba siya?

"A-ano ...s-saka kasi besh, susungitan ka lang no'n promise!" palusot niya. Pero halata namang hindi 'yun ang dapat na kasunod ng sasabihin niya.

Humalukip-kip ako at naghahaba na naman ang nguso. "Hindi na nga muna tayo bati!" sabi ko. Hindi man ako nakatingin sa kanya, alam ko na nanglalaki na ang mga mata niya. "Tampo ako sayo! Damot!" sana tumalab.

"What? 'Wag naman ganyan! Bes naman eehh!! Hoy!" ani Lohan.

"Eehh..." ako na umismid uli at bumaling sa kanan.

"Hala seryoso siya!" a nitong nangingilid na ang luha. 'Di ko pa rin pinansin.

"Uwi na ako tutal wala naman akong mapapala dito," pasuplada kong paalam sabay tayo ng kama niya. Nasa room niya kasi kami noon kaya alam kong walang makakarinig sa aming dalawa.

"Teka lang bes! Galit ka talaga saken?" habol niya sa akin na nakatayo na rin sa likod ko. Huh! I knew it!

At sa huli, pumayag din siya. Kinabukasan, hindi ako naghanda. 'Di ako nagdala ng kahit na anong damit kasi mahahalata ako kapag may dala ako. Saka pareho naman kami ng size ni Lohan kaya alam kong phihiramin ko nito ng damit.

"Ready?" sabi niya. "Siyempre bes! Tara na!" sabi ko na exited na exited na. Natawa naman siya sa sinbi ko at ako pa talaga ang nagpati-una..

Isang dambuhalang gate ang pinasukan namin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ang kaba at exitement ang nararamdaman ko. This is my first time na makakaapak sa mundo ng mga tao at saka isa pa, sa wakas, makikita ko na naman siya ulit.

Buwanan na nga lang siya umuwi, tapos ngayon wala pa. Hindi raw ito umuwi dahil maraming tinatapos na naman.

Kung kanina ay isang dambuhalang gate ang pinasukan namin, ngayon naman ay isang maliit gawa sa kahoy, luma at hindi pansining gate ang nilabasan namin. Isang maliit lamang na gate na nakakapit sa isang higante at solidong batong kulay itim.

I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING [BOOK 2] THE NERD KISSER A L P H ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon