Chapter 12~

506 18 9
                                    

Chapter 12

GLEN's POV

Sabi niya ako lang daw. Sabi niya mahal niya daw ako. Sabi niya hindi na daw niya mahal yun.

Oo nga pala, maraming 'DAW' dahil hindi naman totoo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, sa sobrang bilis kung pano siya napunta sakin. Ganun lang din pala siya kabilis mawawala sa tabi ko. Parang kahapon lang nasa tabi ko siya, parang kahapon lang masaya kaming mag kasama. Eh ngayon? Eto nanaman ako. Kagaya nung nag umpisa ang kwento na to. 

Nakatingin ako sa taong mahal ko na kasama ang totoong mahal niya.

Ano ba ang akala nila sakin? Laruan? Tinatry lang nila kung nakakaramdam talaga ako? Masaya bang makita ang reaction ko habang nalalaman ko ang totoo?

Tumingin ulit ako sa salamin, pinag masdan ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang buhok ko at inisuklay ang mga daliri ko dito, hinimas ko saglit ang aking mukha at pumikit.

Naaalala ko nanaman kung pano niya ko hawakan, naaalala ko ang masasayang araw na mag kasama kami. Naaalala ko kung pano niya ko pahalagahan. Naaalala ko nanaman ang mga nangyari. 

Tama si Marco, Am I really happy to meet My Guillotine? Tama siya naman ang panakal sa buhay ko. Pinaramdam niya sakin ang pag mamahal na hinahanap ko. Pinakita niya sakin ang totoong ibig sabihin ng pag mamahal. Pero mas madami padin ang sakit na naidulot niya sakin. 

Tulad ng sang Gilotina. Tulad ng isang panakal. Tulad ng isang pamugot.

Pinatay niya ko. 

at Pinapatay ng paulit ulit.

Do I deserve this much? Oo masama ang ugali ko, hindi ako maka diyos, suwail na anak. Pero kailangan ko bang Mamatay ng paulit ulit habang ako ay nabubuhay?

Dumilat muli ako at tumitig sa salamin. Tulad ng una. Heto nanaman ako, walang emosyon. 

"Glenise? Tara na. May practice pa tayo" sabi ni Mikayla pero hindi ako tumingin sakanya. Hinawakan ko nalang ulit ang buhok ko at sinuklay ito.

"Oo" bigla namang pumasok si Mikayla at tumngin sakin sabay yumakap sa likod ko at nag salita

"Glenn, sabi na sayo diba? tama na? pero sige ka padin. Akala ko nung huli tayong mag usap ok ka na. pero hindi pa pala. Alam mo naman ayaw kitang nakikitang ganyan. Tama na"

"Okay lang naman ako" Tumingin ako ng mataimtim sa kanyang mga mata at ngumiti ng bahagya.

Ayoko siyang masaktan ng dahil sakin. Sanay naman akong mag tago ng nararamdaman, pero hindi ngayon. Gusto pala nila akong pag laruan sana sinabi nila kaagad sakin. Sana nakapag laro din ako ng gusto nilang laro, ibibigay ko naman eh. Ibibigay ko ang hilig nila.

Pag sisisihan niyo din ang mga ginawa niyo.

**

"Here comes the slut"

"Nako pare wag kang didikit dyan, baka maagaw ka. WHORE"

"Kawawa naman siya, iniwan siya ni Cyrus. MALANDI KASI YAN EH"

Habang nag lalakad ako sa campus namin papuntang Theater room ay maraming nakatingin sakin at nag bubulung bulungan. Tsk. Napaka bilis nga naman ng balita. Hindi ko sila pinapakeelaman ng biglang nag salita sa likod ko si Mikayla.

"Ano ba naman kayo! Kung gusto niyong laitin si Glen wag kayong mag paka bakla na ipapadinig niyo lang sakanya ang mga bulung bulungan niyo! Mga duwag kayo! Kung makapang husga kayo bakit alam niyo ba ang totoong nangyari? Alam niyo ba kung sino talaga ang nanloko ha?!"

"Tama na, Yaan mo sila." Sabi ko naman kay Mikayla at tumalikod na. Pero merong isang pugita na nag salita

"Totoo naman kase. Kaya yan iniwan ni Cyrus dahil malandi siya. Alam namin ang totoo, sinabi samin ni Iries"

This time nag pantig ang tenga ko, nandito sila sa teretoryo ko kaya wag nila kong inisin. Nilapitan ko ang babae at tinitigan.

"So naniniwala ka pala sa santa santitang si Iries na yan? Hindi lahat ng nadidinig ay dapat pakinggan. Sa suot mo nayan muka kang computer science student. Pero sa inaasal mong ugali, muka kang isang basurang inaapak apakan lang. Walang silbi walang magawa sa buhay." Sabi ko sakanya sabay talikod

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan! !@#$!" at sabay nun ay hinila niya ang buhok ko 

"Aray! bitiwan mo nga ako!" sabi ko sakanya, nakikita ko din na umaawat si Mikayla, at ang iba naman ay masayang masaya na nabubunot ang buhok ko. Sa sasobrang inis at sakit na nararamdaman ko ay sinipa ko siya sa may tiyan pero hindi siya natamaan, sinampal niya ako at napahiga ako sa sahig at sinipa naman niya ang may tigiliran ko, gusto ko pang tumayo pero hindi ko na kaya.

"Ayan, dapat yan sayo. Akala mo magaling ka? Talaga lang ha? e isa ka lang namang babaeng aso na naligaw dito "

Hindi nanakapag salita yung babae dahil na tulak siya ng isang lalake

"Anong ginagawa niyo kay Fate?! Wala na ba kayong magawang matino!?" sabi niya sabay alalay sakin patayo,

"Oh, ikaw din naakit ng babaeng yan? wow!" 

"kung ayaw mong masakatan, tumigil ka" sabi naman ni Marco habang pinapatayo ako at hinawakan sa pisngi

"Okay ka lang ba Fate? tara dalhin ka namin sa clinic"

"Wag na okay lang ako" pinilit kong tumayo ng tuwid at naglakad papalayo sakanila, habang paalis ako ay nakatingin padin sila sakin, parang pinandidirihan ako, ano ba ang nagawa ko? nag mahal lang naman ako masama ba yun? 

Masakit, sa sobrang sakit ay wala na akong maramdaman, miski ilang sampal at sabunot pa ang abutin ko. Hindi ko na to maramdaman dahil sanay na ako dito. Sanay nadin akong tawagin ng kung ano ano. 

Simula ngayon, hindi niyo na ako masasaktan pa. Kahit kailan.

"Sana bata nalang ulit ako" may nakita akong babae na nakaupo sa may school garden, nakaupo siya sa damuhan at nakatingin sa langit. pero bigla siyang napalingon sa gawi ko. Ngumiti lang siya sakin at tumingin muli sa mga ulap. 

Kitang kita ko sa mata niya ang hirap na nararamdaman pero makikita mo din sa ngiti niya na masaya siya. Pumasok ako ng garden at umupo malayo sakanya.

Naiisip ko nanaman. Kung pano nila ko niloko, kung pano ako pinaasa ni Cyrus. Kaya pala ang bilis. Dahil hindi naman ito totoo. Its too good to be true. 

Dahil ngayon. Sila na. sila nanaman, sila lang ang nag mamahalan. Dahil mas mahal niya daw si Iries at naguluhan lang siya kaya niya ko pinili. May tumulo nanamang luha sa mukha ko, agad ko naman tong punasan. Hindi, hindi dapat ako maging mahina. Dapat pakita ko sakanila na matatag ako. 

Nagulat nalang ako dahil may nakita akong shadow sa tabi ko, yung babae kanina. Inabutan niya ako ng panyo. Tumingin ako sa panyo at tumingin muli ako sakanya. Hindi ko pinansin ang inaalok niya sakin at tumingin nalang muli sa harapan ko.

"Wag kang mag papatalo sa kanila. Wag kang mag papadala sa lahat ng sabihin nila. Dahil sa isang milyong tao na humahamak sayo, May isang tao naman na nag mamahal sayo ng totoo"

Napatingin ako sakanya nung sinabi niya yan. Tumingin ako sa mga mata niya. Sa mga mata niyang malulungkot. Ngumiti naman siya sakin at tumalikod.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tumingin nalang ako sa langit.

Humawak ako sa dibdib ko. Bakit ganon? Nandito padin ang sakit pero hindi ko na maramdaman?  Parang ang bigat bigat ng dinadala ko. Dahil ba mahal na mahal ko talaga ang lalaking nag patunay sakin na hindi totoo ang true love? Dahil mahal ko pa din ang taong nag bigay ng sakit at saya sakin?

O dahil sa mga taong nang huhusga sakin kahit hindi naman nila alam ang totoo.

**

You know my name, Not my story

You know what I've done, Not what I've been through.

-Bob Marley

 **

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guillotine,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon