A little fast forward
Jho
Dumalaw sina mama at papa dito sa bahay. Kausap ko ngayon si mama habang si papa naman ay kasama niya sila Bea at Nolan
"Anak sa makalawa na yung birthday ni Nolan oh, wala ka pa rin bang balak sagutin si Baham?" Lovel
"Ma hindi ko po alam"
"Anong hindi mo alam? Sa tagal niyong nagkasama sa Australia hanggang ngayon hindi ka pa rin sigurado sa kanya?" Lovel
"Ano po ba sa tingin niyo ang dapat kong gawin? Eh nanliligaw rin po sa'kin si Bea diba"
Matagal ko na rin kasing nasabi kila mama at papa na nanliligaw si Bea
"Alam kong mahalaga si Baham sa'yo anak, pero nakikita ko talaga na magiging mabuti siyang partner sa'yo. Maaalagaan niya kayo ni Nolan ng maayos" Lovel
"Opo tama po kayo mama. Kahit pa nga magkalayo kami ay lagi pa rin niyang pinaparamdam ang pagmamahal niya sa'kin"
Flashback
Jho
Kakarating ko lang dito sa room namin ni Bea at ngayon ko palang bubuksan ang letter na pinabigay ni Baham
Hindi pa naman papasok si Bea kasi pinapatulog pa niya si Nolan
I opened the letter
"Hello Jho! Na homesick ako ngayon (I'm sick while writing this letter), I didn't let you know na may sakit ako kasi ayaw kitang abalahin. I know kase na you're focused on Nolan, I don't wanna take too much time from you at mabawasan ang oras mo kay Nolan. As long as I know that you two are safe and comfortable then I'll be good with that. I wrote this letter because I really miss you, pwede kitang tawagan anytime pero handwritten letter is different eh. I want you to feel my sincerity Jho. I want to hug you and see you always but I can't, because our distance says otherwise. So take care of yourself muna habang wala ako ha? Please keep this in mind that I love you since the day I met you, wait for me ok?
-love Baham"Hindi ko na mapigilang mapaluha sa letter niya kasi ang totoo niyan ay super miss ko na rin kasi siya. Lagi niyang pinaparamdam ang pagmamahal niya sa'kin kahit pa kami ay magkalayo
"I miss you Baham, please come home na" sabi ko nang naluluha
Bigla namang bumukas yung door at pumasok si Bea. Agad akong nagpunas ng luha at itinago ang letter sa drawer ng bedside table
Napansin niya sigurong naiyak ako kaya lumapit naman siya sa'kin
"Jho what's wrong? I know you cried" Bea
Umupo siya sa tabi ko, nakasandal lang naman kasi ako dito sa headboard. Niyakap niya ako at inilagay ang ulo ko sa tapat ng chest niya
"Please tell me what's wrong Jho you're making me weak" Bea
"I miss someone"
"Just imagine that I'm the person you're missing now. As how I engulf you with my embrace that is how that someone loves you" Bea
"I miss you so much" sabi ko at hindi na napigilang mapaiyak kay Bea
Present time
"Kaya sana anak maisip mo kung gaano ka pinahahalagahan ni Baham hmm?" Lovel
"Opo"
Sakto namang dumating sila papa, Bea, at Nolan
"Mukang malalim ang usapan ah, share niyo naman yan" John
"Ah tito baka girls talk po" Bea chuckles
"Oo nga pa kaya samin nalang yun ni mama"
"Grandpa daddy let's go back in playing. I'm so bored right now" Nolan
"Hehe I'll stay here for a while apo ha? I'll just talk to your momma" John
Kaya sila Nolan at Bea nalang ang naglaro sa pool area, tapos may tumawag naman kay mama sa phone kaya lumabas ito para kausapin ito
"Anak" John
"Bakit po?"
"Kumusta ang puso mo? Hehe" John
"Paaa tinanong niyo na po yan ah. Ok po ako kasi may Nolan na"
"Oo pero kailangan mo rin ng kasangga sa buhay anak, hindi naman pwedeng mag-isa ka habang buhay" John
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"May napupusuan ka na ba sa dalawa? Bea o Baham?" John
"Hindi ko po alam pa"
"Sino ba ang mahal mo?" John
"Si Nolan"
"Ah si Bea kasi anak niya eh" John
"Pa naman ehhh"
"Hehe nagbibiro lang. Anak alam kong may sinasabi yang puso mo, sundin mo ang sinisigaw niya ha? Wala ng mali dito kasi parehas namang single ang manliligaw mo, yung isa tatay pa nga ng anak mo edi mas mabuti sana yun" John
"Bat di niyo nalang po sabihing si Bea noh?"
"Anak nakikita ko kasi ang mga galawan ng isang mabuting asawa sa kanya. Akalain mo sa loob ng ilang taon niyong nagkahiwalay eh ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso niya. Marami siyang sakripisyo na ginawa para saiyo anak maipakita niya lang ang pagmamahal niya at maipaglaban ka lang, kayo ni Nolan" John
"Selfless magmahal si Bea papa eh"
"Kasi mas higit na mahal niya kayo ng apo ko kesa sa sarili niya, na kahit wala siyang kasiguraduhan na mahal mo pa rin siya ay sumusugal ito" John
"Kung hindi lang po sana dumating yung ex wife niya at hindi lang nakasal si Bea noon, baka mag-asawa na kami ngayon. Masayang namumuhay at kontento sa kung anong meron kami"
"Tama ka jan anak, alam mo si Bea ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay yung makita niya lang kayong ligtas at masaya ay ok na siya. Wala siyang ibang hininging kapalit kundi ang kapakanan niyo ni Nolan" John
"Pa ano kaya ang mangyayari kung babalik ako kay Bea, aayusin namin ang pamilya namin at ibalik ang dating kami"
"Ayan ang gusto kong marinig eh. Pero bakit mo pa yan tinatanong syempre sasaya ka" John
"Gusto kong sumaya pa"
"Edi piliin mo si Bea" John