Chapter 4

13 4 0
                                    

Captive.

Ilang minuto lang siguro ang binyahe nya kaya sigurado akong malapit lang sa hideout na yon ang bahay ni Trevor.

Pero sa pagkakatanda ko halos bundok na yon at malaking lupain ang nakapaligid.

Ilang sandali pa ay napansin kong huminto na ang sasakyan.

Gusto kong magtanong nang magtanong kaso ay may tape itong bibig ko.

"Ibaba nyo na, at ideretso nyo sa lobby." Rinig kong sabi ni Ran bago ko maramdaman na may mga bumuhat sa akin palabas.

Sa totoo lang ay pwede naman nila akong palakarin, hindi naman ako magwawala.

Binaba nila ako sa malamig na sahig. Kahit naka pants ako ay ramdam ko ang lamig nito. Dahil nakaluhod ako roon.

Pinakiramdaman ko pa ang mga tao sa paligid ko.

"Who's that?" Tanong ng isang bagong boses. Hindi ko ito narinig kanina.

Walang sumagot sa halip ay naramdaman kong may umapak ng likuran ko.

What the hell?

Bahagya kong ginalaw ang likod ko para iparating na alisin nya ang paa nya pero ang gago lalong diniinan na tila nang aasar.

Pasalamat talaga to at nakapiring ako.

"Kanina ka pa rito?" Boses ng isa pang lalaki.

"Nah, binisita ko lang si Trev, nakakabagot sa mansion."

Ilang minuto pa akong nanatili sa posisyon nang marinig ang panibago na namang boses. Seryoso yon.

"What are you doing here? With a woman?" Seryoso at malalim ang boses nito. Sa pakiramdam pa lang ay matutunugan mo ng si Trevor ito. Kakaibang awra.

Hirap pakinggan ang yabag ng paa nya na tila isang predator na tinuruan para talaga mamiktima.

Hindi ko alam ang nangyayari pero sa tingin ko ay pinagmamasdan nya ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng takot o kaba. Bukod kasi sa wala akong ideya sa kung anong itsura nya ay nag iisip din ako ng kung ano ang pwede nyang gawin. Baka bigla nya na lang akong barilin sa ulo. Pero sana naman ay tanggalin nya na ang piring ko para kung mamatay man ako ngayon ay makita ko manlang ang mukha nyang kinasusuklaman ko.

"Pinadala ni Lucas, kasama 'yong ilan n'yang tauhan."

Excuse me? Walang tauhang ipinadala si Lucas na kasama ko. Iniikot ko ang aking mata sa kabila ng pagkaka piring ko.

"Gusto mo p're?" Tanong ng kung sino. Gusto ang alin?

Wala akong narinig na sagot mula sa inalok nya. Hindi ko rin alam kung sino ang tinatanong nya pero ramdam ko ang pares ng mga mata na nakatitig sa akin ngayon. Bahagya akong kinabahan.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses. "Bakit nyo pa ba dinala 'yan dito?"

"Trev can use her. Malamang importante 'yan kay Lucas. Baka babae n'ya 'yan." Pakikinig ko sa usapan nila. Hindi ko alam kung sino sino ang nagsasalita. Madami ba sila? Hindi kaya nasa totoong base ako ng Night Raid?

Paano nilang nakilala si Lucas? At alam nilang si Lucas ang nagpadala sa akin?

Halo halong emosyon ang bumalatay sa akin dahil sa sinabi ng kung sinong lalaki na yon. They all know who is Lucas at alam nilang ito ang nagpadala sa akin. Ibigsabihin ay malapit sila kay Lucas? O di kaya ay kakilala nila si Lucas? Paano nilang malalaman ang plano ni Lucas?

Samu't saring tanong ang umiikot sa isip ko sa oras na to.

"No." Agad akong nangilabot nang maramdaman ang sobrang lapit na boses.

Captivating the KingpinWhere stories live. Discover now