Prologue

14 7 0
                                    

"What are you planning, Green?" I asked while looking at him intently.

I can see how he swallowed hard as he try to speak.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo?" Tanong ko dahil ilang minuto na siguro s'yang nag iisip ng sasabihin. "Are you a deaf now?" Sarkastikong buwelta ko pa.

Buntong hininga s'yang umupo sa isang upuan katapat ng lamesa ko. "Kilala mo si Lucas, right?"

"Martinez?" He nodded. "What about him?" My eyebrows furrowed.

"He send some of his men—" Someone bragged the door that made him stop.

"Trev, you need to see someone down there." Seryosong sabi ni Davis nang makapasok sa silid.

"What the hell? Did you just bragged—"

"Shut the fuck up man, you-need-to-see-someone." Pag uulit n'ya pa sa mas pinaseryosong tono.

Wala akong nagawa kun'di ang tignan si Green na kunot ang noo saka sumunod kay Davis.

Ilang sandali pa nang makababa kami sa lobby ng mansion at doon ay nakita ko ang ilan sa miyembro ng Night Raid kasama ang isang—babae?

"What are you doing here? With a woman?" Nakapamulsang tanong ko sa apat.

Nakita ko ang babaeng naka piring ang mata habang nakasalampak sa marmol na sahig katabi ng couch na ngayon ay prenteng inuupuan ni Ran habang ang paanan ay nakapatong sa likod ng babae.

Si Sebastian naman ay papalabas sa kusina habang hawak hawak ang bote ng Antonov. Nakangiti 'yon habang nakataas ang bote at hawak ang isang baso sa kabilang kamay.

"Pinadala ni Lucas, kasama 'yong ilan n'yang tauhan." Si Baron habang ipinapaikot ang swiss knife na nasa kamay.

"Gusto mo Trev?" Alok ni Sebastian sa akin ng alak pero hindi ko 'yon pinansin.

Tinitigan ko ang babaeng nakasalampak sa sahig. Naka black fatigue pants s'ya at boots habang ang pang itaas naman ay white t-shirt na hapit sa kaniya.

Naka posas s'ya at nakatali ang paa. Nakapiring at may tape ang bibig.

Bakit hindi na lang nila 'to tinuluyan at dinala pa nila rito?

"Anong gagawin mo sa kanya?" Rinig kong tanong ni Green. "Bakit nyo pa ba dinala 'yan dito?"

"Trev can use her. Malamang importante 'yan kay Lucas. Baka babae n'ya 'yan." Umupo si Sebastian sa katapat na couch.

"No." Napatitig ako sa babaeng tahimik lang na nakikinig.

If she is someone who is important to Lucas. Bakit s'ya ipapadala nito rito? Is he trying to get me using this woman?

"She was with some men at ilan sa mga tauhan natin ang naitumba n'ya, she's well trained Trev. Maybe she just failed to finish us." Sambit naman ni Ran habang marahan na tinatapik ang likod nito gamit ang kan'yang paanan.

Nangunot ang noo ko.

Marahan akong lumuhod para pumantay sa babae at marahas kong tinanggal ang tape sa bibig n'ya habang nanatiling nakapiring. Habol hininga s'ya.

"Bakit hindi mo tanggalin ang piring ko, Mr. Trev?" Sarkastikong usal niya habang nakangisi.

Cool. She still has the courage.

"Why would I? You came here just to see me?" Mahina akong natawa.

"Did you check her? Baka may recording device or tracker yan." Tanong ni Sebastian sa tatlo.

"Yes. Gusto mo bang hubaran ko pa s'ya para sigurado ka?" Natatawang sagot naman ni Ran.

"Who are you?" Asking her name.

"I refuse to answer Mr. Trev." Natatawa siya. "Interested in me?"

Nakatingin lang sa akin ang lima. Nag aabang ng susunod kong gagawin.

Alam kong hindi ako kilala ng kung sino mang nagpadala sa kanya. Hindi ako kilala ng Lucas bilang Trevor. I know he will never know.

Alam ko ri na plano n'ya 'to para mapalapit sa akin at kalaunan ay malaman ang katauhan ko. Hindi n'ya alam na masyado s'yang mabilis basahin.

Tumayo ako at namulsa. Nakayuko sa babae. I know her. Madalas s'yang pumupunta sa opisina ni Lucas para kausapin ito, malapit sila sa isa't isa pero sa ginawa nito ngayon sigurado akong wala talagang pakialam sa kan'ya si Lucas mula umpisa.

Kilala ni Lucas si Trevor bilang killer at ang tanging alam lang ay mag-waldas ng pera sa sugal at sa mga personal na ninanais.

I chuckled. He never knew who's Trevor and what he's capable of doing. But I guess that's enough, I don't care that much about him. Isa lang naman s'yang lamok kung tutuusin. Sayang ang oras kung bibigyan ko pa s'ya ng pansin.

Tumawag ako ng ilang tauhan. "Bring her to that room." Utos ko na dali naman nilang sinunod.

"What? Are you going to keep her?" 'Di makapaniwalang sabi ni Sebastian.

Hindi ko s'ya pinansin. Umakyat ako sa opisina ko at iniwan sila sa lobby. Malay ko ba kung ano ang pag usapan nila.

Pag akyat ay agad kong tinawag si Trina ang secretary ko para ipaayos ang ilang schedule para sana ngayong linggo.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang matangkad na babae. Ngumiti 'yon sa akin.

"Yes, Trev?"

Iniabot ko sa kanya ang iilan sa mga papel.

"Finish that. May aasikasuhin ako this week. Cancel all the meetings." Tumango lang ito bago ko talikuran.

"Ah, Trev?"

"Yes?"

"Sino 'yong babaeng dinala roon?" Nangunot ang noo ko. Did she saw them? "I mean yung babae kanina sa lobby."

"I don't know. A captive." Saka umalis.

Captivating the KingpinWhere stories live. Discover now