Chapter 5

6 3 0
                                    

Betrayal.

Ang lalaking ito ang PUMATAY SA MGA MAGULANG KO?

Bahagya akong natawa. I can't imagine. Totoong nakapanloloko ang mukha.

Ang inaasahan ko ay matanda at pangit na Trevor? Bakit ganito ang nasa harapan ko?

Sayang lang at mababawasan ang ganyang mukha dahil hindi ako papayag na makalabas dito nang hindi sya napaparusahan.

I wanna know where's my parents! Bakit nila kinuha! Hindi ako aalis dito nang hindi nalalaman ang totoo.

"May utang ba sa akin ang kung sinong nagpadala sayo rito?" Nakadekwatro nyang tanong.

Masama ang tingin ko sa kanya. Iniimagine ko na kasi kung paano sya laslasin sa leeg. Sa totoo nyan ay patay na sya sa isip ko. Buti na lang at may reference na ang target ko.

I chuckled. "Utang? Hindi mo nga kilala kung sino ang nagpadala sa akin dito?" Seryoso ang titig ko sa kanya. "Imposibleng magkautang ang taong yon." Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko.

"Oh, so bakit ka nandito? I heard from Ran na gusto mo akong makita? Why?" Tumingin sya sa akin ng nakakaloko. "Are you fantasizing me?"

Napairap ako dahil sa kapal ng mukha nya.

"Hindi ako interesado sayo. Masyadong makapal yang mukha mo. Hindi nakapagtatakang kaibigan mo yung Ran." Pag sisinungaling ko. Hindi naman ako interesado sa kanya dahil gwapo sya. Interesado ako sa kanya dahil may kasalanan sya. That's it!

"Hindi ka interesado? Pero halos maglaway ka sa akin kanina? Hindi ba interesado ang tawag mo ron?" He smirked.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa labis na pagtitimpi. Ang kapal ng mukha nya.

Gaya ng kanina ay amoy na amoy ko ang mint na may halong alak ang paghinga nya.

"I'll ask you once again kung sino ang nagpadala sayo rito at hahayaan kitang makaalis pero," Inilapit nya lalo ang kanyang mukha na halos magdikit na ang ilong namin. Habang ang mga mata namin ay matalim na nakatitig sa isa't isa. "Kapag hindi mo sinabi. You will stay here forever." Ngumiti sya. "With me."

With him?!

"So, who do you work for?" He asked me again.

Kung makakalabas ako, hindi ko alam kung saan ang eksaktong lugar na to hindi ko masasabi kay Lucas. At kung sasabihin ko na si Lucas ang nagpadala sa akin ay baka ipahanap nila ito at ipapatay gaya ng mga magulang ko. Para saan pa at nasa labas ako kung mamamatay ang kaisa isang tao na may alam ng pagkatao ko?

Kung hindi ko sasabihin ay mananatili akong nandito pero sigurado ako na makakalabas ako dahil maghahanap ako ng paraan para makatakas dito.

Ngumisi ako na tila walang pakialam sa kanyang sinabi. Kung gusto mong makipaglaro sa akin ay pagbibigyan kita.

Nakatitig lang sya na tila inip na inip sa paghihintay ng isasagot ko.

Matamis akong ngumiti saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong na syang ikinagulat nya dahil nanlaki ang kanya mga mata.

"I refuse to answer your question." Pinalambing ko pa talaga ang boses ko para mas ramdam nyang wala akong pakialam kung mamatay ako rito. "So, let me stay here with you." Matamis ang ngiti ko habang sinasabi yon. "forever."

















Kumakain ako ngayon habang pinanonood ako ng lalaking nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa kanya mas pinangungunahan ako ng gutom.

Kinalas nya ang tali ng kamay ko kaya laking tuwa ko kanina pero ganon na lang ang pagkaasar ko ng palitan iyon ng posas.

Captivating the KingpinWhere stories live. Discover now