Toasted

67 13 1
                                    

Detective Raj pulled and unzipped the cadaver pouch. Smoke from the inside secretes out of the HRP and hurts his eyes. He stepped a few paces back and coughed. He looked up, trying to avoid the tears from dropping. He closed his eyes and slowly opened it again. The tears welled up in his eyes.

He sighed and shut his eyes again.

Raj wiped his tears using the hymn of his dress shirt. After a few seconds, he looked at the charred corpse inside the cadaver pouch. The charred corpse was still secreting a smoke and a toasted meat scent.

He irritatedly looked at his colleagues who were silently looking at him. "Can someone explain to me why you put the body inside the cadaver when, obviously, it was still in conflagration?" he asked in agitation. He brushed his hair. "Hindi ba kayo nag-iisip?" dagdag nito bago tuluyang buksan ang HRP upang palamigin ang katawan.

Celeste coughed. "I'm sorry, Detective Raj. We just happen to be in a hurry. The family of the victim wanted to know what happened to the victim and kept on bugging us so to avoid conflicts we…"

Raj snorted. "Hurry?" natatawa nitong tanong. "Kaya ang ginawa niyo, hinayaan niyo ang bangkay sa loob ng human remains pouch kahit na lumalagablab pa sa init ang lamang-loob nito? If that's the case, isn't it better to just leave the body in the fire? Makakatipid pa sa gastos ang pamilya ng biktima para sa cremation. And you really think that the forensic doctor would examine the body when it is still this hot? Nag-iisip pa ba kayo?”

Napasinghap si Celeste sa narinig. She wasn’t feeling good about the case. Lumingon siya sa likod kung saan nakaupo ang pamilya ng biktima. Nararamdaman niya mula pa kanina na may nagmamasid sa kanila.

Hindi mawari ni Celeste kung anong klase ng tingin ang iginawad sa kanila ng pamilya ng biktima. Hindi niya rin mawari kung sino nga ba ang babaeng nasa likod lamang ng mga ito.

Ito yata ang sinasabi nilang nobya ng biktima, turan ni Celeste sa sarili.

Nakaputing daster ang babae. Ang kulot nitong buhok ay buhaghag, nagka-buhol-buhol at hindi nakatali nang maayos. Nanlilisik ang mga mata nito na animoy balak nitong patayin ang mga kasamahan ni Celeste. Humahangos ang babae sa galit.

Napalunok si Celeste.

She had seen those kinds of eyes before — the ones that were owned by the most wanted serial killers in the country.

Celeste closed his eyes and grabbed Detective Raj's hand. Hindi niya masikmurang makipagtitigan sa nobya ng namatay. "Naririnig ka ng pamilya ng biktima, detective. Stop spitting out such harsh words and be sensitive enough to know the boundaries." Nang matapos niya itong sabihin sa detective ay lumingon ulit siya sa kinaroroonan ng pamilya ng biktima.

She looked around again, however, the woman was nowhere to be seen.

Napagtanto ni Celeste na wala na ang babae, subalit hindi maalis sa kanya ang kanyang kaba. Imbes na humupa ang takot ay mas lalo itong namayagpag.

Napalingon-lingon siya sa kanyang likuran at sa dakong bahagi ng gusali ngunit wala roon ang babae.

Alam ni Celeste na imposibleng mawala agad ito sa iilan lamang na segundo na hindi niya ito namataan. Muli ay inilibot niya ang kanyang paningin sa dakong bahagi ng kabuuan ng lugar: sa madilim na sulok, sa bahagi ng lugar kung saan natagpuan ng kapulisan ang umaapoy na bangkay ng biktima, sa likod ng kumpol ng tao na nang-uusisa ukol sa krimen, at muli ay ibinalik ang paningin kung saan niya ito unang nakita.

Nasaan na ang babae?

Napalunok si Celeste. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niya ang babae na nakatingin at pawang may binabalak itong masama laban sa kanila. Ang paningin nito ay pawang may bahid ng pagbabanta. Nananangis sa galit ang singkit nitong mata. Galit na galit. Gigil na gigil. Parang papatay.

Surging Of Affliction (WWS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon