23

10.3K 504 60
                                    

[Aqua]

I have a serious look on my face while looking at the mirror. Katatapos ko lang ayusin ang sarili ko, suot-suot ang puting polo ko na gustong-gusto ko ng palitan dahil lalo itong sumisikip sa bandang dibdib.

I glanced at the small bottle with sea water inside on the top of the table. Kinuha ko ito at inilagay ko sa bulsa ng skirt ko bago lumabas ng kwarto sa guild. Now is not the time to worry about the rent.

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga salitang binitawan kanina ng kausap ko sa telepono. Kapag naalala ko 'yon ay nagtataasan pa rin ang mga balahibo ko sa katawan.

Code Red.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. This is the first time I've experienced code Red. Ang balita ko ay isang beses pa lamang ito nangyari mula nang itayo ang mga paaralan.

The first one was a tragedy. It was the time that Lunar Academy was attacked. Nabalitaan ko lang ito dahil hindi pa 'ko nag-aaral dito sa Nocturne. 

But I heard that none of the students got hurt... after all, before the guilds were sent to give help, Principal Helena had already killed every each one of the intruders. And there are thousands of them.

Isinasagawa lang ang code Red kung mapapahamak ang buong paaralan. Pero ngayon... lahat kami ay sinabihan ng code Red.

Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko. Keon is not here... Zail is not here... ako ang sumunod sa kanilang dalawa na may awtoridad dito sa guild. Hindi pa 'ko pwedeng umalis... hangga't hindi ko pa nasasabihan ang mga myembro rito na nasa misyon pa.

"Aqua!"

Napatingin ako sa pwesto ni Rivan nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok niya lang sa guild matapos ko siyang utusan.

"Tapos ka na?" maawtoridad na tanong ko.

He nodded. "Nasabahihan ko na ang mga guild, just like what you've instructed, ang mga aalis sana para sa misyon ngayon ay hindi tumuloy. Nagsimula na rin silang magtipon-tipon."

Nabawasan ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Rivan. I'm sure that the other guilds also received that call, pero kailangan kong makasigurado na natanggap nga nila. Lalo na ang S class guild na Avelites. I heard that Kyera is on a mission right now... and they don't have their guild master with them too.

Kailangan munang sama-sama ang mga myembro ng mga guilds hanggang may dumating na opisyales para sabihin ang nangyayari at ang mga dapat naming gawin. Our guild is also counted of coursebut I'm not included.

I'm being summoned not as member of the Deities... but as a part of the Generation of the Prodigies.

Pero hindi ko muna pwedeng iwan nang ganito ang guild namin lalo na't kahit ang crowns ay wala. Walang mag-hahandle ng guild.

"Good, you finished your first task. Now go and do the other one." Naglakad ako papunta sa pintuan ng guild at nilagpasan si Rivan.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya at para siyang nakakita ng multo dahil sa sinabi ko.

"H-Ha? B-Bakit ko pa ba kailangang gawin 'yon- bakit ako?" He looks like he's about to cry.

I heaved a sigh. "Because you're the only one who can do it."

"I-I know I'm not the only the one!" Napaluhod sa likuran ko si Rivan dahilan ng paghinto ko sa paglakad at paglingon ko sa kaniya. "H-Huhu please, please! 'Wag ako! Ibang tao na lang!"

"I told you, ikaw lang ang kayang gumawa n'on! Nagawa mo na 'yon noon, kaya mo ulit gawin 'yon ngayon!"

Hindi maipinta ang mukha niya nang makita niya ang ekspresyon ko. Alam niyang hindi na siya mananalo pa sa usapan.

"B-B-But is that necessary?! I-I-It's not! Hindi na-"

"Shut up." Hinagis ko sa kaniya ang maliit na bote na may laman na tubig dagat. "If you finish your task, shake that. It will lead you directly to meto us."

Nakaluhod na lumapit sa akin si Rivan at naluluha na ang mga mata. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko siya, bago maglakad papalapit sa pintuan.

This is a special mission, perfect for him. And I know that he can do this perfectly. He doesn't need to worry for his safety.

"P-P-Please, please, magbabayad na 'ko ng renta ko at hindi mo na 'ko makikita na tumatambay sa guild!" Niyakap niya ang binti ko na agad kong ginalaw. "P-Please!"

"Stop it! You're acting like a-"

I was just about to open the door when it opened by itself. Both Rivan and I, gasped when we saw the person who opened it.

Sinalubong kaagad kami ng pulang-pula niyang buhok na kumikislap sa ilalim ng araw. Namilog ang mga mata ko nang makita ko siya ng hindi inaasahan.

"X-Xilah?!"

"M-Miss Xilah?!"

Pareho kami ng reaksyon ni Rivan. Xilah smirked before entering our guild.

"Looks like you're playing." She chuckled.

Mabilis na umalis sa pagkakahawak sa binti ko si Rivan at lumapit siya kay Xilah para humingi ng tulong.

"M-Miss Xilah, please talk to Aqua! She's making me-"

"Making you do that, right?" pagputol ni Xilah kay Rivan na para bang alam na niya ang sasabihin nito.

Napaawang ang bibig ng kasama ko at natigilan. Nginitian lang siya ng taong hinihingan niya ng tulong.

"You can do that, I'm counting on you!"

Rivan lost all of his hope. He's stopping himself from crying, while pouting. Ang kulang na lang ay suntukin niya ang hangin.

"What are you doing here?" kunot noong tanong ko. "I thought that you're in a meeting."

Prenteng umupo si Xilah sa isa sa mga upuan. "Aren't you glad that I'm here?" She smirked. Then in a snap, her expression changed.

"Nakuha mo na ang balita, hindi ba?"

Sa kabila ng pagiging bakante at walang katao-tao sa guild, nanikip bigla ang paligid at nagkaroon ng tensyon. Nagbago rin ang ekspresyon ko.

"Yeah... is that why you're here?"

Bumaba ang tingin ng kausap ko at nagkrus ang mga binti niya. "Well... kinda. Where are your juniors?"

Kumunot ang noo ko nang makuha niya ang atensyon ko. "They are on a mission, they are probably on their way back now-"

"'Wag mo silang pabalikin. May paraan ka ba para ma-contact sila?"

Mas lalong kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata. "Why? I thought that they should go back ASAP. Bakit-"

"They have a missionan important one."

Tumalim ang tingin ko kay Xilah, sa kabila ng pagitan ng awtoridad at posisyon namin. Walang takot akong tinignan siya. 

"Then give it to me."

"No, you can't-"

"Xilah... you know that I don't like these kinds of missions. It's an S mission. GIVE. IT. TO ME."

Seryosong umangat ang tingin niya sa akin. Sa kabilang banda, alam kong nakatunganga at nakaawang ang bibig ni Rivan habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

"Ano? Binebaby mo pa rin ba sila? They are already seniors for pete's sake. If they take the exam for masters, they will be in the same position as you."

"That's right. NOW, they're still not in the same position as me. You can't give them an S mission."

Napatayo si Xilah sa pagkakaupo, at magkaharap na kami ngayon. The tension and pressure between us kept getting heavy and heavier.

"What? Don't you trust your brats? Well I do..."

"You can't just-"

"Aqua," may tono ang pagbanggit niya ng pangalan ko. "We're going in a war soon... and this mission has a huge part on it."

"If they can't successfully finish this... then they won't survive the upcoming war."

CHAPTER 23
A mission for the new generation

Against the God: End of the Gifteds (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon