[Cleofa]
Kusa akong napalingon sa bintana nang biglang nagbago ang pakiramdam ko. I suddenly felt the chills for no reason...
Naramdaman ko ang mainit na palad ng lalaking katabi ko sa kamay ko nang marahan niya 'kong hinawakan.
"May problema?" tanong ni Helix.
Napunta ang tingin ko sa kaniya. "A-Ah, wala."
He smiled. "I'm sure you're tired. Uuwi na tayo." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
I smiled back. Nakasakay kami ngayon sa kalesa sa gitna ng gubat. We've just finished our 8 days long mission and we're all tired. Pero malayo-layo pa kami sa Academy at kung kalesa lang ang sasakyan namin ay baka abutin kami ng isang araw para makabalik.
I heaved a sigh. I guess I'm really just tired... that is why I'm uneasy.
"Kung hindi kasi dahil sa isa riyan, maaga tayong makakauwi," pagpaparinig ng babaeng kasama namin. Nakasimangot si Risca at pasimpleng sumulyap sa katabi ko.
Helix' forehead furrowed. "Hoy, babaeng tubig, ako ba ang pinariringgan mo?"
Tumaas ang kanang kilay ni Risca. "Oh, natamaan ka? Wala naman akong binabanggit na pangalan, ah?"
"Aba-"
Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapanood silang magtalo. Hindi lang ako, kung hindi rin ang lalaking kaharap ko na katabi ni Risca, si Alvis.
Pareho kaming walang energy para sawayin sila at pagsabihan, we're both tired after all. All of us are, pero mukhang may energy pa silang natitirang dalawa.
I can't blame Risca tho, it's Helix fault to begin with. 5 araw lang dapat ang misyon namin, pero dahil sume-segway si Helix sa misyon ay nadagdagan kami ng tatlong araw... well, kasama rin ako sa pag-segway.
"Eh kasi naman, 'yong utak mo nasunog na rin!" Pinandilatan ng mata ni Risca si Helix.
Hindi rin nagpatalo ang kasama ko at akmang itataas ang gitnang daliri nang mabilis ko siyang sinaway.
"Eh ikaw, 'yong utak mo nalusaw na!"
"What did you just said you assh!?-"
Patayo na dapat si Risca sa pagkauupo nang mawalan siya ng balanse dahil sa biglaang pagtigil ng kalesa. Mabilis na nakuha nito ang mga atensyon namin.
"Hinto muna tayo," sambit ng kutseryo sa harapan. "May ilog malapit dito, paiinumin ko lang ang kabayo ko. Magbasa na rin kayo ng mga mukha nang mahimasmasan kayo."
Natigil sa pagtalo ang dalawa nang pareho silang matauhan. Napaismid si Risca at inirapan si Helix habang pang-amba ang ginawa ng kasama ko.
"When will you grow up?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
Helix pouted, followed by a smirk. "Why? Do you already want to make a family with me?"
Napaismid ako at tinagiliran siya nang makaramdam ng pamumula sa pisngi. This jerk really knows how to use his words.
"Tara na," pag-aya ni Alvis na naunang bumaba.
Sumunod sa kaniya si Helix na malapit din sa bungad na sinundan ko. I was greeted by the sunlight and the wind as soon as I stepped closer to the door. Sinundan ito ng dalawang kamay na nakalahad sa akin.
Nagkatinginan si Helix at Alvis nang pareho nilang nilahad ang mga kamay nila para tulungan akong makababa. Bumalik ang pagkakunot na noo ni Helix at ang masama niyang tingin.
"The fuck?" He looked at Alvis as if he's judging his whole existence.
"Why?"
"What 'why'? Hands off."
BINABASA MO ANG
Against the God: End of the Gifteds (HIATUS)
FantasíaGIFTED SERIES #5 Everything has come to an end. To the book, 'The Gifteds', where it all started. It's now against them and to the one who gave them gifts. It's the end of the Gifteds. Genre: Fantasy Language: Filipino / English Started: March 02...