Chapter 3

20 1 0
                                    

NAKAPALUMBABA ako sa aking upuan at nakatingin lang sa labas. Nilalaro Ng aking kamay Ang cellphone na hawak ko. Napaka boring Ngayong araw dahil Wala pa din hanggang ngayon yong teacher namin sa PR.

She's supposed to be here right now Kasi Sabi nya may quiz daw.

Habang nililibang Ang sarili may umupo sa aking tabi. Walang iba kundi si Lina. Bakit toh nandito eh nasa kabilang building Ang classroom nila.

"Anong ginagawa mo Dito Lina? Diba nasa kabilang building classroom Nyo?"

"Eh boring don eh saka puro kalokohan lang mga pinanggagawa sa buhay. Buti pa Dito sa inyo may sense pa." Wow coming from her na walang sense sa pag aaral kundi tulog at kopya lang sa akin. Pero okay lang atlis totoong kaibigan Sya.

Bumuntong hininga nalang ako saka tinignan Ang wrist watch. Tapos na Ang time ni ma'am at oras na Ng break time.

"Tara Kain nalang Tayo. Libre mo?"

"Ano?! Ikaw nag Aya tapos ako manlilibre grabehan Naman teh!" Tinawanan ko Sya saka hinila palabas ng classroom. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay nag kukwentuhan kaming dalawa na puro kalokohan.

Tawa kami ng tawa sa puro nonsense na pinag uusapan naming dalawa. Hindi ko namalayan na may nakabungguan akong tao.

Muntikan na ako maout of balance buti may sumalong bisig sa akin. Napasinghap ako Ng hilahin nya ako patayo Ng maayos.

Napaharap ako sa kanya at napahawak sa braso nya..napakurap ako saglit saka ngumiti Ng tipid sa kanya.

"Mister sungit."

"Miss clumsy."

Nagkatitigan kaming dalawa at Hindi Ako makapaniwala na nandito Sya sa harap ko. Ang tagal ko din syang Hindi nakita. Sabi Kasi noon Ng mga kaklase ko na lumipat daw Sya ng Ibang school.

Nakakagulat bigla na malamang lumipat Sya bigla ng Ibang school nong junior high kami.

"Wow..magkakilala pala kayong dalawa?" Napatingin ako Kay Lina. Naitulak ko Sya bigla saka hinila si Lina papasok sa loob ng cafeteria. Tumingin ako sa likod at nandon lang Sya nakatayo at nakatingin sa akin.

Umiwas ako Ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

Kumakain kami ni Lina at pansin ko talaga na pinipigilan nya Ang sarili na Hindi magtanong. Bumuntong hininga ako saka nagsalita.

"Just ask me directly Lina alam Kong kating kati kana mag tanong sa akin."

"Girl! That guy kilala mo?" Tumango ako sa kanya. habang kumakain ay nakatingin lang ako sa kanya. Inaantay Ang sunod sunod nya pang tanong.." goodness girl! Yong tatahitahimik na lalaking yon kilala mo pala. Ni Hindi ko nga makausap yon Ng maayos Kasi magkatabi sa upuan."

Well tahimik Naman talaga yon at Hindi ko nga din ineexpect na bumalik na pala sya Dito sa pilipinas eh.

Galing kasi yang states ay doon nag aral Ng dalawang taon. Doon sa america nya tinapos yong Junior high. Kaya nakakagulat na nakabalik na Sya at Dito Sya nag aral Ng senior high.

Akala ko nga noon Hindi na yan babalik eh. Sya lang din Kasi Ang kasama ko minsan noon nong grade 8. Si Lina sa Ibang section na Sya noon nong grade 8. Minalas na Hindi ko man lang Sya naging kaklase hayyst.

" Infairness ah Ang gwapo nya pala kapag nag sasalita." Muntikan ko na mailabas Ang kinakain ko sa bibig at napainom Ng tubig.

Itong si Lina napaghahalataan na may pagtingin don sa lalaking yon. Kong sabagay sino ba namang Hindi magagwapuhan sa Isang Montemayor na si Luca Bardo.

Ang Montemayor na company ay kilala na Isa sa mayayamang kompanya. Malalaking kompanya din Ang hawak nito. Kaya nagtataka ako noon nong grade 7 kami nag tritricycle Sya.

Sa Isang mayamang katulad nya Hindi dapat Sya nag tritricycle.

"Aminin mo nga sa akin Lina may gusto ka ba kay Luca?" Nabulunan ito bigla kaya nataranta ako saka binigyan Sya ng tubig.

Napainom ito sa tubig na binigay ko saka umubo ubo Sya.." wag ka ngang magsalita Ng Ganyan Acelyn. Yon? Magugustuhan ko? Never! Over my rich damn hot body!"

Tinawanan ko Sya at napailing. Napakadepensa sarili eh. Tinatanong ko lang naman. Napaghahalataan Sya.

Napatakip ako bigla ng Tenga Ng may nagsisitili. Hindi ko na titignan pa Kong sino Ang kanilang pinagtitilian. dahil yang Ultimo nilang crush nandiyan na at papasok Dito sa loob ng cafeteria.

Makukuha kaagad atensyon Ng lahat dahil nakabalandra Ang kanyang gwapong mukha. Nakangiti pa Sya habang kausap Ang mga kateam nya.

"Ayan na yong crush mo girl." Pinandilatan ko ng mata si Lina at kinurot sya sa kamay. Ngumisi ngisi lang Ang Loka. Lola nyo may topak na naman mang asar.

Hindi ko nalang sya tinitigan dahil alam Kong hindi nya Naman Ako mapapansin. Laging nasa malayo lang ako para titigan Sya.

Kong lalapitan ko man Sya para kausapin ito. Baka mapahiya lang ako. Hindi ko gugustuhin na mag karoon Ng kaaway. Dahil lang sa nilapitan ko Ang Heartthrob and campus crush Nila.

••••••••••••••••••••••••••••••
M I D D L E K N I G H T

The Girl in Eyeglass                                  (ON GOING)Where stories live. Discover now