Hila hila ako ni Lina habang papunta sa gym. Dahil may practice daw na magaganap. Uwian na din naman Kasi at saktong oras Ng practice Nila Daron kasama Ang mga kateam mate nya.
Muntikan ko pang mabitawan Ang bag ko dahil sa Sobrang bilis maglakad ni Lina habang hila hila ako.
Excited pa ata Sya sa mga fans Nila Daron eh. Practice palang yon ah Hindi pa laban.
Nasa labas palang kami ng gym napaka ingay na. Tipong parang may laban na Hindi mo malaman.
"Holy shit baka maagawan Tayo Ng upuan!" Sabay hila na naman sa akin at nakipag siksikan sa mga istudyante na naghuhurumentado.
Napatakip ako Ng kabilang Tenga dahil sa Sobrang Ingay at tumitili Ng Sobrang na Animoy matatanggal na Ang lalamunan.
"Go Eagle Team!"
"Yuhooo I love youu Daronn!!!!!"
"Anakan mo ko Soriano!!!!"
"Bindo asawahin na Kita kyahh!!"
Nabaling Ang aking atensyon sa kateam ni Daron na nag uusap usap Ang mga ito. Mukhang seryuso Ang kanilang pinag uusapan.
Napasinghap ako Ng bigla akong hinila ni Lina at pinaupo. Tumingin ako sa paligid at nasa dulo kami. Kita sa baba na naghihiyawan at kinikilig Ang mga babae.
Gusto atang sumungkit Ng gwapo sa kateam ni Daron. Kong sabagay Hindi Naman natin masisisi Ang mga lalaking kasama ni Daron na ubod Ng kagwapuhan...except him na sa kanya lang ako naaattract Ng sobra.
Todo hiyawan Ang mga tao sa buong gym na akala mo talaga nasa laban. Maya Maya lamang ay nag umpisa na Ang practice. Hindi mo talaga aakalain na nasa practice lang Ang laro at Wala pa sa laban.
Gusto ko din sana mag cheer kaso nakakahiya at ayoko makipag sigawan sa ibang tao na nanunuod. Ngumingiti nalang ako kapag sunod sunod na shoot ang nagagawa ni Daron. Mukhang work out na work out ang gago.
"yUHO--"napatakip ako ng bibig ng sumigaw ako bigla ng shumoot sa malayo si Daron at 3 points ang dagdag puntos. Madaming napatingin sa akin na kinahiya ko. My god kainin nalang sana ako ng lupa. Pati si Lina nagulat sa pagsigaw ko. Nakakahiya lalo!
Pinipigilan ko nalang sumigaw halos ngumingiti nalang ako. Goodness kapag sumigaw pa kasi baka pati naglalaro mapatingin sa akin sa sobrang panget ng boses ko sumigaw.
Napatingin ako bigla sa aking Cellphone ng tumunog iyon. Kinuha ko kaagad iyon at sinagot. Hindi ko na natignan kong sino ang tumatawag kasi nakafucos ang mata ko sa laro.
"My god Acey! Where the heck are you?!" nailayo ko bigla ang aking cellphone sa tenga dahil sa boses na sigaw ni mama. Mukha itong galit at mararamdaman mo talaga.
"I'm in the gym mo--"
"what?! What are you doing there?! for god sake Acey it's 6 o'clock in the evening!" hala? alasais na?! NApatingin ako sa orasan na nasa pulsuhan. nanlalaki ang mata na napatayo ako at sinukbit ang bag.
"Lina.."Tinignan ko si Lina na todo magsigaw sa naglalaro. I guess kailangan ko ng umuwi na dahil papagalitan ako lalo ni mama. Imemessage ko nalang siguro si Lina pagkauwi ko.
Dali Dali akong umalis ng gym at tumakbo palabas ng school. May napadaan na tricycle na pinara ko kaagad pero may sumulpot na kotse sa harap ko. Nagtataka na tinignan ko ang kotse dahil baka nagpaparking lang ito or huminto.
Pero ang mas kinagulat ko ng may bumaba na driver at bumukas ang bintana sa backseat. Nagulat ako dahil si Lua ang nasa likod. Nakatingin lamang sa akin na parang hangin. Bored kong tumingin.
Pinagbuksan ako ng driver na hindi ko ginalawan kaagad. dahil labis ako nagtataka.."Sasakay ka ba o hindi? o baka sa labas ka ng bahay nyo matutulog." Hindi pa ako nakakasagot ng pinapasok na ako kaagad ng driver at sinara ang pintuan. Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinauupuan. Seryuso ba toh? May pakotse kotse na ang loko samantalang noon nagtitricycle lang.

YOU ARE READING
The Girl in Eyeglass (ON GOING)
RomanceDaron Zeke Emperial is known a famous varsity captain sa University High lahat ng gusto nya nakukuha nya. Attention, babae napapasunod lahat ng utos. Pero kahit lahat yon ay nakukuha nya may Isang bagay Sya na Hinding Hindi nya makuha. Napakataas at...