Chapter 4

16 1 0
                                    

Nakatambay ako sa Isang rooftop na Hindi alam Ng mga istudyante at Ako lang Ang nakakaalam. Ang rooftop Kong saan Kita Ang buong paaralan.i never thought this place could be this beautiful. May mga istudyante na naglalaro sa field. May iba na nakatambay lang. Oras Kasi Ng break time kaya may nagkakalat na mga istudyante sa paligid.

Napatingin ako sa baba Kong saan lumabas sa Isang building sila Daron at Ang iba pa nyang kasamahan sa basketball. Kita sa mukha Nila na Ang pawis at mukhang kagagaling lang Nila sa gym. May practice ata sila at napaaga.

Balita ko ay may laro sila next week kalaban Ang kabilang university. Mukhang inaagahan na nila mag practice para sa laban.

Mapait akong napangiti Ng makitang nilapitan nya Ang Isang babae na alam Kong gusto nya. Matagal na syang may gusto sa babaeng yon. Bali balita Naman Kasi sa buong university. Sa ganda at bait ba Naman nya sino Ang Hindi magkakagusto sa Isang Layla Gregoryo.

Mga tingin nya Kay Layla na Hindi mo makikita dahil Hindi Naman si Layla Ang kaharap nya. Kapag si Layla talaga ang nasa harap nito nag iiba Ang kanyang titig.

I wish I could see that too. Yong tingin na may pag aalaga at pagmamahal na pinapakita mo talaga sa kanya na gusto mo Ang Isang tao.

Ang hirap Naman Kasi makuha yon. Lalo na sa Isang katulad ko na nobody at walang papansin na kahit sino. Lalo na si Daron.

Sana ako nalang si Layla noh? Atlis ako makikita ko pa Kong paano Sya tumingin sa Isang babae na kanyang napupusuan. Pero hanggang imagine at pangarap ko nalang talaga na Hindi naman mangyayari.

Hmm Hindi pa Naman sila Diba? Should I try to confess my feelings for him? Baka pagtawanan lang ako ng Ibang tao kapag ginawa ko yon. Saka Hindi Naman nya Ako kilala baka isipin nya one of his fan na may nagkakagusto lang tapos umamin sa madaming tao.

Ipapahiya ko lang talaga Ang sarili ko sa Isang tao na Hindi naman Ako kayang pansinin.

Akmang Ibabaling ko Ang tingin sa Ibang direksyon Ng mapansin kong nakatingin Sya sa akin. Nanlalaki Ang matang nakatingin din ako sa kanya at Hindi makagalaw.

Pero bigla nyang iniwas Ang tingin sa akin at tinitigan si Layla. Bagsak Ang balikat ko at umasa na naman na baka napansin nya ako. Baka siguro tumitingin lang Sya sa paligid at natapunan nya Ng tingin Ang pwesto ko pero Hindi Naman matagal.

Asa pa self asa pa. Sinasaktan mo lang Ang sarili mo. Tinignan ko Ang wrist watch at malapit Ng matapos Ang break time.

" I should go back now. Baka malate pa ako sa susunod na subject." Tumalikod ako saka eksperto na binaba Ang rooftop saka lumabas Ng building.

Tumingin ako sa paligid saglit at umaktong napadaan sa lumang building. Yes lumang building itong tinambayan ko. Hindi pa Naman Sya ganun kaluma saka mukhang irerenovate ata Ang building na ito.

Sana lang lagyan Nila pa din Ng rooftop. Yon Kasi Ang tambayan ko. Masarap tumambay sa malakas na hangin at Hindi pa ganun kainit.

Pagdating ko sa classroom ay Wala pa masyadong istudyante. Mukhang nasa labas pa Ang mga kaklase ko.

Sana pala tumambay pa ako Ng ilang minuto doon sa rooftop. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang Nakapalumbaba sa palad ko na nakatukod sa lamesa.

"Diba dapat nasa labas ka pa? Ang aga mo naman atang bumalik Dito sa classroom."

"Ay gwapong palaka!" Napatakip ako bigla sa bibig at napatingin sa mga kaklase ko na nakakunot Ang nuo habang nakatingin sa akin.

Tinignan ko Ang kumausap sa akin. Jusko Naman po nakakagulat Naman tong si Luca. Hindi ba Sya marunong kumalabit at wag Sya manggulat. Aatakihin ako sa puso Ng maaga dahil sa kanya eh.

Hinila ko Sya paupo sa tabi ko saka hinampas." Wag mo nga ako gulatin Ng ganun Luca aatakihin ako Sayo Ng maaga eh!"

Natawa Sya saglit saka sumandal sa likod ng upuan. Nakatingin lang ako sa kanya. Hinala marunong na syang tumawa. Dati nong junior high kami di yan nangiti o kahit man lang slight na ngiti as in di nya magawa.

Ngayon umuwi lang galing state marunong na ngumiti o tumawa. Nakakamangha din Ang Isang toh.

"Oh bat ka napatitig sa akin? Gwapo ko ba?" Eh? Eh? Ehhhh? Nasapok ko Sya bigla sa ulo sa Sobrang kahanginan nya. Nagbubuhat Ng sariling upuan toh ah.

" Hindi Kita tinititigan ah tumitingin lang ako." Masyado Naman Kasi syang epal talagang nag buhat Ng sariling upuan.

"Okay Sabi mo eh." Ngumisi ngisi ito habang nakasandal sa likod ng upuan saka patingin tingin sa paligid. His really change a bit pero malaki ata Ang pinagbago nito.

Biglang tumunog Ang bell hudyat na tapos na Ang oras para sa break time at umpisa na Ng sunod na klase.

Tumayo si Luca at ginulo Ang buhok ko. I stare at him with a bored eyes and slap his hand.." stop messing with my hair Wala yang ginagawa sayo."

At Ang Loko tumawa lang saka lumabas Ng classroom. Seriously? That guy is weird sometimes. Mas gugustuhin ko pa Ang ugali nya nong first year high school kesa Ngayon na napakaweird at Hindi maisip Kong Anong nakain at Hindi na umiinit Ang kanyang ulo sa akin.

Maya Maya lamang ay nagsipasukan na Ang mga kaklase ko sa loob. Hindi ko napansin kaagad na hinatid ni Daron mismo si Layla sa classroom Namin. Madaming tumili at parang kinikilig.

Nakatitig lamang ako sa kanya at mapait na ngumiti. Nagulat Ang lahat ng hinalikan ni Daron sa nuo si Layla na kinapula Ng pisnge nito.

Pasimpleng kinurot ni Layla sa tagiliran si Daron pero Hindi nito ininda Ang sakit. Mukhang Hindi Naman malakas Ang ginawa nyang pagkurot Kay Daron.

" Nakakakilig talaga silang dalawa. Imagine nag liligawan palang yan ah pero Kong umakto parang sila na."

" Oo nga eh saka bagay silang dalawa. Ship na ship sila ng buong university."

"Sinabi mo pa. Kakainggit Naman tong si Layla eh."

"Echosera ka!"

Mapait nalang akong ngumiti saka sinubsob Ang mukha ko sa lamesa. This peace of fucking crap feelings is killing me.

Aaminin ko masakit Kasi buong school Mahal na Mahal silang dalawa at gusto Ng lahat na sila Ang magkatuluyan.

What a great day of my life. This is suck.

••••••••••••••••••••••••••••••
M I D D L E K N I G H T

The Girl in Eyeglass                                  (ON GOING)Where stories live. Discover now