EPILOGUE

6.7K 151 35
                                    

A/N: Eto na. Goodbye na talaga. Siguro tama na ang spelling ko ng epilogue XD. Salamat sa umabot hanggang dito at nagtiis sa BALIW na kwentong to. Nag-umpisa lang to sa konting idea hanggang sa umabot na hanggang dito! Salamat sa pangungulit sa update guys! First story ko tong matatapos! Hehe. Kung Sana lahat ng katanungan ko nasagot. Wala talaga akong kwentang writer ng mga endings. So goodbye na kung goodbye. THANK YOU AGAIN.

—————————————————————————————————————————————————————

It's my first time standing infront of a grave. The grave was located under a shade of an old tree inside the cemetery. Wala itong pangalan kundi mga numero lang na nakasulat, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Maaring kung sakaling hanapin ng batas ang nakalibing sa ilalim nito o dahil sa sobrang dami na ng napatay na tao nito, na hindi na magawang tanggapin ng sementeryo kapag nalaman nila kung sino ang nakalibing dito.

The sun was high. The wind was blowing my skirt and oversized hat away. I adjusted my hat para hindi ito matangay ng hangin. It was sofly caressing me, as if trying to console me. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sanay akong bawat oras may namamatay na mga taong mga malalapit sa akin o mga kaaway na hindi ko din naman kilala. Hindi ako nabibigla, hindi ako nalulungkot, wala akong paki-alam. Tapos na ang lahat pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

Mula sa simple pagnanais lang na mabuhay, makakain, magkapamilya, hanggang sa pagkabulag sa galit, sa paghihiganti, sa pagiging makasarili, napakalayo na ng na pala ng naabot ko, and I've lost so much along the way.  Gusto kong humingi ng tawad sa kanila, kung ipinanganak lang sana ako sa ibang panahon, o sa ibang klaseng mundo, hinding-hindi ko sila magagawang saktan. I'm an idiot.  Alam kong may iba pang paraan pa pero nanaig ang pagnanais kong mabuhay. Kung hindi lang sana ako tanga, walang mawawalang mga importanteng tao sa buhay ko.

"Ma'am Red. Oras na..." Mark appeared behind me. He was my escort for today sa pagdalaw ko sa sementeryo.

"Sabi ngang Red lang ang itawag mo sa akin eh. Parang di tayo magkasama sa mga misyon noon ah." Naka kunot noo akong humarap sa kanya. Napakamot na lang siya ng ulo.

" Red...kailangan na nating umalis."

I left the bouquet of flowers I was holding on the grave. See you again.

"Halika na." I motioned him at pumasok na sa loob ng kotse.

The journey was boring at nadaanan namin ang dating mansion ni Gerardo. And lugar kung saan nag-umpisang magkaleche-leche ang lahat. Ang pinagmulan ng lahat ng galit at paghihiganting nadama ko. Wala na ngayon ang organisasyon na Veleno Traditore. Matagal nang tinapos ang mga natitirang tauhan at tagasuporta ni Gerardo. Dahil hindi kaagad naayos ang mga dokumento bago siya mamatay, kay Yellow lahat napunta ang lahat ng pag-aari niya. Dahil wala namang interest siya sa lahat ng yun, Ibinenta niya lahat ng ari-arian ni Gerardo at binigay ang pera sa dating ampunan na kumupkop sa kanya noon bago pa siya napadpad sa amin ni Rene.


Nabigla din ako nang malaman ko ang tunay na kwento sa likod ng pagkupkop sa akin nila Al at Mira.

"I'm sorry Red, anak. Tinago namin sa iyo to." Mira sobbed on Alphonse's shoulders.

 

My Girl Got a Gun?! (Romance X Action X Comedy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now