May 3| 5:15pm
From Unknown Number: Hello! I hope masaya ang araw mo. May trabaho na ako, sa wakas! Ichi-chika ko sa sayo yung nangyari sa araw ko ngayon. Nakita ko yung boss namin kanina. Ang ganda niya pala. Kinikilig akoooo. Kaso parang may galit naman ata 'yon sa mundo. Hindi ngumingiti, at hindi man lang kami pinansin nong binati namin siya. Still, ang ganda nya.I had just parked the car when my phone started vibrating. Unknown number? Riel? Tss. Blocked number. Naglalakad ako patungo sa elevator ng napapailing. Papasok na sana ako ng may nagmamadaling lumabas. Napatigil ako ng may napansing bahid ng dugo sa kaliwang braso n'ya. Hindi naman malaki kaso halata kasi nakaputing damit siya.
"Putchang pagmamahal!" Umiiyak nyang saad. Oh well, hindi lahat maswerte sa pag-ibig.
Guilienne calling ...
"Hey, Rue! Hindi kita mahanap dito sa venue. Nasan ka na ba?" Nakalimutan kong ngayon yung expo."Hmm...I can't go there. Nasa condo na ako. Magpapahinga na. Hindi nakikisama yung ulo ko eh. Maghapong sumasakit." Ayaw ko lang talagang pumunta. Makikita ko pa doon yung ex ko. 'wag na. At totoo namang masakit tong ulo ko.
"What?! Kailan pa yan nagsimula?"
"Ngayong araw lang. This is normal. Buong araw akong babad sa monitor ng walang proteksyon sa mata." Wika ko nang nahihimigan ko na naman yung pag-alala sa boses niya.
"Oh no, no. Rue, may glasses ka wholeday. Don't lie to me. Ano? Schedule na kita for checkup? Kay Doc. Trisha ulit?" Baliw. Alam niya namang bawal na ako doon.
"Nah. I'll call Dr. Reyes para sa appointment." Pinal kong saad.
"Okay. Text or chat mo lang ako in case."
Huling sinabi niya bago ko pinutol ang tawag.

BINABASA MO ANG
WHAT IF...
القصة القصيرة"I cannot give what I do not have. I hope you keep that in mind." "'Wag kang mahuhulog sakin, ah? Kasi hindi kita sasaluhin." Pano 'yan kung hulog na hulog na ako sayo?