Message 5

19 0 0
                                    

May 6 |5:30pm
From unknown number: Hey, sobrang pagod ako ngayon. Maraming tambak na papeles sa opisina. Nandito pa rin ako eh. Anong oras na. Baka bukas ko na to matatapos. Wala pang pahinga yan ah. Kaya gusto kong sa field eh, mas nararamdaman kong productive ako. Dito kasi, kulang nalang magmukha na rin akong papel sa dami ng nire-review kong proposals. Well, I'm happy kasi nga sa wakas may trabaho na ako pero, hays. I hope you're happy and healthy.

Kakalabas ko lang ng ospital ng nakita ko 'yong message. Tss. I have no idea kung kilala ko 'to at nagpapanggap lang na "Riel"?, o nagpapapansin lang. I need to call Guilienne now. Naglalakad ako papuntang parking area nitong ospital ng sinagot niya ang tawag.

"Hello Guil, how are you? Sorry 'bout the other day. Hindi na ako nakasipot sa gala. May pinapaayos kasi ako sa orphanage. Just wanna ask kung may kakilala ka bang Riel ang pangalan?"

I have to pinch the bridge of my nose. Wala naman talaga akong pake kung sino siya. Pero kaninang umaga pa lang, 'di na ako mapakali.

"Anong surname, Rue?" Seryosong tanong niya.

"That. I don't know. She just told me to call her Riel. Eh wala naman akong kilalang Riel sa buong buhay ko.  This girl messaged me at random hours tapos bigla ring mawawala. Though I already blocked her, pero ang daming numerong ginagamit."

"Wala akong kilalang Riel, eh. Kahit batchmate natin sa MA, wala. Baka scammer yan." Mahinang anas niya.

Right. So, sino naman kaya to? At bakit ba ako apektado. Parang random lang naman yung messages niya.

" Okay. Thanks, Guil."

"No worries."

Maybe I'm this bothered because I saw her name in my dream last night. Riel, sino ka ba?

["Mahal, mahal, mahal na mahal kita. 'Wag mo 'kong iwan ah?"  Tinig ng isang babae sa malayo. Masyadong blurry at katawan lang ang nakikita ko. May kasing takad ko na nasa harapan ng babaeng nagsasalita. May hinahawakan siyang isang bouquet na may nakalagay'ng "Baby, I love you so much. Sorry na, mahal. Sorry na, Riel. "]

WHAT IF...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon