Message 6

22 0 0
                                    

June 10 |3:00am
From unknown number: Hi,
Matagal-tagal din no'ng huli kong mensahe. Kumusta? I hope you're doing just fine. Gumagala ka ba? Samahan mo naman ako oh. Nasa may G-1 lang ako. Resto kaharap ng boulevard. Namimiss lang kita.

From unknown number: Biro lang.
Sent. 3:07am

3 missed calls.

Nagising ako dahil sa ingay. Sobrang aga pa, ano na naman ba 'to? Riel? Sino pa nga ba.

Replied: Hey, miss. Stop texting and calling my phone number. Naputol ang tulog ko dahil sa tawag mo. Please look for someone na wala ring magawa sa buhay.

Unknown number calling...
Sinagot ko na. Bahala siya pero tutulugan ko nalang. Bored ba ako? Pwede namang i-block nalang. Bobo.  Tss.

Riel: Hello!... I..uhm..hmm.. hindi ko alam ang sasabihin ko.

Uh.....I don't.. don't know you personally pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumawag at magtext sayo. I'm sorry...Ruebsjsksvsnakam.

Huh? Tama ba 'yong narinig ko? Tinawag niya akong "Rue"?

"What?? Wait, lasing ka ba?"

Riel: I guess so?... Alam mo bang may minahal ako. Sobrang perfect niya. Alam mo yong takot kang pakawalan kasi baka may makitang mas deserving, better...fuck...

'di niya tinapos, narinig ko nalang yung tawa sa kabilang linya.

Riel: Mahal ko yon eh. Kaso kailangan kong pakawalan. Para sa kaniya. Para sa ikabubuti niya. Kailangan kong mahalin siya sa malayo.

No. Bullshit. Reasons.

"Why?"

Masyadong tahimik. Ang naririnig ko lang ay hininga niya at hikbi.

Riel: Hmm...Sabay kaming naaksidente 2 years ago, kaso mas napuruhan siya. Ang sabi ng mga nurse ay nilipat na yung kasama ko sa ibang ospital. Dinala siya ng lolo niya dito sa Manila para mapagtuunan ng pansin. Nandito rin kasi mostly yung business nila. Dumayo lang naman yon sa probinsya para sa'kin...

Araw -araw akong bumibisita sa kaniya hanggang sa magising siya. Nagtaka pa ako nong una kung bakit di man lang niya ako tinapunan ng tingin.
 

That's when I realized na wala na pala ako. Wala na pala ako. Burado na pala ako sa isipan niya. Hindi niya ako kilala.

Mmm...Sekreto ako sa pagkatao niya. Hindi naman sa kinahihiya niya ako pero baka hindi magiging maganda sa reputasyon niya kung may makaalam na may karelasyon siya sa isang babae. Isa yon sa pinag-awayan namin bago ang aksidente. Gusto kong malaman ng lahat na may relasyon kami kaso ayaw niya.

I guess blessing in disguise 'yong di niya ako maalala kasi 'di na siya mahihirapan. Lumayo ako. Hindi na rin ako bumalik sa probinsya. Wala na rin naman akong babalikan doon eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT IF...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon