CHAPTER 1
THRAIA POV"Attention!!Please go back to your room and wait until someone knocks on your door.From this day your training will start, you'll be grouped and we will assign each group to a certain professional Hunter,you will call them Master.Each group must obey their assigned Master and will do whatever they say.It will depend on your Master what training you will be facing.After three months of training will be the final exam and headmistress of Hunter Organization will decide wether you pass or not.That's all."
Nagkatinginan kaming tatlo.Isa lang ang ibig sabihin nito, maaari kaming magkahiwalay at swerte nalang kung magkakagrupo kami.
Kita ko ang pagsimangot ni Lirha."Nakakainis naman!Hindi ko pa naman makasundo 'yong mga gurang na 'yon!Sana magkagrupo tayo."
Ang tinutukoy niyang gurang ay ang mga kasama namin dito na gusto din maging Hunter.Kaming tatlo nila Ishtar at Lirha kasi ang pinakabata dito, pare-pareho kaming dose anyos.
Kung ako man ay naiinis din sa mga kasama namin dito,kung hindi mayabang ay mapang-insulto sila.Porke't mga bata pa kami ay minamaliit na nila kami.
"Bumalik na tayo sa kwarto natin.Basta anuman ang mangyari, magiging Hunter ako."Sabi ni Ishtar at tumayo saka naglakad palabas dito sa cafeteria.
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong mapunta kami dito,kasabay ko si Ishtar habang si Lirha naman ay limang araw palang dito.Isa itong mansiyon at hindi ko alam kung saang lugar ito o kung ano ang lugar na ito.Basta ay maraming professional Hunter na nagpupunta dito habang ang iba ay dito nakatira.
Wala akong nagawa kundi tumayo na rin,tinapik ko ang balikat ni Lirha saka naglakad papunta sa kwarto ko.
Ilang minuto ang inantay ko bago ko narinig na may kumatok sa pinto ng kwarto ko.Tumayo ako at pinagbuksan ito, bumungad sa'kin ang isang lalaki na may malaking pangangatawan at walang ekspresyon ang mukha.
"Sumunod ka sa'kin."
Napalunok ako dahil sa lamig ng boses nito,parang nakakakilabot kasi at nakakatakot.
Tahimik akong sumunod dito hanggang sa dalhin ako nito sa fourth floor.Ngayon lang ako nakapunta dito dahil tanging mga professional Hunter lang ang pwedeng pumasok dito.Tahimik akong humahanga sa paligid,lahat ng nakikita ko ay kumikinang at halos gold lahat ng gamit kagaya ng vase at chandelier.
Muntik na akong mauntog sa likod nito ng hindi ko mamalayang nakahinto na pala ito sa tapat ng isang pinto,buti nalang at nakapagpreno ako ng aking mga paa.
Napalunok ako ng pagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa."Pumasok ka."
Dali-daling sinunod ko ang sinabi nito.Nakakabinging tili ni Lirha ang bumungad sa'kin saka ang mahigpit nitong yakap.
"Waaahhhhh!Thraia!Magkagrupo tayo huhu,ang saya ko!"Naka-high pitch ang boses na sabi nito.
Ngumiti lang ako at niyakap ito pabalik.Sa mga oras na nakasama ko si Lirha,nalaman kung madaldal siya,honest at madaling mabasa.Kapag masaya siya ay makikita mo talaga sa buong mukha niya,ganun rin kapag naiinis siya at nagagalit.
Naglakad kaming dalawa palapit sa sofa pagkatapos naming magyakapan habang dinadaldal niya ako.
"Alam mo,sobrang kinakabahan talaga ako kanina lalo na nung may kumatok sa pinto ko.Grabe 'yong pagdadasal ko na sana isa man lang sa inyo ay makagrupo ko,at dininig ni Lord ang panalangin ko huhu.Thank you Lord!Ang bait mo talaga sa'kin!"Tumingin siya sa kisame na parang nandoon si Lord, pagkatapos ay tumingin siya sa'kin."Nakakatakot ba 'yong nagdala sayo dito? Sa'kin kasi oo,tsaka isnabero din.Tanong ako ng tanong sa kanya pero hindi niya ako sinasagot, nagkwento ako sa kaniya pero wala parin siyang imik.Hay life!"
BINABASA MO ANG
Huntress
FantasyIshtar, Lirha and Thraia went to Azcka for their mission.Azcka is a place where all digital and mechanical devices are not allowed and is isolated from other places and countries.As they arrived in Azcka, series of unwanted events happened.Learning...