Chapter 2

2 1 0
                                    

CHAPTER 2
LIRHA POV

"Ahhhhh!"

Sigaw ko at biglang napabangon mula sa pagkakahiga ng pakiramdam ko ay nabasa ang buong katawan ko.

Disoriented na nagpalinga-linga ako sa paligid.

"Anong nangyayari?May sunog ba?May bagyo?May lindol?Pumutok ang bulkan?"Sunod-sunod at wala sa sarili kong tanong.Ano ba 'yan,kaantok!

Nang ibaling ko ang tingin sa harapan ay.....

"Aaahhhhhh!!!!!"

....napasigaw ako dahil nahagip ng mga mata ko ang isang tao na si Master pala.

"Master...?"

Umiling iling ito sa'kin."Bumangon ka na dyan at sumunod sa'kin."Sabi nito at nagsimulang maglakad palabas sa kwarto ko.

Taranta naman akong tumayo at muntik ko pa ngang makalimutan na magsuot ng tsinelas, siyempre bago ko sinundan si Master ay nagbihis muna ako dahil nakapantulog ako at basang basa ito.Bago ako makalabas sa kwarto ko ay tinignan ko muna ang orasan at nagulat ako ng makitang alas tres palang ng madaling araw.

Napatingin ako sa likod ni Master na palayo ng palayo sa'kin.Seryoso ba siya dun sa sinabi niya kahapon?Oh my gee,kakayanin ko ba sa loob ng tatlong buwan kapag palaging ganito?Oh no no no!!

Tinakbo ko ang malayong distansiya namin ni Master at tumigil ng nasa likuran na niya ako.

Nagtaka ako ng makitang papalabas kami ng mansiyon.Suminghap ako sa aking isipan at pinakatitigan ang likod ni Master.Oh my gee,Master balak mo ba akong kidnapin?!'Wag po---

"Focus Lirha!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw ni Master.Saka ko lang napagtanto na hindi na ako nakasunod kay Master at dire-diretso lang akong naglakad at muntik ng mag swimming sa fountain.

Napalunok ako ng lingunin ang nakakatakot na ekspresyon ng mukha ni Master."Sorry po..."Mahinang sabi ko at nagpa-cute pero walang talab iyon kay Master.

"Let's go.Now,focus and follow me."

Tahimik akong sumunod sa kaniya.Nang makarating kami sa likod ng mansiyon ay nakita ko sina Thraia at Ishtar na nakasakay sa isang tricycle, halatang antok na antok ang dalawa dahil pumipikit-pikit pa ang kanilang mga mata.

Napatingin ako kay Master at parang sa pamamagitan ng tingin niya ay sinasabi niya sa'kin na sumakay ako kaya naman 'yon nga ang ginawa ko.Pagkatapos kong makaupo sa likod ay saka sumakay si Master at minaneho ang tricycle.

Humahanga na tinignan ko si Master habang umaandar kami patungo sa kung saan.Hihi ang cool ni Master pero at the same time ay nakakatakot din huhuhu.

Napatingin ako kay Thraia na nasa tabi ko,tuluyan na siyang nakatulog.Pati na si Ishtar na nasa tapat ko ay nakatulog na rin.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas,madilim pa at kita ko pa ang buwan, nakontento ako sa pagtanaw sa mga naglalakihang puno na nadaanan namin.

Napapaisip ako dito sa desisyon kong maging Hunter.Hindi ko alam kong anong mga kakaharapin ko at pagdadaanan pero ang alam ko lang ay delikado itong pinasok ko.Nakakainis naman kasi,e!Bakit kasi ayaw akong kwentuhan ni tita tungkol kay mama?Edi sana hindi ako na-curious masyado at hindi na sana ako humantong sa desisyon kong 'to.Kaso kahit naman kwentuhan ako ni tita alam kong gugustuhin ko parin maging Hunter, dahil bago ko pa man nalaman na isang Hunter si mama ay pangarap ko ng maging Hunter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon