Pagod Na

127 2 0
                                    

Ganon ba talaga pag buong buhay mo pasakit nalang? Hindi kana naluluha. Kasi ubos na. Tuyo na. Said na. Nakakapagod din iyakan yung paulit-ulit na dahilan. Pero kahit ganon, yung sakit tagos pa din sa buto. Tagos hanggang puso. Malayo sa bituka pero malapit sa kaluluwa. Buong buhay mo dinidiktahan ka. Hindi ko naman ginusto na ipanganak. Wala naman may gusto na buong buhay mahirapan. Gusto ko nalang matapos ang buhay ko. Pero ayaw kong mismong ako ang gumawa.

Pagod nako. Gusto ko nalang magpahinga. Yung totoong pahinga. Paulit ulit nalang kasi. Awa nalang parati ang nararamdaman sa sarili. Ilang libong masasakit na salita na ba ang natanggap ko. Ilang balde na ba ng luha ang niluha ko. Di ko na rin mabilang. Basta ang alam ko, pagod nako. Pagod nako sa lahat. Pinilit ko naman magpakatatag. Naghirap para isang araw, makalaya nako sa gantong kalagayan. Araw-araw kong inaabangan ang kamatayan. May takot, oo. Mas nananaig ang pagnanais.

Hindi ko kayang magsalita. Kaya sa pagsusulat ko binubuhos ang lahat. Mas tahimik. Mas dama. Buong buhay ko pakiramdam ko mag-isa ako. Dumating sa punto na nadumihan nako, maramdaman ko lang ang halaga ko. Pero, ganun pa din. Walang bago. Mas lalo lang gumulo.

Panay iniiwan. Kaya nagtagal, hindi na nakakagulat. Sanayan nalang. Natuto nalang tumibay, pero hindi ibig sabihin na hindi masakit. Pero hinahayaan na lang. Anong magagawa ko kung aalis sila. Tanggap na lang ng tanggap. May darating din naman na bago. Bagong aalis. Parang gulong na umiikot na lang ang mga nangyayari.

Pero, ganun ba ako kadaling iwan. Ganon ba ako kadaling itakwil. Ganon ba ako kadaling tratuhin na parang basura. Dahil don, di ko na makita ang halaga. Halaga ko, halaga ng buhay ko. Kung totoo man na hiram lang ang buhay, pwede na bang ibalik? Kung pwede lang, sinosoli ko na.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon