Wala na sigurong mas sasakit kapag mismong pamilya mo, basura ang tingin sayo. Akala ko kapag ginalingan mo sa pag-aaral, okay na. Akala ko kapag matataas ang grado mo, okay na. Madami na akong sinakripisyo, wala pa rin. Hindi pa rin pala sapat.
Parati kong iniisip, paano kung pinutok na lang ako sa bedsheet? Edi sana hindi nararanasan lahat ng ito. Walang gaya ko na parang kinulong sa hawla. Walang gaya ko ang desperado. Walang gaya ko ang nasasaktan, sinasaktan. Walang gaya ko na umiiyak mag-isa. Walang gaya ko ang parang namamalimos. Ng atensyon, ng pagmamahal. Wala rin sigurong gaya ko ang magpapakababa para sa kakarampot na kalinga. Wala rin sigurong gaya ko na hindi alam saan pupunta.
Mas mahalaga pa ang iba kesa sakin. Kaya akong saktan dahil iniisip ang sasabihin ng iba kesa sa sarili kong kapakanan. Masakit. Sobrang sakit. Dahil doon, hindi na ako naniniwala sa pagmamahal. Tinanggap ko na, hindi iyon para sa akin. Kung sigurong nakikita ako ang batang bersyon ko ngayon, maaawa na siya sa akin. Kasi hindi niya aakalain na ganto ang kahihinatnan ko. Mag-isang lumalaban. Mag-isang nahihirapan.
Pasensya ka na, binigo kita. Ang taas ng mga pangarap mo, hindi ko tuloy maabot. Binigo ko yung matayog mong ambisyon. Pasensya ka na, mahina pa ako. Pero ilalaban kita, hindi ko alam hanggang saan pero ilalaban kita. Ilalaban ko yung nasimulan mo, ilalaban ko yung mga pinaghirapan mo. Hindi ko alam paano pero gagawin ko. Hindi pwedeng hindi ko matupad mga yon, sa dami na ng pinagdaanan mo. Malayo pa ang lalakbayin ko, kaya sana gabayan moko. Sukuan man ako ng iba, sana huwag naman pati ikaw.
Palakasin mo pa ko. Kakayanin ko para sayo.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Randomout of the blue thoughts that came out from my pabibo mind i'm not forcing you to read but if you want some advice? just send a letter to me with regards of your concern ( except ofcourse with financial matters HAHAHA).