Chapter 5

6 1 0
                                    

Dumating ang araw ng Sabado at natuloy nga ang usapan ng magkaibigan na gumala.

Alas tres palang ng hapon ay nasa bahay na nila Danny si Tikya.

Inaantay si Danny.

Nagtataka naman ang huli dahil sa sobrang aga ni Tikya manundo.

Ang usapan kasi nila ay alas kwatro ng hapon gagala para hindi masyadong mainit. May kaartehan din kasi si Danny.

"Baks! Aba bilis-bilisan mong kumilos! Ang kupad-kupad mo talagang bakla ka!" Reklamo ni Tikya saka pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.

Hanggang dibdib ang tapis ni Danny na lumabas mula sa banyo.

Kakatapos nya lang maligo. Hindi nya rin alintana si Tikya na nakikita sya ng ganun ang ayos dahil sanay na naman sya.

"Hoy! Tikya! Hindi ako mabagal! Sadyang atat ka lang! Alas tres pasado pa lang nakagayak ka na agad! Anong akala mo lalayasan ka ng paggagalaan natin?" Maktol ni Danny sabay irap.

"Tapis tapis pa na hanggang dibdib wala namang dede" pang-aasar pa ni Tikya.

Taas kilay naman syang tinignan ni Danny saka ito pumamewang sa harap ni Tikya.

"Aba Tikya parehas lang tayo. Pinagkaiba lang natin babae ka pero lapad ka, atleast ako understandable kasi bakla ako" ganti nya. Saka pumasok sa kwarto.

Narinig nya pa itong nagsalita pero hindi nya na inintindi.

Lumabas itong nakabihis nang puting gartered sleeves polo crop top at pinaresan ng high waist na ripped jeans.

Nakasoot na rin ito ng puting doll shoes na may design na ribbon sa gitna. May design din itong maliliit na holes. Bumagay naman ito sa suot nya.

"Teka nga Tikya bakit ba ang aga aga mo?" Nagtatakang tanong ni Danny.

"Eh keshe naman!" Ani nito. Nanliliit ang mga matang tinignan ni Danny ang kaibigan. Mukhang may gustong gawin ang babaita sa isip nya.

"Aba! Marites! Bakit parang may gusto kang mangyari ah?" Pang-iintriga nito kay Tikya.

"Nako baks! Wala ah! Wag kang eme dyan!" Depensa ni Tikya.

"Nako Tikya! Chismosa lang pangalan mo pero bakit pakiramdam ko may kapokpokan ka ring taglay? Amoy na amoy ko! Umaalingasaw ngayon" saka ito pinandilatan.

"Oy wala baks! Dumi ng utak ah! Bakla na nga malisyosa pa!" Pagbawi nito.

"Sus eme mo!" Basag nito habang naglalagay ng konting lip tint sa magkabilang pisngi. Naglagay din ito ng lip tint sa labi.

"Ok na ba?" Tanong nya kay Tikya. Tumango lamang ito.

"Gora na!" Sabi nya saka kinuha ang kanyang black leather sling chain bag na nabili nya lang sa palengke.

Unang pinuntahan nilang dalawa ang ukay-ukay.

Mahilig silang bumili ng mga damit sa ukay-ukay dahil sa mura na, ay may mga branded pang mga damit ang maaaring mahanap, basta matiyaga ka lang maghanap. Halos lahat ng damit ni Danny na panglakad ay nakukuha nya lang sa ukay-ukay.

"Baks halika ngewen mo itiz" tawag ni Tikya sa kanya na nasa kabilang parte.

Agad naman syang pumunta doon. Nang makapapit ay agad pinakita ni Tikya ang damit na nadampot nya. Isa itong yellow spaghetti tasselled crop top.

"Tikya ang ganda!" Nagnining ang mga matang nilabi ni Danny.

"Sukat mo nga baks. Mukhang kasya sayo eh. Maliit kasi sa akin. Alam mo naman ako mas may laman kesa sayo. Pambulalo na kasi katawan mo" walang habas na panlalait ni Tikya.

DARLA! Ang Baklang SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon