Chapter 4

3 0 0
                                    

Nagising si Danny na nakahiga sa kanyang papag. Nasa tabi naman nya ang kanyang mga magulang na si Dahlia at Lucio na binantayan sya nito mula sa pagkawala nya ng malay.

Seryosong nag-uusap ang mga ito. Pakiramdam nya'y parang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Nay, Tay" wika nya. Agad naman napatingin ang mga ito sa gawi nya. Sumilay ang saya sa mukha ng mga ito ng makita syang may malay na.

"Mabuti naman anak at nagising ka na" wika nang nanay nya. Agad nya namang inayos ang sarili para makaupo mula sa pagkakahiga nya.

"Nag-alala kami sayo ng itay mo. Agad syang nagtungo dito sa sa kwarto mo pagkauwi nya noong sinabi kong nawalan ka ng malay" pahabol pa nito.

Tumingin naman sya sa kanyang tatay na nakatingin din sa kanya na may pag-aalala, pagkabahala at takot na hindi nya maintindihan kung ano ang dahilan maliban sa pag-aalala.

"Ayos na po ako inay, itay. 'Wag na po kayong mag-alala" sagot nya sabay igininaya ang sarili para yumakap sa kanyang mga magulang.

Tila may gumugulo din sa isipan ni Danny simula ng magising siya. Wala syang maalala sa napanaginipan nya bukod sa pangalang 'Darla' na hindi naman nya alam kung sino ito.

Iyon lamang ang naiwan sa kanyang ala-ala mula sa kanyang panaginip.

Kinabukasan naging maayos naman ang kanyang pakiramdam. Maganda ang umagang bumungad sa kanya.

Mas lalong dumoble ang saya nya ng silipin nya ang sarili nya sa isang compact mirror.

"Shocks!! Apaka pretty naman ng nilalang na itey. Dyosa!" Maarte nyang turan. Hindi nagsisinungaling si Danny sa kanyang sinasabi.

Talagang maganda sya. Ang mukha nya ay parehong maganda at gwapo. Androgynous kumbaga.

Agad syang bumangon sa kanyang higaan at saka inayos ang kanyang pinaghigaan. Dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam nya ay napapahumming na lamang sya.

"Good morning, Itay at Inay!" Energetic nyang bati sa kanyang mga magulang.

Ngumiti naman ang mga ito sa kanya.

"Good morning aming unica ija" wika ng kanyang nanay.

"Good morning aking prinsesa" wika naman ng kanyang tatay.

Napahagikgik naman sya na parang may kumiliti sa kanya dahil sa mga tinuran ng mga ito.

"Oh pumwesto ka na at para makapasok ka na" wika nang nanay nya habang naghahain ng agahan.

Agad naman syang tumalima at pumwesto na upang mag-almusal.

Ilang araw din ang nakalipas magmula ng nawalan sya ng malay at hindi na nga ito naulit pa.

Tungkol naman sa kanyang eskwelahan ay hindi na sya ginagambala pa ng mga insekyora nyang schoolmates.

Panay parin ang tingin sa kanya ng mga ito pero kiber na lang sya sa mga ito.

Sa isip-isip nya ay ganun talaga pag maganda. Pinagtitinginan.

"Baks dahil wala naman na tayong pasok bukas dahil Sabado baka pwedeng gumala naman tayo." Pagyayaya ni Tikya. Nakaupo ito sa tabi nya.

Seatmate kasi silang dalawa sa kanilang classroom. Di kasi sila talaga mapaghiwalay.

"Ay bet ko yan! Di na rin kasi ako masyado nakaka awra kaya gora akez dyan" wika ni Danny.

Di naman alintana ang ingay nilang dalawa dahil recess naman at naguusap-usap din ang ilan sa mga insekyorang classmate nila.

Matapos ang recess ay naging maayos naman ang naging araw nilang dalawa ni Tikya sa eskwela.

DARLA! Ang Baklang SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon