Kabanata 6

118 5 2
                                    

Regular.

Hindi ko alam kung paano kami mag-aadjust sa college life namin. Pumasok ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa university. Mabuti na lang at natanggap sila ng working students kaya naging madali sa akin ang schedule rito, iyon nga lang pagod ako lagi pag-uwi.

Si Rei naman ay mas dumami ang natatanggap na gig kaya may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Kaya si Cha lang ang laging nasa bahay na nagpa-practice naman magluto. Iyon na lang daw pagkakabusyhan niya. Ang pag-aralan ang recipe book ko na galing kay Mama.

Dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang college life namin pero daig pa namin ang mga graduating sa sobrang stress.

"Kapag day off mo, Gab, magbar naman tayo," sabi ni Cha nang mahiga ako sa sofa pag-uwi ko.

"Once every two weeks lang ang day off ko," sagot ko.

"Nakakapagod naman 'yan," sabi ni Cha.

Pumikit ako at hinayaan siyang magreklamo tungkol sa ginagawa ko.

"Pwede bang pasahurin na lang kita sa pag-eentertain sa akin araw-araw?" Pabirong tanong ni Cha.

Sabay kaming tumawa roon. "Paniguradong yayaman ako kung 'yan ang trabaho ko," natatawang sagot ko.

Sabay naming nilingon ang pintuan nang bumukas ito. Si Rei na may dalang tatlong paperbag ng Gucci.

"I got my first salary!" Tuwang-tuwang sabi ni Rei.

Napaupo ako nang iabot nito sa akin ang isa sa paperbag na hawak niya.

"Bumili ako ng bag for us para may friendship bag tayo," sabi nito.

First salary niya bumili siya ng tatlong bag from Gucci para sa amin? Samantalang nasisiguro ko na ang unang salary ko ay sapat lang para sa pambayad ko sa bills namin.

"Ang mahal-mahal nito," wala sa sariling sabi ko.

"Ay hayaan mo 'yan si Rei, barya niya lang 'yan. Bored lang 'yan kaya nagmodel kahit na hindi niya naman kailangan ng part-time."

Inilabas ko sa paperbag ang biniling maliit na shoulder bag ni Rei. Tuwang-tuwa niyang inangat ang sa kaniya at tinapat iyon sa bag na binili niya para sa amin ni Cha.

"See? Kapag nagbar tayo, ito gamitin natin," sabi nito.

"Thank you, Rei. Sana cash na lang," mapagbirong sabi ko.

"Magkano ba?" Tanong nito.

Gulat akong tumingin sa kaniya. Natawa na lang tuloy kaming tatlo sa sinabi niya. At syempre, nag-inom kami ng beer sa gabing iyon para i-celebrate ang unang salary ni Rei.

Ang dami naming pinag-usapan habang nag-iinuman. Ang mga plano namin sa darating na mga taon, ang mga nakakatawa naming alaala sa Pontevedra, ang pambubully sa akin ni Rei noon, at kung ano-ano pa. Madaling araw na tuloy kaming nakatulog dahil sa rami naming pinag-usapan.

"Nakalimutan ko na hindi na pala tayo magkakasama sa classroom. Sorry."

Pare-parehas kaming natataranta dahil ginising kami ni Cha para sabihin na late na raw kami sa first class namin. Wala naman akong schedule ng umaga, gano'n din si Rei. Kaya nagulat siya nang sabihin namin na wala kaming morning class.

"Nako! Gusto ko na lang hatakin ang buhok mo," inis na reklamo ni Rei.

Magulo ang kaniyang buhok at isang bistida na pantulog lang ang suot. Nagpeace sign naman si Cha sa kaniya. Mabilis kong hinanda ang pancakes na niluto ko habang hindi mapakali si Cha sa pag-aayos ng gamit niya.

"Kumain ka muna bago ka umalis," sabi ko sa kaniya.

"Thank you, Gab! You're the best!" Ani Cha habang sinusuot ang kaniyang sapatos.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon