Kabanata 12

111 5 1
                                    

New York.

We are currently watching horror movie. Nakahiga ako sa braso ni Cartier habang nakatutok siya sa kaniyang laptop, may binabasa.

"Kiss tayo," bigla kong sabi habang nakatitig sa kaniya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tinapunan niya ako ng malamig na tingin bago muling pinagpatuloy ang ginagawa.

"I want a kiss," muling sabi ko.

Nagulat ako nang hawakan niya gamit ang isang kamay ang laptop niya saka ako mabilis na hinalikan. Napanguso ako. Iyon na 'yon?

"French kiss," pagdedemand ko.

Malakas siyang bumuntong-hininga bago umayos ng upo. Napaayos din tuloy ako.

"I need fresh ai—"

Mabilis ko siyang hinila nang akma siyang tatayo. Bakit bigla ba akong naging aggressive? Kasalanan 'to nina Cha e.

"Gabriella!" Saway niya.

Kinuha ko ang laptop niya saka ito nilapag sa bandang likod ko. Marahan akong naupo sa hita niya saka siya hinalikan.

Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa pinikit ko ang mga mata ko. Iritado akong huminto sa paghalik sa kaniya nang hindi siya gumaganti sa halik ko. Hindi niya ba gusto?

Handa na sana akong talikuran siya at lumabas ng kaniyang kwarto kung hindi niya lang ako hinalikan.

"God! Pinangako kong magsasabi muna ako kay Tita Ayla tungkol sa atin bago 'to e," inis niyang sabi.

Napasinghap ako nang kagatin niya ang labi ko. Umawang ang labi ko sa ginawa niya. Napapikit ako habang ginagaya ang bawat galaw ng labi niya.

He then inserted his tongue inside my mouth. He tasted every side of my mouth. Impit akong napatili nang itulak niya ako pahiga sa kama.

"French kiss lang diba? Hanggang dito lang," bulong niya bago muling halikan ang labi ko nang mabilis.

Napasimangot ako. Para akong nabitin doon. Parang ang sarap naman magdabog...

"Kakainis naman si Rei. Edi roon siya magbi-birthday sa New York?" Tanong ni Cha habang umiinom ng beer.

Tumango ako. Bukas kasi ang birthday ni Rei. At mukhang sa isang araw pa siya uuwi. Tuwang-tuwa nga kami ni Cha nang sunod-sunod na pangalan ni Rei ang binabanggit ng mga reporter habang nanonood kami.

Napasama pa siya sa runway ng sikat na brand sa New York. Pinipilihan na siya ngayon. Maraming offers. Masaya kami na ganito ang takbo ng career ni Rei. Halata namang masaya siya sa ginagawa niya. Iba ang ningning ng mga mata niya kapag nakaharap sa camera.

"Sunod tayo sa New York," biglang sabi ni Cha.

"Sasama mo lang jowa mo. How about me naman?" Tanong ko.

"Maghanap ka ng foreigner doon para malaki..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Malakas ko siyang hinampas habang tumatawa siya dahil sa ekspresyon ko.

"Malaki as in matangkad, you know!" Sabi niya.

"Kakasama mo kay Alexander, tuluyan nang nilulumot 'yang utak mo!" Singhal ko sa kaniya.

Malakas siyang humalakhak. No'ng araw na iyon, nagpasya nga kaming sumunod sa New York. Ano na lang iisipin ni Cha kapag nalaman niya na kasama ni Rei ang kapatid niya?

"Why do you need the chopper?"

Umirap si Cha nang tumawag si Cartier sa kaniya. Nakaayos na ang gamit namin. Pumayag naman sina Tito Carlos at Tita Anna na gamitin namin ang chopper nila pero mukhang may epal.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon