Kabanata 14

120 4 0
                                    

Boyfriend.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil sa marahan at malambing na panggigising sa akin ni Cartier.

"Baby, you need to get up. We still need to buy things for Reisha," bulong niya habang nilalaro ang buhok ko.

"A-aw!" Reklamo ko nang uminat ako. "Ang sakit," mahinang bulong ko.

Humalakhak siya sa sinabi ko. Siniksik na naman niya ang kaniyang ulo sa aking leeg saka ako inamoy-amoy roon. Ngumiwi ako nang igalaw ko ang paa ko. Pakiramdam ko nahati ang katawan ko dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko nga rin nasa loob ko pa rin si Cartier.

"I'm sorry, masyado yatang hard," bulong niya. "Dito ka na lang kaya? Ako na lang ang lalaba—"

"No! Sasama ako," sagot ko.

Hindi ko pa nga alam ang ibibili kong regalo kay Rei. Masyado kasing mamahalin ang isang iyon kaya nakakatakot regaluhan. High maintenance. Nakakapressure magregalo ng mumurahin.

Inalalayan ako ni Cartier nang subukan kong bumangon. Napangiwi pa ako nang mapagtantong sobrang sakit nga talaga ng gitna ng hita ko. Pakiramdam ko hindi ko kayang maglakad.

"We'll buy you flat shoes. Lagi kang nakaheels, you might trip," sabi ni Cartier habang sinusuot sa akin ang stiletto.

"Hiniram ko lang kay Rei 'yan. Sabi kasi ni Cha mas convenient lagi ang stiletto," pagdadahilan ko.

"For her because she's so small," sabi ni Cartier na tumawa pa.

Mahina rin akong tumawa tapos ay mahinang hinampas ang kaniyang balikat, "Ang sama mo kay Cha. Kaya laging galit sa'yo e."

"Sus! Pasalamat nga siya hindi ko kinuwestyon pag-alis niya. Alam ko namang makikipagdate lang iyon," sabi nito.

Tumayo ito matapos ayusin ang stiletto ko. Siya na nga rin ang nagsuot sa akin ng damit ko dahil hindi ko yata kayang gumalaw nang gumalaw.

"She's happy naman kasi," sagot ko sa kaniya.

Sinimangutan lang ako nito, "You're spoiling her so much."

"Because she's my best friend."

Matamis siyang ngumiti sa akin pagtapos ay inayos ang buhok ko, "Swerte niya sa'yo."

Ngumuso ako sa kaniya saka umiling, "Swerte rin naman ako sa kanilang dalawa ni Rei."

Hindi na siya nakipagtalo roon. Kinuha niya lang ang suklay saka ako sinuklayan. Marahan akong tumayo nang mag
paalam siyang magba-bathroom.

"Sakit," bulong ko habang nakangiwi.

Pinilit ko ang sarili kong maglakad. Nahihirapan nga akong maglakad dahil nakaheels pa ako. Kung bakit ba naman kasi ako nagpauto kay Cha.

"You okay?" Tanong ni Cartier nang maabutan akong iika-ika maglakad.

"Bakit ba naman kasi ang laki mo!" Singhal ko sabay tingin nang masama sa kaniya.

Humalakhak siya saka ako nilapitan. Inayos niya damit ko habang nakayakap sa akin. Ngumuso pa ako nang halikan niya ang noo ko.

"Sorry na," sabi nito.

Umirap na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Pino ang bawat hakbang ko paglabas namin ng kaniyang suite. Nakaalalay naman sa akin si Cartier na kulang na lang ay buhatin ako.

"Ano bang balak mong iregalo kay Rei?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"Hindi ko rin alam e. High maintenance kasi ang isang iyon kaya mahirap hanapan ng regalo."

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon