Prologue

269 10 0
                                    

Prologue

Yana's POV

" Oy! Snow! Ang guwapo guwapo ni Zion no? " kinikilig na sabi ko sabay yugyog sa balikat nito.

Sa kanila kasing magpipinsan ay si Zion talaga ang pinagnanasaan ko este kinahuhumalingan ko. Well halos lahat yata ng kababaihan dito sa school ay siya ang gusto.

Irita ako nitong tinignan at bahagyang hinila ang buhok ko.

" Gag*! Tigilan mo ako sa kakapantasya mo, dahil kahit kailan hindi ka niya magugustuhan. " sumimangot ako dahil sa sinabi nito.

" Panira ka talaga ng araw---" hindi ko na natuloy ang sinabi at nanlaki ang mata nang lumingon ito sa banda namin.

Umiwas ako ng tingin at kinagat ang pang ibabang labi. Gusto kong sumigaw dahil sa kilig pero pinili kong maging kalmado. Chill lang dapat. Huwag tayong magpahata na gusto natin ito. Baka sabihing marupok tayo.

Pero hindi rin ako nakatiis ay muli itong sinulyapan. Wala na sa akin ang atensyon nito kundi sa harap. Hindi ko maiwasang mamula. Oh em ghe!

" Tinitigan niya ako kyaaaah! " at pinaghahampas ko ang balikat ng kaibigan kong nananahimik.

" T*ngina mo Elliana! Tigilan mo ako! Tinitigan ka lang akala mo gusto ka na, huwag kang feelingera prend. "

" Hah! Palibhasa ni minsan hindi ka tinitigan ng crush mo. " pang-aasar ko dito.

Umismid ito sa akin at pinagpatuloy nalang ang naudlot na pagbabasa. Umayos rin ako ng upo at nakangiting nakapangalumbaba. Hindi rin maalis alis ang ngiti sa labi ko.

Achievement yon mga best! For the first time ay nakatitigan niya ako. Kilala pa naman ang mga angkan nila na hindi namamansin. Para silang may sariling mundo dahil ni minsan ay hindi sila nakikihalubilo sa mga estudyante dito.

Masyado silang ilag sa tao. Ang angkan nila ang pinakamayaman sa buong lalawigan ng San Vicente. Ang puputi at ang tatangkad nila. Hula ko nga, noong bata pa sila ay pinapapak nila ang margarine kaya ganyan sila kataas. Kung ikukumpara ay hanggang kili kili lang ako mga ito.

Zion Buenaventura. Sa kanilang magpipinsan siya ang pinaka supladong tignan. Masyado siya snob sa totoo lang. Ang mga mata nito ay masyadong mapanganib tignan.

Kaya nga iniiwasan rin siya ng mga estudyante dito lalo na ang mga lalake. Tingin palang masisindak ka na. Paano pa kaya kung nagsalita na siya. Baka maihi ka na.

Pero kahit ganon ay marami paring babae ang nagkakagusto sa kanya. Syempre kabilang na ako don. Sa kaguwapuhan nitong taglay ewan ko lang kung hindi ka maglaway.

~~~~~

Tahimik na binabaybay ko ang daan patungong boarding house na tinutuluyan. Alas otso na ng gabi, pero heto at mag isa akong naglalakad sa kahaban ng daan. Kung bakit ba naman kasi naisipan ng mga kagrupo kong gumawa ng project ngayon e sa susunod na linggo pa naman yung deadline. Masyado silang atat.

Bumuntong hininga ako at tumigil saglit sa paglalakad. Tinanaw ko ang daan sa unahan. Masyado pa akong malayo dahil mula dito ay wala akong makitang bahay. Lumingon ako sa likod ay napagtantong ako lang mag-isa ang naglalakad.

Biglang umihip ang hangin kasabay non ang malansang amoy na nalanghap ko. Napatakip ako ng ilong dahil sa baho. Para siyang nabubulok na laman. Bigla akong nanigas ng makarinig ng isang sigaw.

Unti unti akong napalunok dahil dito. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon ay mabilis na tumakbo. Ano 'yon!? Jusko! Habang tumatakbo ay parang may nakasunod sa akin. Saglit akong lumingon at nakitang ang isang anino na sumusunod sa akin at sinasabayan ang bawat takbo ko.

That Aswang Is Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon