Kabanata 23

100 6 0
                                    

Kabanata 23 : Forbidden

Yana's POV

" Shhh... It's yours ' mon amour ' that necklace shows that you are mine. Akin ka. Naiintindihan mo? Huwag na huwag mo 'yang kukunin dahil ang kuwintas na 'yan ang patunay na akin ka. Pag mamay ari kita. " mariing sabi nito.

Saglit akong natulala dahil sa sinabi nito. Hindi agad maproseso ng isip ko at muling sinulyapan ang bigay nitong kuwintas na namamalagi sa ibabaw na bahagi ng leeg. Hugis puso at merong itim na diamanteng pumapalibot dito. Ang mismong puso ay kulay rosas. Isa itong chain necklace.

Mahigpit ko itong hinawakan at mariing pumikit.

" That necklace looks good on you. " seryosong saad nito at ngumiti sa akin. 

" Thank you..." buong pusong pasasalamat ko at walang pasubaling niyakap ito.

Wala akong masabi dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang bibigyan niya ako nito. Anong meron sa akin at naisipan niya akong bigyan? Walang ano mang espesyal sa akin kaya nagtataka ako. Ang mas lalo pang nagpagulo sa isipan ko ay ang sinabi nito na...' Pagmamay ari niya ako? ' tama ba ang dinig ko o nabibingi lang ako?

Iniwaglit ko ito sa isipan at naisipang tawagan si Tita. Kakamustahin ko lang ito dahil ang tagal narin simula no'ng nakausap ko siya.

Habang hinihintay ang pagsagot nito ay napayakap ako sa sarili dahil sa lamig. Parang may nakatutok na electric fan sa likod ko dahil literal na nanginginig ako. Akmang tatayo upang patayin ang electric fan nang maalala kong hindi nga pala ako nagbukas nito!

Malakas akong suminghap at mabilis na lumingon sa likuran. Bukas ang pintuan ng teresa ko. Hindi ko maiwasang nangilabot dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin na nagmumula sa gubat.

Mabilis akong humakbang papalapit dito at nagmamadaling isinara ang pintuan. Ni-lock ko ito at siniguradong hindi ito mabubuksan. Bumalik akong muli sa kama at kinuha ang phone na patuloy paring nag r-ring. Bigla itong namatay kaya kumunot ang noo ko.

Muli kong tinawagan si Tita at laking tuwa ko ng sumagot ito.

" Hello? Tita! Kamusta na po kayo? " Nakangiting sabi ko habang inilapat ang telepono malapit sa tenga.

Walang sumasagot at tanging paghinga lamang nito ang maririnig mo.

" Hello? Tita..." Walang sumasagot kaya napatingin ako sa cellphone, on-going pa naman ang tawag pero walang sumagot.

Bigla akong kinabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Habang tumatagal ay bumibigat ng bumibigat ang naririnig kong paghinga. Para itong nahihingal at pagod na pagod.

" T-tita? " Nauutal na saad ko.

Lumipas ang ilang minuto ay wala paring sumasagot. Agad kong nailayo ang cellphone sa tenga dahil sa nakakarinding sigaw na pumaibabaw dito. Sa sobrang tinis ng sigaw ay napayuko ako at mabilis na tinakpan ang dalawang tenga sanhi ng pagkatapon ko sa hawak na cellphone.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala rin akong ideya kung saan nanggagaling ang sigaw na naririnig ko.

" Yana?...." Naimulat ko ang mga mata at napatingin sa cellphone na nasa sahig. Nagmamadali ko itong pinulot at nanginginig ang kamay na itinapat ito sa kaliwang tenga.

" T-tita...ayos lang po ba kayo? " Mabilis kong tanong dito.

" Huh? Oo naman, bakit? May problema ba? " Saglit akong natahimik dahil sa sagot nito.

" A-akala ko po kasi---" Hindi ko na natapos ang sasabihin at nanlalaki ang mga mata habang bumabaling sa pintuan ng teresa.

Dahan dahan akong napatingin dito. Mabilis akong napatayo at malakas na suminghap dahil sa unti unting pagbukas ng pintuan.

That Aswang Is Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon