Just a little reminder

0 0 0
                                    

Ang istorya na inyong matutunghayan ay may bandang kathang isip lamang at parte ng aking malikot Imahinasyon ngunit ang pag-iibigan ng dalawang tao sa daloy ng istoryang ito ay hinango sa totoong kaganapan.

Ang inyong masasaksihan ay ako, aking ibubuhos sa kataga ang gustong isigaw ng damdamin.

May mga pagkakataon sa buhay natin na may mga bagay tayong gustong sabihin ngunit natatakot tayo na subukan ito sapagkat hindi natin kayang tanggapin ang resulta ng desisyon na ating gagawin,,

Na maaaring makakapagdulot ito ng sakit at bigat sa ating dibdib o maaari ding ito ay makakapagpalubag sa ating kalooban.

Natigil ako sa pagsulat ng istorya sa loob ng ilang buwan sapagkat masiyadong maraming mga bagay ang nangyare na nagdulot ng iba't ibang pakiramdam. Masiyadong mabigat, tensiyonado, nakakapagod at nakakapanghina ngunit sa lahat ng iyon ipinagpapasalamat ko parin sa Panginoon dahil siya ang gumabay sa akin sa pagkakataon na iyon.

At noon pa man ay pinangarap ko na talagang makabuo ng isang istorya, ngunit hindi pala iyon ganoon kadali. Maraming mga bagay ang dapat isaalang alang, may mga nauumpisahan ngunit hindi natatapos sapagkat hindi na malaman kung ano ang isusunod, kung paano ang magiging daloy nito at kung paano ito tatapusin.

Sa pagkakataong ito ay napagtanto ko na masiyado ko palang minamadali ang lahat, na ginugusto kong makagawa nang kagaya sa gawa ng iba ngunit iyon ay hindi pala maganda upang maumpisahan ang paggawa ng istorya at sa pagbuo nito.

She inspired me to write the night she said that it is better to write what we feels than to say it.

And of course as Moira Dela Torre said to one of her interviews, 'Kumbaga ang nararamdaman ko ay trinatransfer ko sa papel' hindi man ito yung exact word na ginamit niya ay alam kong ito ang gusto niyang ipahiwatig.

At ako naman ay gusto kong isalin ito sa isang Istorya na mananatili dito sa Wattpad upang magbigay aral, inspirasyon at motibasyon sa lahat ng taong nagmamahal.

And as for the girl who can make me feel the pain and at the same time the happiness. I'll keep on waiting for you, i'll keep on staying beside you, i'll keep you in my heart forever. You will always be my favorite person and a person who is so special in to my life. Hindi na ako manghihingi pa ng mas higit pa sa kaya mong ibigay, masaya na akong hindi mo ako ipinagtatabuyan. I am going to support whatever you want in life, i am going to be here as your number one fan if you want to try pageantry again🥰 I am just here and always here, just don't let go of me, just don't ask me to go away. MANANATILI AKO SA TABI MO🧡

Mahal kita,,

Baka bukas pwede pa, Baka bukas pwede naWhere stories live. Discover now