O L I V I A
I sigh as I look at the time, alas sais na ng gabi at nandito pa rin ako sa building ni Bless. May ginagawa pa kasi sila kaya hinintay ko nalang, day off kasi ni Ate Dinah, yong personal niyang assistant kaya I volunteered as tribute-- char, I volunteered na ako nalang maghihintay sa kanya dito sa labas. Alam kong mas gusto ni Bless na ako yong maghihintay sa kanya kesa kay Kuya Luke. Isang beses kasi napagkamalan silang mag jowa kaya simula non hindi na ulit pumayag si madam na si Kuya Luke yong nandito pag wala si ate Dinah.
"What are you doing here?"
Napalingon ako sa may likod ko nang may biglang nagsalita.
"I'm waiting for someone." I simply said at umusog para may mauupuan siya.
Kahit naman super sungit niya nong first day nila dito last last week ay mabait parin ako to offer her a seat. Nandito ako ngayon sa study corner ng building nila Bless, may mga table at long bench na pwedeng matambayan ng mga students while waiting for their classes.
"Jowa mo?" she ask making my eyes wide. Sa loob ng ilang linggo niya dito sa University yan ata isa sa mga words na natutunan niya galing sa ibang students.
"Aba, ang dami mong pwedeng matutunan na Tagalog yan pa talaga napili mo." Nailing na sabi ko sa kanya.
She pouted as she took the seat beside me. "Everyone kept asking me about this damned jowa thing wherever I go. Maybe that's the reason why I also acquired it." she even quoted the two words.
"Then post something on your social media accounts that you're single so that everyone will stop asking you." I suggested.
Everyone were so engrossed about the new students kasi kaya todo stalk sila sa mga socmeds ng dalawang kambal.
"No way!" Daling tanggi niya.
Napamaang ako sa reaksyon niya, "Luh, edi may jowa ka nga?"
She look at me and rolled her eyes, "You sound just like them."
Natawa ako at hinarap siya. "Kasi naman Aleng Savannah, the way you reacted parang may tinatago ka eh."
She immediately remove her gaze from me and look somewhere else. Kita mo to. Super halata eh.
"I was just asking what you're doing here. You talk too much." she mumbled.
"I'm waiting for Bless." I said and open my phone kase nag reply na yong ka text kong kanina ko pa hinihintay ang reply. Ang kupal talaga nitong ka text, ka tagal mag reply.
"Why? Is she your girlfriend? You're always together."
"Yeah." Wala sa sariling sagot ko kasi busy ako sa pag reply kay Kuya Mikee about the upcoming meeting with the student council officers next week.
"What?"
Napalingon ako sa kanya at napataas ang kilay kasi yong reaksyon ng mukha niya di maipinta.
"Anong what?"
She was gonna open her mouth nang biglang sumulpot si Bless na siyang kinagulat ni Savannah kaya napasugod ito sa akin ng yakap. Muntik na akong mahulog sa bench, good thing naagapan ko ito agad.

YOU ARE READING
girlfriends (LingOrm)(on-going)
RomanceA very chill LingOrm fanfic :)) Orm as Olivia Ling as Savannah