26

110 4 0
                                        

O L I V I A

"Mas marami pa atang mga salta kaysa sa mga tumulong sa project natin." Colet said as she roamed her eyes around the busy Villa.  

She was pertaining about the people around us. If yong mga students lang na naging parte ng project yong sumama ay hindi sana kami ganito karami ngayon.
 
"Real. Dinagdag pa yang mga hayop na kampon ni Axel." I said and sigh.  
 
Nandito kami ngayon sa table sa harap habang ang mga kasamahan namin ay busy sa pagsasaya. Kami kasi taga bantay ni Colet sa mga alak to make sure na may silbi ang drink responsibly sa bote. Kampante naman ako na mapalayo kay Savannah kasi nandito naman si Sam kaya walang magtatangkang lumapit sa kanya. Siguro naman ay sapat na yong pulang marka sa leeg niya para malaman nila na hindi na siya single?  
 
"May lahi ka bang bampira? Kitang kita ko dito ang chikinini sa leeg ni Savannah oh." Colet said kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.  
 
"Ang laswang pakinggan ng salita na yan. Gawin mo nalang love mark." I said kaya natawa siya ng bahagya.  
 
Magsasalita pa sana siya kaso may lumapit sa amin para kumuha ng isang bucket ng beer.

"One bucket please!" Saad ng isa sa mga taga NDRN kaya humalukipkip si Colet.  
 
"Hoy piskit kayo, ilang balik niyo na to dito?"  
 
"Pres naman, nawala na sa sistema namin yong unang bucket na nainom namin eh. Wala ka bang tiwala sa alcohol tolerance namin?" Saad nong lalaki na medyo chinito.  
 
"Wala." Sabi ni Colet pero binigay naman ang isang bucket.  
 
"Yown! The best ka talaga Pres! Behave lang kami, promise." He said and winked at me before he went back to his table.  
 
Hindi naman flirty yong ginawa niya kaya di ko na pinansin. Ang alam ko, isa yon sa mga camera men namin during the project we did and mabait naman siya at super friendly.  
 
"Ang sarap siguro na maglakad lakad sa dalampasigan ngayon, ang ganda pa ng buwan." Colet said while looking up.  
 
"Anong buwan? Ilaw naman yang nakikita mo." Bara ko sa kanya kasi may roof tong kinauupuan namin pero maganda naman talaga ang buwan kasi nakita ko yon kanina.  
 
"Ambot nimo." She said and looked around. "E lock na natin tong lagayan ng alak at maki party na tayo." Saad niya kaya tumango nalang ako.  
 
I bet everyone had enough alcohol now so we locked the storage and went to our group of friends na busy sa tawanan. Savannah is sitting beside Stacey and they are just drinking some cocktails na galing sa hotel. Pwede din kasi magpa deliver dito sa Villa. They prefer this than those hard drinks para naman sober kaming lahat.  
 
"Guys, bukas na yong bonfire natin ha, make sure na maghanap ng panggatong kundi kayo ipapanggatong namin." Colet said and paused the music for a while.  
 
"Pres kami na bahala diyan bukas!" Sabi nong mga lalaki na taga NDRN kaya nag thumbs up si Colet at binalik na ang music.  
 
"What did she say?" Tanong ni Savannah nong nakita niya akong nakatayo sa likod niya.

I leaned down, "she said that everyone should gather some firewood for tomorrow's bonfire."  
 
"Some words are still hard to understand." Sabi niya at bumusangot.  
 
I smiled, "It's okay po. Si Mikha nga dito sa Pinas lumaki ay nahihirapan din eh."  
 
"Dinadamay mo nanaman ako." Mikha said who's just one seat away from us. 
 
"Wow straight tagalog ah. Is Aiah teaching you well?" I teased and put my hands on Savannah's shoulders, agad nman niyang pinatong yong mga kamay niya sa akin.  
 
"Lalo naman yan na hindi marunong magtagalog. Minsan nga naririnig ko silang magka-usap ni Mikhs, parehong lutang." Sabi ni Stacey na ikinatawa ni Aiah.  
 
"Bisaya naman kasi ako Staks kaya mahirap mag tagalog minsan. Si Colet nga oh, sobrang hard ng tagalog."  
 
"Piskit, nadadamay pa talaga ako."  
 
Napuno ng tawanan ang table namin kasi kalahati sa kanila ay hindi tuwid magtagalog. Napagkatuwaan tuloy sila ni Bless na bigyan ng mga deep tagalog words tapos pinapahulaan niya kung ano ang ibig sabihin non. Habang naglalaro sila ay tinawag ako bigla ng kalikasan kaya nagpa-alam muna ako kay Savannah na iihi ako sandali at dahil busy siya sa laro ni Bless ay tumango lang siya sa akin.  
 
I made my way to the back of the Villa where the outside bathrooms are located. Alam ko kasi na super dami nang gumagamit ng CR doon sa loob so dito nalang muna ako. After ko maihi ay nag hugas ako ng kamay at babalik na sana sa harap kasi medyo malamig ang hangin pero may narinig akong boses ng babae sa may isang madilim na sulok ng Villa. I saw two silhouettes and I hate to admit it but I still recognize Chanelle's figure just by looking at it and based on what I am seeing, the taller one is a guy and he is holding both her hands, pinning her against the wall.  
 
"Let go of me! Ano ba!" Cha's voice is loud and clear but no one can hear her aside from me kasi malakas din yong music sa harap ng Villa.  
 
Without thinking properly, I made my way to them and got a glimpse of the man. It was Howard from the basketball team and that made my blood boil. I tapped his back and he immediately turned to me, his cute eyes went wide when he recognized me.  
 
"What do you think you are doing, Howard?" I asked and glared at him.  
 
"Oh come on Liv! This is a thing between us." He said and looked at Chanelle.  
 
I can't see her clearly since walang ilaw sa part na to ng Villa. I would be stupid if I let them be kaya hinawi ko si Howard dahilan upang mabitawan niya si Chanelle.  
 
"Howard, I don’t like meddling with people's business but this is the adviser of the student council and the niece of the college President. Do you think what you are doing right now could cause you any good? Scholar ka pa naman." I said and stood in front of Cha, naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa laylayan ng damit ko.  
 
Howard took a step back and sigh in frustration, "Fuck. Wala naman kasi to sa usapan eh!" He mumbled more to himself kaya napakunot ang noo ko.  
 
"What did you say?"

girlfriends (LingOrm)(on-going)Where stories live. Discover now