CHAPTER 9

62 2 2
                                    

EVERYONE seems happy and active because of the College Week. Well, kahit naman ako ay masaya dahil walang pasok. Minsan, nakakatamad magklase dahil wala rin namang magtuturo tuwing my events. Kung hindi kumakain ang mga teachers sa mga booth, naglalaro naman sila sa nirentahang rides ng school.

As for me, I just decided to walk around. Wala rin naman akong mga kaibigan dahil iniiwasan nila ako o di kaya inaasar akong mais. Nakakapagod lang maging immature. Magco-college na kami pero uso pa rin sa kanila ang bullying. Major yuck.

"I thought you won't be going." Malungkot na bungad ni Zed sa akin pagkapasok ko ng kuwarto kung saan sila nag-practice.

"Wala akong class and I can't miss your performance." Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Goodluck mamaya. I know you can do great."

"Of course, I can't blow this up. You'll watch." Zed chuckled and snaked his arms around my waist. It made my heart skip a beat... Nakakainis. "Why are you pouting?" Bulong niya.

"Heart attack. Again." I whispered. I know that my statement made him blush too. I can see it from his flushed face. "Hindi lang ako ang dapat kiligin. Dapat tayong dalawa."

"Well, even if you just stand and say nothing, my heart will skip a beat. That's your effect to me, Meine Herzogin." Zed said in a low voice that made me smile but I tried so hard to suppressed it. But I failed. "I love your smile. Don't hide it." He said while resting his chin on my shoulder.

"Ahm, anong oras kayo kakanta?" Nahihiya kong sabi para ibahin ang usapan. Kahit na hindi tumitingin ang mga ka-banda niya, alam kong narinig nila ang sinabi ni Zed dahil kahit sila ay naapangiti rin sa kakornihan ni Zed.

"Baka langgamin na kami rito, ah?" Sabat ni Marlo bago i-abot ang isang electric guitar kay Zed. "Pakiligin mo nalang siya gamit ang kanta mo. Kinikilabutan ako sa pick-up lines mo."

"Ang sabihin mo, kinikilig ka rin." Pang-aalaska naman ni Lucas kay Marlo.

"Oo na. Si Zed kasi 'e." Pagsakay naman ni Marlo na ikinailing nila lahat. "Nga pala, next performance na ba tayo?"

"Yeah. For finale?" Sagot naman ni Zed. Halatang excited na siyang kumanta dahil alam ko kung anong ibig sabihin ng ngiti at pamumula ng tenga niya. I can't miss those little things about him. Even his deep breathing, his tight hold... I know he's excited. "Hmm. Why the stare?"

"You're excited and nervous at the same time." I said. It wasn't a question but a statement.

"You know me too well. Ahhh..." Zed chuckled as he put his hand on his forehead and stared at the ceiling. He gulped and continued talking. "You are really my other half..." Then, he kissed my hand and looked at me straight in the eyes. "I can't lose you. Never. Not in this lifetime, Meine Herzogin."

"Choo-choo. Mamaya na kayo. Magperform muna tayo." Kyne said as he walked between us.

"Pagpasensyahan 'nyo na. Hindi kasi siya crinushback ng crush niya." Saad ni Marlo na sumunod naman kay Kyne na halatang wala sa mood. Naiintidhan ko naman. Pero ako kasi crinushback so hindi ako masyado makarelate.

"Ayos lang. Goodluck pala sa performance. Doon ako sa unahan manonood." Nakangiti kong sabi sa kanilang lahat sabay tapik sa kaniya-kaniya nilang likuran.

Kaagad silang naglakad papunta sa stage habang ako naman ay nakikipagbalyahan papunta sa unahan. Mukang fully packed ang college week dahil sa kanila. Although most of talaga ng mga pumunta ay dahil sa pagkain. But still, marami rin silang fangirls sa Senior High Department. Hindi ko rin naman itatanggi na pogi ang mga kasama ni Zed. Pero siya yung pinaka-pogi.

"Miss, kanina ka pa panay siksik!" Sabi ng katabi ko. Otomatiko akong napasimangot dahil mukang college siya at week nila 'to. Hindi ko siya puwedeng malditahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BC # 4: Breaking CommandmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon