Episode 01

3 1 0
                                    

May kuya ako na hinding Hindi mo gugustuhing maging kuya! Maporma, babaero at...

"Althea! Uma-ambon samsamin mo yung sinampay sa labas!" Utos ni kuya na kapapasok lang galing labas, deretso lang itong pumasok kahit nakasuot pa ang sapatos sa paa.

"Kuya!! Alam mong nag luluto eh!" Sigaw ko sa kanya bago pa sya tuluyang makapasok sa kwarto nya.

Lumingon sya sakin at lumapit, ngayon parang boss sya na naka-pamewang sa harap ko.

"Aba't nag rereklamo ka?"

Pa hampas kong ibinigay sa kanya ang tila malaking kutsara na ginagamit kong pang luto ng adobong baboy para sa hapunan namin.

"Pag ayan nasunog huh!" Sabi ko bago padamog na lumabas para gawin ang pinag-uutos ng mahal na hari.

Isa iyan sa katangian ni kuya pala utos! At felling gangster tiklop naman kay mama!

Napahinto ako sa pag sasamsam ng sinampay ng may humintong bike sa harap ng gate ng bahay namin.

"Ano po yun?" Tanong ko sa lalaking kakababa lang sa besikleta nya.

"Dito ba nakatira si Anthony?" Nang marinig ko ang pangalan ni kuya sa lalaking kaharap ko ngayon, tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, Hindi ang kagaya nito ang kakaibiganin ni kuya.

"Binu-bully ka ba ni kuya? Naku pasensya ka na! Basagulero talaga Yun!"

"H-hindi..."

"Anong binu-bully! Tropa ko yan eh!" Rinig kong sabi ni kuya mula sa likod ko.

"Ako lokohin mo!" Hindi ang mga nerdy ang kakaibiganin ni kuya, at kilala kong basagulero din ang mga kaibigan nitong kuya ko.

"Ahh miss, totoo mag tropa talaga kami." Sabi naman ng lalaking nerd na ito.

Magsasalita na ulit sana ako ng magsalita si kuya.

"Hoy! Huwag mo naman ipagmalaki na may panty ka na hindi bulaklakin!"

Napatingin ako sa hanger na hawak ko kanina pa, nanglaki ang mata ko at tila hindi ako makahinga ng makita ko ang nakasabit dito ang underwear ko na kulay itim, Hindi ako makagalaw sa sobrang kahihiyan tila nabato na ako sa kinatatayuan ko, dalidali namang pinapasok ni kuya ang bisita nya at pumasok narin sya na tumatawa pa!

Nakakainis ka kuya! Hindi mo manlang inisip ang kahihiyan ko! Lalaki pa naman ang bisita mo!!, Iritang bulong ko sa sarili.

AHHHHHH! NAKAKAHIYA!!!! sigaw ko Saka padabog na bumalik sa ginagawa ko.

Nang makapasok na ko sa loob ay wala si kuya sa 'Sala' malamang nasa kwarto nya na ito.

Dumaretso ako sa mini dining area at mataintim na kumain mag Isa.

Bago pumasok sa kwarto ko ay kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ni kuya at ibinigay sa kanya ang mga naitiklop ko ng damit nya, Hindi ko na hinintay na utusan pa ako ng boss ko!

Agad akong sumalampak sa kama ko at kinuha sa bag ang mga assignment na dapat ko nang sagutan.

"Kapatid mo yung babae?" Rinig kong tanong ng bisita ni kuya na nasa kabilang silid.

"Oo, bakit?" Rinig ko ding sagot ni kuya.

"Pwede ko bang malaman anong pangalan nya?" Hindi na Ako makapag focus sa ginagawa kong assignment! Andito na ko sa pader na humahati sa kwarto ko at kwarto ng kuya ko at pinapakinggan ang dalawang taong nag uusap doon!

"Type mo ba kapatid ko?" Napatakip ako ng bibig ng marinig ko ang sarkastikong tanong ni kuya sa bisita.

"Ahh H-hin... Ano.." Tarantang boses ng bisita nya.

Narinig ko ang hagikhik ni kuya.

"Kalma! Sige, hahayaan kitang ligawan ang kapatid ko kung matatanong mo sa kanya ang pangalan nya.

"Ayaw kong duwag ang magiging boyfriend ng kapatid ko."

Hindi ko maintindihan tila may kung anong umiikot at nag lalaro sa tiyan ko! Ito na ba ang tinatawag ng ibang butterfly, bumalik ako sa pagkakasalampak sa kama at pinilit ang sarili na mag focus sa ginagawang assignment.

*****

Nagising ako sa malakas na kalabog mula sa pintuan ng kwarto.

"HOY! ALA-SYETE NA! ALAS-OSTO ANG PASOK! KUMILOS KA NA! KUNG AYAW MONG HINDI KITA ISABAY PAPUNTANG ESKUWELAHAN!!!" Nakakabinging sigaw ni kuya na tila gusto pang sirain ang pinto ng kwarto ko.

"OO NA! BWESIT!"

"TATAMAAN KA SAKING BABAE KA PAG LABAS MO!"

Hindi ko na sya pinansin, kinuha ko na ang uniform ko at lumabas ng kwarto, patakbo akong pumunta ng CR dahil ayaw kong tamaan ng malakas na baltok ni kuya... Ang sakit kaya bumaltok non.

Nang matapos akong maligo at lumabas ng CR ay nanglilisik na Mata agad ni kuya ang sumalubong sa akin.

"MAMA!!!!" agad na sigaw ko wala pa mang nagagawa si kuya.

"Hoy! Manahimik ka! Wala si mama dito!"

Agad Kong prinotektahan ang ulo ko ng makitang tumaas ang kamay ni kuya, Ang Akala Kong pag baltok ni kuya ay kinuha lang pala nya ang maliit na plastik na nakadikit sa buhok ko.

"Mag ayos ka na! Bilisan mo, hihintayin kita sa labas! Papainitin ko narin yung motor." Sinong angel ang sumapi sa kuya ko at ang bait ata ngayon nito.

Inihatid nya ako sa high school na pinapasukan ko at agad na umalis para makarating sa university na pinapasukan nya.

Wala namang pinag bago sa eskuwelahan boring parin... Nakakaubos ng utak Ang math at gusto ko na mag magic para lang tumunog na ang bell at nang maka uwi na ako.

"Althea sabay na tayo kumain sa canteen pag resses huh!" Bulong sakin ni jass na best friend ko.

"Palagi naman huh!"

"May I-ku-kwento rin ako sayo!" excited na sabi nya.

"Chismosa ka talaga!" Tumatawa kong bulong sa kanya dahilan para hampasin nya ako sa balikat.

"Ouch! Masakit Yun huh!" Tumatawa ko paring sabi kahit masakit talaga habang hawak ang braso na pinalo nya.

Inirapan nya ako at mag sasalita pa sana ng may napakalakas at nakakatakot na sigaw mula sa harap ang narinig namin....

"ALTHEA JOY! AND JASS MAINE! ANO ANG PINAG BUBULUNGAN NYO DYAN? MAS MAY MATUTUTUNAN BA KAYO DYAN KESA SA TINUTURO KO DITO?" Nakakabinging sigaw ng guro namin at ngayon nasa likod kami at nakaharap sa pader hindi kami makakaupo habang hindi pa natatapos Ang klase nya sa amin pero kaming mga walang hiya ay tumatawa at nag ku-kwentuhan pa dito sa likod.

"KAYONG DALAWA SA LIKOD! ANONG NAKAKATAWA?"

I'm in love with my brother's nerd friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon