Episode 02

1 0 0
                                    

Nasa canteen na kami at magkasabay na kumakain ni Jass bumili lang ako ng burger samantalang sya ay bumili naman ng Somai rice habang ikinu-kwento nya sakin ang childhood crush nya.

"Nakita ko ulit sya!" Masayang Sabi ni Jass.

"Lumipat na pala sila dito nung nakaraang taon pa, busy lang ako kaya hindi ko napansin medyo malayo din kasi yung bahay nila samin."

"Sure kang sya Yun?"

"Oo naman since six years old ako crush ko Yun! Kaya hindi ako pwede magkamali!

"Hindi parin sya nag babago mukang matalino parin sya at ang gwapo gwapo parin nya!" Muka sya'ng tangang nakatingin sa kisame habang nag-ku-kwento.

"By the way same university sila ng kuya mo!"

"Talaga?" Tumango lang sya, habang hindi parin nawawala ang ngiti nya.

"Anong pangalan? Tanong natin kay kuya kung kilala nya!"

"Malabo Yun, ibang iba yun sa kuya mo!"

"Ok! Tara na? Malapit na mag bell."

"Tara!"

*****

Kakatapos ko lang mag laba at mag sampay ng damit, kasalukuyan akong nanonood ng TV ng may kumatok sa pinto.

Yung Nerd friend na naman ni kuya yan siguro, halos isang linggo na yan pabalik balik dito huh!

Tatayo na ako ng marinig ko si kuya.

"ALTHEA! BINGI KA BA? MAY KUMAKATOK! BUKSAN MO ANG PINTO!"

"Oo na nga! Ito na oh!" Sabi ko habang  naglalakad papuntang sa pinto.

Nanglaki ang mata ko at napatili ako ng buksan ko ang pinto at agad na niyakap ang taong nasa harap ng pinto.

"MAMA!! NAKU MAMA NA MISS KITA!" Kasambahay kasi si mama at once a week lang sya makauwi Minsan hindi pa, kaya dalawa lang talaga kami ni kuya dito sa bahay.

"Ang kuya mo? Kamusta kayo?"

"Nasa kwarto nya po si kuya at ayos lang naman po kami."

Hehe hindi ako pwedeng utusan ngayon ni kuya andito si mama! Yeheyy  Ang saya naman!

"Kuya!! Lumabas ka Dyan! Andito si mama!" Sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto nya.

"Ma! Kamusta?" Tanong agad ni kuya Kay mama.

"Ayos lang, ito yung mga pinamili kong grocery nyo, lagay mo na sa ref anak."

"Sige Po."

"Ang bait naman ng kuya ko!" Pang aasar ko habang inilalagay nya ang grocery sa ref at cabinet storage.

"Gusto mong ipagawa ko to sayo?" Sabi nito na masama Ang tingin sakin, pero hindi ako takot nginitian ko lang sya.

"Kuya! Mag luto kang Pancit Canton huh! Meryenda natin!" Utos ko ng makaupo ako sa sofa kasama si mama.

"Aba't!"

"Mama oh!" Pinandilatan nya ko ng mata pero ngumiti lang ako sa kanya.

Si mama naman ay nakangiti lang na pinapanood kami, Alam kong masaya sya na nakita nya kami.

"Ma! Tabi na tayo sa kwarto ko."

"Sige."

"Huwag na! Sa kwarto ko nalang Ikaw matulog ma! Dito na muna ko matutulog sa Sala, maliit ang kwarto ng babaeng yan." Napasimangot ako kay kuya.

"Huwag na nak, tabi nalang kami ni Althea hindi comportable dito sa sala."

"Sige po kayo ang bahala."

*****

"TUBIG!!!!" Agad na sigaw ko ng sumubo ako ng iniluto ni kuyang Canton.

Tumawa lang si kuya habang halos maiyak na ako sa sobrang Anghang ng niluto nya.

Nang matapos akong uminom at balak gumanti sa kuyang kong masama ang ugali ay may kumatok sa pinto, si kuya ang nag bukas nun dahil andito si mama hindi nya ko pwedeng gawing alipin for today.

Pag balik nya ay kasama nya na ang nerd nya'ng kaibigan, nakasuot ito ng polo shirt at pants naka bagpack din ito na akala mo ay kamag-anak ni Dora pero kahit na hindi sya yung tipo ng lalaki na gugustuhin ko kinikilig parin ako knowing na may gusto sya sakin, may kakaibang feelings din ako na nararamdaman everytime he's around.

Nginitian ko sya ng mapansin kong nakatingin sya sa akin, inalok din sya ni mama na sumabay sa meryenda namin.

Hanggang ngayon hindi parin nya tinatanong pangalan ko at hindi ko parin alam ang pangalan nya, hindi ko rin alam bakit hinihintay ko din na tanungin nya ako.

Nang matapos na kaming mag meryenda ay pumasok na Ako at si mama sa kwarto para magpahinga, ganun din si kuya dahil gagawa pa daw sila ng assignment nila, kaya pala nya kinaibigan para may taga gawa ng assignment.

Nag ku-kwento sakin si mama ng nangyari sa bahay ng amo nya ng marinig namin ang biglaang usog ng lamesa o bangkuan.

"A-Anthony? Ri-rinig tayo sa kabilang kwarto?" Nervous na tanong ng bisita ni kuya.

"Oo! Bakit?"

"A-Anthony edi naririnig ng kapatid mo yung pinag uusapan natin?"

"Oumm"

"U-uuwi na ko!"

"Tatapusin pa natin tong assignment!"

"Ah h-hindi... Bibigay ko nalang sayo bukas! Sige byee!

Nakita kong nagmamadaling lumabas ng bahay ang lalaki muntikan pa itong mapatid malapit sa pinto... Medyo nakalayo na sya ng bumalik sya para isara ang pinto dahil nakalimutan nya sa sobrang taranta!

Tumingin ako sa kabilang kwarto at nakatayo din si kuya sa pinto nun, habang nag pipigil ng tawa.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko.

"Ewan, Ikaw Kasi eh!" Sagot nya habang tumatawa at pumasok na sya sa kwarto nya.

"Ako? Ba't ako?" Naitanong ko nalang sa sarili ko.

"Ano ba ang naririnig mong pinag uusapan nila?" Tanong sakin ni mama na nasa likod ko pala.

"Ano.. Ako." Saka lang nag sink in sakin kung ano ang nang yare na realize nya na naririnig ko ang sinasabi nya kay kuya na gusto nya ako.

"Huh?"

"Ahh. Wala ma! Tara tulog na tayo!"

Gosh! Nahiya yata sya!

*****

Ilang araw na ding hindi ko nakikita ang kaibigan ni kuya simula ng malaman nya'ng naririnig ko sila ni kuyang pinag-uusapan ako at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit parang miss ko sya? O miss ko lang ang mga magagadang bagay na sinasabi nya kay kuya tungkol sakin?

Naglalakad ako pauwi ngayon dahil hindi na naman ako sinundo ng mabait kong kuya pero ayos lang medyo malapit lang naman ang school sa bahay.

Hindi kalayuan sa kung saan ako nakatayo ay nakita ko ang familiar na lalaki o sadyang miss ko lang sya kaya nag ha-hallucinate ako? Ang nerd friend ba ni kuya Yun? Kasama ang mga lalaking kung tawagin ay bad boys?

I'm in love with my brother's nerd friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon