Episode 03

1 0 0
                                    

Tinignan ko silang mabuti at nakita kong parang may mali... At tatlong member ng bad boys ay nakapaikot sa lalaking tahimik na pinagmamasdan sila tila hinihintay lang nito ang gagawin ng tatlong itlog!

Ang lalaking nasa likod nya ay humawak sa balikat nito pero hindi nya iyon nilingon.

Bully? Binu-bully nila ang kaibigan ng Anthony Liona? Hindi yun maaari! Dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila para siguraduhin kung tama Ang hinala ko.

"Kalma ka lang! Parang gusto mo ng umihi sa pantalon mo eh!" Sabi ng isa sa kanila dahilan para tumawa ang dalawa pa nitong kasama.

"Alam mo ang kailangan lang naman namin ay..."

Binato ko sa kanila ang buko juice na iniinom ko, tumama iyon sa isa sa kanila,

Sabay sabay na nabaling sakin ang atensiyon nila,

"Anong ginagawa nyo? Bakit nyo sya binu-bully?!" Taas kilay na tanong ko.

"At sino ka!?!" Nakakabinging sigaw ng lalaking nasa harap ko, tumatama pa ang laway sa mukha ko! Yackssss!

"Manong?! Nag toothbrush ka ba? Ang baho ng hininga mo!"

"ABA! TARANTADO KANG BABAE KA!!" Napapikit ako ng umanba sya'ng  sasampalin ang mukha ko... Pero narinig ko na ang malakas na kalabog ay wala paring tumatamang balad sa mukha ko, ng maramdaman kong may humila sakin ay napamulat ako ng mata, magkahawak ang kamay na tumatakbo kami ng kaibigan ni kuya at hinahabol kami ng mga unggoy este mga bad boys.

"HOY! BUMALIK KAYO!!!!" sigaw ng isa sa kanila.

"IKAW NA NERD KA! PAGBABAYARAN MO ANG PAG PALO MO NG BAG SAKIN!" nang gagalaiti pang isaw ng isa.

Pinalo pala nya! Hindi nya hahayaang masaktan ang magandang mukha ko!!" Gosh! Kinikilig na ko ngayon sa nerd, felling ko ang pretty ko pag nakikita at naririnig ko ang lalaking kahawak kamay ko at tumatakbo kasama ako.

"Saan tayo papunta?! Sa kabila yung daan papunta sa bahay!" Sigaw ko ng mapansin kong ibang direction ang tinatakbo namin.

"Tumakbo ka nalang! Hinahabol pa nila Tayo! Baka maabutan tayo patay na!"

Napadpad kami sa play ground at nagtago kami sa bahay ng slide at hinintay makaalis ang mga lalaking humabahol samin.

"Nakatulong ba ko o nakapahamak?" Tanong ko ng makapagtago na kami.

"Shh, wag ka maingay andyan pa sila."

"Sorry huh, gusto ko lang sana makatulong."

Bakit parang biglang gustong kumawala ang puso ko ng ngumiti sya sakin.

"Okay lang." Sabi nya pagkatapos akong bigyan ng magandang ngiti saka lang ako makabalik sa realidad ng sinabi nya na wala na ang humahabol samin.

Medyo hinihingal pa ko at kinukulang sa paghinga kaya napag desisyunan muna naming mag pahinga sa duyan.

Ewan ko nga kung  hiningal ako sa pagtakbo o sa ngiti nya eh, gwapo naman pala sya hindi ngalang sya marunong pumorma, pero pasado na! Hehe

"Ayos ka lang?" Muntik pa ko mahulog sa duyan ng mag-salita sya, sobrang naka focus kasi ako sa iniisip ko kaya nagulat ako eh.

"Ahh, Oo ayos lang ako, Tara na! Pupunta kang bahay diba?" Tumango lang sya at nag-umpisa na kaming mag lakad.

Anthony POV

Kanina pa ang uwian ni Althea huh! Bakit wala parin ang babaeng yun. Lagot talaga sakin mamaya Yun!

Nang marinig ko ang katok sa pinto ay malakas kong binuksan yun dahilan para lumagabog ang pinto sa dingding.

"BAKIT NGAYON KA LANG?!" Agad na sigaw ko.

"KUYAAAA! ANO BA?! ANG SAKIT MO SA TENGA!"

kumunot ang noo ko ng makita kong magkasama sila ni Jaden.

"Bakit magkasama kayo?" Takang tanong ko. Nasabi na kaya nya sa kapatid ko ang felling nya?

"Hinahabol kami ng kalaban." Mahinang tugon ni Jaden pero sapat para marinig ko.

"Huh? Anong gang?"

"Bad boys."

Masama toh! Kung malalaman nilang connected si Althea sakin pwede nilang idamay ang kapatid ko at hindi pwede yun.

"Sige pumasok na kayo." Nasabi ko nalang.

Althea POV

Anong Meron? Kalaban? Gang? Totoo bang gangster ang kuya?

"Hay Nako!" Bugtong hininga ko, kasabay ng pag tayo ko.

Lumapit ako sa pader na humahati sa kwarto ko at ni kuya para sana makinig sa pinag uusapan nila pero wala akong marinig,

Kanina pa sila nasa loob ng kwarto ni kuya pero bakit ba ang tahimik nila hayys!

"ALTHEA!" Muntik na kong atakihin sa puso Buti Wala kong heart deasea ng biglang bumukas ang pinto at tinawag ako ng malakas ni kuya, Nakita nya ang position kong nakatapat ang tenga sa pader kaya agad akong tumayo ng tuwid.

Poteks toh para akong sundalo kulang nalang sumaludo

"Po!?" Po? Anong sabi ko? po? Eh hindi naman ako nagpo Po at opo dito sa kuya ko, 1st time ata toh!

"May pupuntahan kami, huwag kang lalabas. Okay." Kahit hindi ko binabasa yung salita ni kuya pakiramdam ko may tuldok sa dulo Yun, bawal ng dugtungan kaya tumango nalang ako.

Sinarado na nya ang pinto at umalis ng walang kahit anong sinasabi.

Ano ba talagang nangyayare?!

*****

Lumipas ang isang lingo na wala namang nagyayareng masama pero felling ko may mangyayareng masama pero baka ako lang yun.

"Althea!!" Tawag sakin ni Jass

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong pa nya.

"Huh?"

"Yung Sabi mo sa chat na may kwento ka!"

"Pambansang chismosa ka talaga!"

"Ikaw kaya nag sabing I-ku-kwento mo!"

"Uso din kasi mag hintay!" Tumatawa kong sabi.

Naupo kami sa upuan namin at nakita kong handa na sya'ng makinig kaya okie dokie umpisahan ang kwento.

"Ano Kasi..."

"Anong ano? Pabitin wahloo!"

Binatukan ko sya sa sobrang pagmamadali nya mukang tanga!

"Ouch huh!" Sabi nya habang hawak ang ulo. "Ang sama mong kaibigan!" Pabiro pa nya'ng sabi.

"Ito Kasi naaalala mo pa yung kinukwento ko sayong nerd friend ni kuya?"

"Oum, Yung may crush sayo? Sana all!" Tumatawa nya'ng sabi.

"Yeah! Crush ko narin yata sya!"

"Ay shuta! Ang bait mo naman best! Nang-ka crush back.

"Ako kelan kayo ko I-ka crush back ni crush" Sabi nya with paghalakhak, parang demonyo wahloo.

"Hoy umayos ka nga!" Saway ko sa kanya.

"Pakilala mo sakin gusto kong makita!"

"Sige, meryenda tayo sa bahay mamaya, pupunta, bibisita kay kuya mamaya yun eh."

"Sige! Sige!" So sobrang excited na sabi nya.

"Basta huwag ka maingay huh!"

Kunwareng siniper nya ang bunganga at tumango tango.

I'm in love with my brother's nerd friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon